Nang napag alaman ni Cathlene na wala na si Micheal sa Pilipinas ay hindi na siya nag aksaya ng panahon pa para dito. Ngayon ay nag-iisip na lang siya ng panibagong plano kong paano mahahanap si Harold hanggang sumagi sa isip niya ang ate ni Harold na nasa probinsiya. Minsan naikwento ni Harold ang tungol sa ate nito at negosyo nilang pagawaan ng mga native products at malaking manggahan kaya kong 'yon ang hahanapin niya baka makapagbigay ito ng impormasyo tungkol kay Harold o malamang wala rin itong alam. Nabuhayan ng loob si Cathlene sa naisip kaya nagpasya siyang hanapin ang nakatatandang kapatid ni Harold sa probinsiyang kinalakihan nito. Ang problema niya ngayon ay kong paano niya makukumbinsi ang kaibigang si Fernan para samahan siya nito, hindi rin pwede na mag isa siya at malay

