Pag aalaga

1497 Words
Harold POV; Nang umaga ding iyon ay napagdisisyunan kong kausapin si Cathlene mamaya kong ok ba siyang maging magkaibigan parin kami. Pumasok ako sa university at napagpasyahan kong puntahan siya ng tanghali sa supermarket at kamustahin tapos aabangan ko nalang mag out siya para makausap saglit. Ng tanghali na ay agad akong pumunta sa Supermarket ngunit pagkapasok ko ay natanaw ko na agad na wala siya sa kanyang pwesto kaya nakaramdam ako ng kaba! Magtatanong na sana ako sa guard ng makita ko yong katabi niyang casher na kumakaway tila tinawag ako kaya lumapit ako. "Hi sir diba ikaw yong kaibigan ni Cath, Long time no see ah", bati pa niya. "Ah' oo eh, out of town kasi ako ng nakaraan", palusot ko sabay kamot sa batok. " Ah kaya pala, si Cath ba hinahanap mo? Wala siya eh may sakit daw sabi ng pinsan niya dumaan dito kanina". Paliwanag niya na lalo namang kinakaba ng dibdib ko. Agad akong nagpaalam at lumabas na para pumunta sa aking sasakyan. " Pupuntahan ko si Cathlene, napano kaya yun, ok pa naman yon kahapon ng makita ko sa simbahan". sa isip ko habang nag dadrive papunta sa apartment na tinitirhan nila. Nakailang katok na ako ng maramdaman kong tila my kumalabog sa loob kaya nagulat ako't nag alala. Naisip ko agad ang sabi ni Cathy yung may ari ng bahay nasa dulo kaya walang pag alinlangang pumunta ako doon para hingin ang tulong nilang makapasok sa loob siguro naman may susi sila ng unit na yon at di nga ako nabigo dali daling sumunod sakin ang matandang babae dahil namukhaan na rin naman siguro niya ako, nakita na niya ako nong birthday ni Kristine nasa labas siya pagdating ko at nong araw na sinundo ko si Cath nagtapon din ng basura ang matanda. Nangangatog ang kamay ng matanda ng hinahanap ang susi ng unit nila Cath hanggang sa nabuksan na ito nauna na akong pumasok para tingnan kong saan nanggaling yong kalabog at dahil wala sa labas dumeretso na ako s kwarto nila, kasunod ng land lady. Napasigaw ang matanda ng makita si Cath na nkahandusay sa sahig sa gilid ng kama. Tumama yata siya sa dingding na flywood kanina kaya narinig kong kumalabog, buti na rin lang at hindi semento ang separation ng kwarto. "Cath' are you alright?" Tawag pang gising ko sa kanya habang binubuhat ko siya para ilapag sa kama. "Sir sabi ni Kristine kasi may lagnat iyan ibinilin nga din niya na tingnan tingnan ko, pinuntahan ko yan kanina mga alas 11 at sabi niya kakain nalang daw siya ng lugaw na binilin ni Kristine para makainom ng gamot kaya akala ko ok na siya at di na ako nakabalik!" paliwanag ng matanda na may pag aalala. Ok lang po manang siguro nahilo siya sa sobrang init baka binalak niyang tumayo kaya natumba. Sabay namang gumagalaw na siya kaya medyo napanatag kami. "Nako ang sinaing ko!" Napatakip ng bibig ang matanda ng maalala niya na may sinasaing daw siya. "Sir maiwan na kita ha baka masunog yon ikaw ng bahala dito", at dali daling lumabas ang matanda. Agad ko namamg dinampian ng palad ko ang nuo ni Cath at naramdaman ko ang init niya. " Cath, nakainom ka na bang gamot?' tanong ko. Umiling iling lamang siya ng nkapikit ang mata. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at doon ko nakita ang gamot na nasa table katabi ng lampshade at my tubig din sa mallit na meniral water na naka bottle. Kinuha ko yon at inalalayan ko siyang makabangon para makainom ng gamot ng makapa ko ang likod niyang Basang basa ng pawis! "Cath inumin mo muna to bago magpalit ka ng damit basang basa ang likod mo. Baka ubuhin kapa niyan." Sabay subo ko ng gamot at binuka namn niyang konti ang bibig niya pero nakapikit parin ang mata kaya ng pinainom ko ng tubig ay aksidenting natapunan ang damit niya pero wala man lang siyang reaksyon at tila hinang hina. Pagkataops niyang makainom ng gamot ay humiga na ulit siya na tila ba hinihila ng antok kayat kahit ginigising ko siya para makapagpalit ng damit ay ayaw n niyang dumilat. "Paano ba to?" salita kong mag isa. At tumayo nalang ako para tingnan kng saan ako makakakuha ng damit. binuksan ko ang malapit sa gilid nag kama na dora box na malaki kulay pink at my hello kitty design pa. Nakakita ako ng tshirt na puti na tila kasya naman sa kanya kaya kinuha ko yun ang problema paano ko siya papalitan!! Ng