9 "Then marry me! Parang gustong mangiwi at malaglag ang panga ni Cleo sa tinuran ng damulag. Aba'y kung makayaya na pakasalan niya ito wagas. Ha? nagpapatawa ka ba? Anong akala mo sa pagpapakasal laro lang? Ako damulag tigil-tigilan mo ako ah!.. inis niyang wika dito. Pumunta naman ito sa harapan niya at umupo. I'm serious! since ayaw mo namang magsinungaling na diba then ito na lang.. I'm doing this for my lola for her to be happy bago niya man lang lisanin ang mundong ito at least natupad ko man lang ang gusto niya.. malungkot na sabi ni Theron.. Umayos naman siya ng upo at tinitigang mabuti ang lalaki kung nagsasabi ba ng totoo. Seryuso ka ba diyan? Eh di mas lalo mong lolokohin ang lola dahil diyan sa gagawin mo! baliw to! pero teka, is lola really sick? usisa niya dito. She s

