HINDI MAGKAMAYAW si Claudette sa ginagawang pagluluto. Na-late kasi siya ng gising dahil nga sa na-late rin siyang nakatulog kagabi. Nasa kalagitnaan na siya ng pagtulog ng bigla niyang naalala ang ipinangako kay Raphael noon na gagawing kontrata para sa pagtira nila sa iisang bubong. Hindi naman dapat siya aabutin ng ala una ng madaling araw sa ginagawa, pero dahil talagang pinag-isipan niya ng mabuti ang mga ilalagay sa kontrata ay hindi na niya namalayan ang oras. Kung hindi pa biglang naalimpungatan si Claudio ay hindi na nga talaga namalayan ni Claudette ang ginagawa. That made her wake up past six in the morning. It wasn’t too late actually, pero dahil balak niyang magluto ng breakfast, at siguraduhing walang nakalimutan sa mga gamit na naimpake ay balak niya talaga ang gumising ng

