Xandie POV Dali dali akong tumalikod at naglakad palabas sa university. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero pumara na lang ako ng taxi na dumaan sa harapan ko. Agad akong pumasok sa taxi at kinuha ang phone ko na nasa bulsa ko para tawagan si Trixie. "Asan kayo?" bungad ko kay Trixie ng sagutin niya ang tawag ko. [Hello rin beshy. Nandito kami sa mega mall, bakit?] "Papunta ako dyan. Hintayin niyo ako." Huling sabi ko at binaba na ang tawag. "Sa mega mall po manong." Magalang kong sabi kay manong ng mapansin kong pasulyap sulyap siya sakin. Kinalikot ko ulit ang phone ko at tinext si Zio. To: Your Husband I can't go with you. May pupuntahan kasi kami ng mga kaibigan ko. I'm sorry. I typed then I press the send button. Muli na namang bumalik sakin ang nakita ko kanina. Hindi k