bumalik ako sa harap niya sa tabi ng kama nakita ko ang malalim niyang paghinga patunay na nakatulog na siya ulit. Lalagyan ko na lamang sana ng tuyong damit ang likod niya kaso nabasa din yong dibdib niya kaya nagdisisyon akong palitan nalang. Nangangatog ako habang hinahawakan ko yung ibaba ng damit niya pero pinikit ko nalang ang mata ko habang inaakyat pataas yon at tuluyan ng nahubad. Dali dali kong dinampot ang damit niyang nasa gilid ng kama at isinuot iyon ng nakatingin ako sa taas kayat di ko sinasadyang nahawakan ang kanyang isang dibdib ng ibinaba ko ang damit. Grabeng pamamawis ko matapos na mapalitan siya kayat tumayo ako para pumunta sa kusina nila at makainom ng tubig. Saktong paglabas ko ng kwarto ng bumukas ang pinto sa sala at napaatras pa akong konti dahil medyo nagulat ako at ganon din ang dumating! "Ay kabayo!" sigaw ni Kristine ng makita niya ako. Diko alam kong matatawa ako oh mahihiya o kakabahan. Pero nawala ang pangamba ko ng makita ko siyang nakangiti. "Sir napadalaw ka? Buti naman at pinuntahan mo si Cathy dito may sakit yan eh, ewan ko sa babaeng yan, umuwi kagabi basang basa ng ulan at di umiimik pag kinakausap nagising nalang ako kaninang madaling araw inaapoy ng lagnat!" Mahaba niyang paliwanag habang naupo dretso sa sofa.. Sinabi ko din sa kanya ang nadatnan ko at nagpasalamat siya na pumunta ako kong hindi baka napano daw ang pinsan niya. Tiningnan niya ang lugaw na iniwan niya para kay Cath at nasa kaserola parin ito at di nakain! "Hala di siya nakakain sir" pag aalalang sabi niya sabay inamoy ang lugaw at nakita ko ang reaksyon ng mukha niya na parang nagiba kaya napagtanto kong napanis na yung lugaw. "Panis na ba? magluto nalang tayo may manok kaba diyan?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sakin at lumaki ang ngiti! "Oo sir mayron andyan sa ref? ipagluluto mo si Insan?"tanong sabay ngese ng makahulugan pero di ako nagpahalatang napansin ko sa halip pumunta nalang akong kusina para masimulang magluto! " Feel at home lang sir ha andyan naman mga sangkap sa ref pati manok nagluluto naman talaga kami ni insan pag sinipag kaya kahit paano may stock kami." Bilin niya sabay dumeretso na sa kwarto nila. Nagluto na ako at ng malapit na matapos ay siya ding labas ni Kristine mula sa kwarto nila. "Ang bango niyan sir ah" bungad pa niya habang inaamoy ang hangin. nangangamoy kasi ang bawang at luya na ginisa. Ngumiti lang ako sabay tanong' "kamusta na siya?" "Okay na sir wala ng lagnat, ikaw lang yata ang hinihintay niyang gamot eh!" sabay tawa niya ng mahina. "Sir' may duty kasi ako sa radio station ngayon at dahil weekdays eh 4pm ang start ko pwedi ba kitang maiwan na muna dito mkakabalik din naman akong 8pm at mukhang ok na rin siguro yan si insan pwede mo na din iwan yan mamaya kong aalis kana." " Oh' sege aalis nalang ako mamaya pagkakain niya", sabi ko naman at tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Nang matapos ng maluto ang niluto kong arroz caldo ay pinuntahan ko na si Cathy sa kwarto nila para e check kong gising na siya para madalhan ko ng pagkain. Pagkapasok ko sa kwarto ay tila tulog pa rin, ang himbing ng tulog niya kaya umupo ako ng dahan dahan sa tabi ng kama at pinagmasdan siya. Nang magawi ang aking mata sa kanyang mga labi ay kong anu na namang init ang aking nararamdaman na tila ba kay sarap niyang halikan. Dahan dahan kong hinaplos ang kanyang buhok sabay titig sa kanya at napababa hanggang sa maamo niyang mukha ang aking mga kamay ng gumalaw siya at nagmulat ng mata. Nagulat ako kaya bigla akong napaupo ng tuwid ng tatanggalin ko na sana ang aking kamay ay bigla na man niya itong hinawakan at walang anu ano ay idinampi niya sa kanyang pisngi ang aking mga palad, bagay na nagbuhay sa init ng aking katawan at habang tintingnan ko ang kanyang namumungay na mata ay hindi ko namalayan na papalapit na pala ang mukha ko sa kanya at malapit ng magkalapat ang aming mga labi... Akma akong lalayo ng hinila niya ang aking mukha palapit kaya napasubsob ako sa kanya at saktong nagkalapat ang aming mga labi at nanatili kaming di gumagalaw sa loob ng ilang segundo hanggang sa namalayan ko na lamang na hinahalikan ko na pala siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD