Xandie POV "Ack! Ack! Ack!" Matapos kong sumuka dito sa parking lot ay kinuha ko agad ang nakalahad na panyo na galing kay Zio. Pinunasan ko agad ang bibig ko at sumandal sa sasakyan niya. "Parang gusto ko pa ring sumuka." Nanghihina kong sabi. "Sino ba kasing nagsabi na uminom ka? Eh hindi mo pala kaya tsk." Pagalit na sabi ni Zio kaya lumapit ako sa kanya at sumandal sa dibdib niya. "Masama ang pakiramdam ko husband tas papagalitan mo pa ako. Saka pwede bang chill ka lang? Kakarating mo pa lang eh tas high blood ka agad." Mahina kong sermon sa kanya dahil nanghihina na talaga ako. Godness gracious! Sana pala di na lang ako uminom haist. "Yeah and you just fuking gave me a headache." Inis na sabi nito sakin kaya hinarap ko siya. "Anong headache pinagsasabi mo dyan?" Nahihilo kong t

