3
THERON POV
Yow bud! why you here? anong masamang hangin ang nagdala sayo dito. Pabirong wika ni Seb sa kanya na kasunuran na pala si Galen.
Utot mo!, sagot niya sabay tunga ng alak na hawak niya. Andito siya kasi ngayon sa Lions Den na pag-aari ng kaibigan niyang si Seb. Dito siya dinala ng mga paa niya after niyang magikot-ikot sa mall na parang timang. Isa pa gusto din niyang mag unwind para mawala ang gumugulo sa isipan niya, aba'y isang buwan na din na hindi mawala-wala. Hindi niya tuloy napigilang hindi mapabuntong hininga.
Uh-ho, I smell something fishy bud... may pagdududang sabi ni Galen.
Shut the f*cked up Gal.. singhal niya dito na ikinatawa lang ng kaibigan.
Sows! if I know babae yan eh, nakabuntis ka na ba? buti naman kung ganun, para ikaw na ang mauna sating lima mag-asawa para mag bagong buhay ka na." pang-asar pang saad nito. Habang si Seb ay tatawa-tawa lang.
Wow ha, nagsabi ang hindi.. and for your info hindi babae ang rason ko koreano kaya tigilan mo ako."..
Eh di hindi, teka asan pala sila Hans at Blaze? tanong ni Seb sa kanya.
May operation, si Hans naman may inaayos pa ata sa office niya, pero sunod daw siya,..sagot naman niya dito.
I see.. maiwan ko muna kayo at kakausapin ko muna ang manager ko dito sa Den... paalam ni Seb sa kanila at naglakad na palayo.
Naramdaman naman niya ang pagsiko ni Galen sa kanya kaya naniningkit niyang tiningnan ang kaibigan.
Hep! ayusin mo ang mga mata mo Theron baka tusukin ko yan, magtatanong lang naman ako if kelan mo ba kami dadalhin dun sa resort mo sa Batangas. Langoy na langoy na ako eh.. kung makatitig to ka kala mo papatay ka ng tao eh.
Napangiti siya sa kakulitan ng kaibigan niya. " Soon pag may time na tayo" sagot niya dito. Bago sineryuso ang mukha at tinitigan ang kaibigan niya na ngayon ay nawala ang mga ngiti sa labi.
I don't like that kind of look bud! saad ni Galen at umakto pang tila natatakot.
Gags! kung anu-ano ang iniisip mo... may itatanong ako sayo bud.. I really don't know kasi if this is normal, Jezzz... he frustratingly said.
So it's a serious matter huh" seryusong saad nito sa kanya. Oh well when it comes sa mga ganitong usapan maasahan naman ang koreanong hilaw na buddy niya, huwag lang sa kalokohan dahil number one ito at syempre sa kanilang lima siya ang number two.
No, not that serious bud. I'm just wondering why I can't erase her on my head, damn! it's been a month now pero pakiramdam ko lagi ko siyang nakikita lalo na pag nakapikit ako.." he seriously said.
Awang naman ang bibig ng kaibigan niya sa mga lumabas sa bibig niya.
Fuck! did you just said her? tanong nito na ikinatango ng ulo niya. 'Damn Theron! your'e in love!
Halos maibuga niya ang kaniyang iniinom sa kaibigan niya dahil sa sinabi nito.
Gago! anong in love na sinasabi mo diyan? You know that's not in my vocabulary buddy.. iiling-iling niyang sabi dito.
Oh eh then what did you call that? nakulam? nanuno? jezzzz, patawas ka na kung yun lang din naman.. saad nito sabay inom ng alak na nasa baso nito.
Baliw! ewan ko sayo diyan.. nakangisi niyang sabi dito.. Mambabae na lang tayo mas okey pa, kulang lang ata to sa fertilizer.. pilyong sabi niya kay Galen.
Ayown! yun nga yan.. want me to call our girls? kagat labing tanong nito na mabilis naman niyang sinang-ayunan. Sa kanilang limang mga kurimaw, silang dalawa lang talaga ni Galen ang masyadong pasaway. Babaero sila pero take note they are not the one who did the first move first.. Sila ang nilalapitan at nilalandi sino ba sila para ipagkait sa mga ito ang katawan nila diba? pero hanggang doon lang siya, sa flirting and humping and after that babye na. Ayaw niyang makipagcomit at ayaw niya ng seryusong relasyon... and the reason behind that, silang lima lang ang nakakaalam. Pero after ng may nangyari sa kanila ng babaeng yun, pakiramdam niya nawalan na siya ng gana makipaglandian pa sa ibang babae. Pano niya nasabi? sino ba gaganahan kung may lumalandi sayo pero ibang mukha ang sumasagi sa isipan mo, habang hinahalikan ka ibang halik ang hinahanap mo and that was so damn frustrating. Pakiramdam niya tuloy may dalang sumpa ang babae na yun. s**t, huwag naman sana.
They coming up bud! nasa baba lang pala sila, dancing... malanding saad nito..
Ah'right..he simply answered sabay lakad papuntang wall kumg saan tanaw na tanaw niya ang mga sumasayaw sa dance floor na nasa ibaba.. He smirked naughtily when someone wrapped the arms around his waist.. He was about to turn around but someone who's dancing wildly on the dance floor catches his attention. Halos hindi siya kumurap sa kaniyang nakikita, and he felt his throat got dry sa nakikita niya ngayon. Damn! that lady for making him feel this way... He clinched his jaw ng makitang maharot na nakikipagsayaw ito sa isang foreigner. Parang gusto niya tuloy paputukan ang lalaking nakahawak na ngayon sa bewang ng babae. s**t! He bite his lower lips sa hindi malamang nararamdaman niya sa mga oras an yun.
He tried to ignore what he felt, pero ang pukang ina, hindi niya matangal tangal ang tingin sa babaeng akala mo ay ipinaglihi sa uod kung gumiling at ang hinayupak na lalaking kasaway nito ay halatang halata na ang pagnanasa sa mukha sa babaeng gumigiling sa harapan nito.
Mabilis niyang tinanggal ang mga kamay na nakapulupot sa kanya at mabibilis ang mga paang naglakad pababa ng dance floor. Ni hindi na niya narinig pa ang pagtawag sa kanya ni Galen at nakita ang dissapointed na mukha ng babae na nakayakap sa kanya kanina.
..........................................................................
Samantalang hilong-hilo na si Cleo dahil naghahalo na ata ang kalasingan niya at kapaguran niya sa pagsasayaw. Ang walang hiya niya kasing kaibigan kung kailan nasa kasarapan na siya ng paglalandi este pagpapamasahe aba'y tinawag-tawagan siya dahil as usual trouble is real, buti na lang ang daddy na lang nito ang pumunta ng nalamang malaking tao ang binangga ng unica iha niya.. At heto nga, after makalabas sa trouble niyaya naman siya mag bar, pero iniwan lang din siya ng bff niya, nakipagtanan.. charoot lang.. Kita na lang niya na karga na ito ng may-ari ng sikat na Lions den na hindi ka makakapasok if hindi ka member ng elite bar s***h club na to.. And take note ang mamang tumanan sa bff niya ay super duper yaman, a hot bachelor.. super yuminess din pero di niya type. ..choossy lang..
Nasa kalagitnaan siya ng pakikipagsayaw sa isang foreigner ng bigla na lang may humawak sa kamay niya at basta na lang siya hinila palabas ng bar.
"hey! let go of me! I don't know you! singhal niya sa lalaki na kung makakaladkad sa kanya wagas...
Hoy! bitiwan mo ang kamay ko! o masasaktan ka! pagbabanta niya dito, pero ang kumag parang walang naririnig at sige lang sa paglalakad habang hawak ng mahigpit ang kamay niya na alam niyang namumula na sa mga oras na yun, sa higpit ba naman ng pagkakahawak aba'y mapapamura ka na lang eh.
"Tangina bitiwan mo sabi ako-------- hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng bigla itong huminto at binuksan ang sasakyan at hinarap siya na naniningkit ang mga mata.
Her mouth formed into an ow ng mapagsino ang bastos na mamang tumangay sa kanya palabas ng den.
You!!!!?? namimilog na mga matang tanong niya na mas lalong ikinatiim ng titig nito sa kanya.