CATHLENE SHINE POV;
Alam mo 'yong sinasabi nilang spark. 'Yon ang naramdaman ko.
The first time I encounter Harold, it was the first time my heartbeat for a man. The first time I felt an attraction to someone I didn’t know well, but as I saw his eyes I feel the chance that the feeling is mutual. So I let destiny decides.
Sa dami ng manliligaw ko, kahit saan at lalo na sa school, ni minsan hindi ko naisip na bigyan sila ng chance dahil focus ako sa future ko.
I will prioritize my study para makatapos at mapag-aral ko rin ang mga kapatid ko.
Pero ng makita ko si Harold, nakalimutan ko ang goal ko! Nakalimutan ko na ayaw ko pang magmahal. Dahil every time we meet, even if he doesn't say anything, even only our eyes look at each other it's like that they understand each other and we don't have to talk anymore.
"Sir dito na po kayo." Tawag ko sa kaniya mula sa kabilang lane at pinalipat sa lane ko na wala ng tao noong unang beses ko siya nakita sa store kong saan ako nagtatrabaho.
Agad naman siyang lumipat at nang magtama ang aming mga mata 'di ko alam bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko, at parang may mga paru-parong nag sisiliparan sa loob ng tiyan ko!
Yumuko ako dahil para akong mahihipnutismo sa kaniyang mga tingin. Nang mapaangat ako ng tingin at nginitian niya ako.
"My Goodness! Ang cute," bulong ko sa isip ko, hindi ko talaga mapigilang tingnan siya.
I didn't even realize that I was just staring at him so Jene my co-worker, whispered to me from the other lane .
Napa balik ako sa wisyo and bowed down again! I didn't know what to do because he also seemed to notice na nawawala na yata ako sa sarili ko.
"Ahmmm, Sir, dami yatang soft drinks nito?" Tanong ko para maiwaksi ko ang nararamdaman kong kakaiba sabay inabot ko ang pinamili niya at kinuha ang barcode para sa presyo.
Gano'n naman talaga ako, pag sa tingin ko ang costumer ay mabait at pwede ko e chika kinakausap ko para na din iwas panis ng laway.
"Miss Cathlene," bigkas niya sa pangalan ko na tila binasa mula sa ID ko, "that's for my students." He even stuttered saying that he seemed nervous as well.
"So it's a tie," tuwa kong pag sasaisip! Pareho kaming kinakabahan.
"Ah gano'n pala, teacher po pala kayo Sir?" Sabi ko pa kahit halata naman dahil naka-uniform siya.
"Yes," tipid na sagot niya.
"Ang bait niyo naman po na teacher may free meryenda ang mga estudyante ninyo, pwede ba na maging estudyante n'yo na lang din po ako Sir?" Pabiro ko pa.
''Yeah, sure Miss Cathlene, if you like pwede kang mag-enroll sa school namin," nakangiti niyang sagot. Pacute na lang rin ako na nag-ipit ng buhok ko sa tenga.
"Dalagang Pilipina te?" kalukuhan ko pang tanong sa isip ko.
"We're organizing the faculty, so I bought snacks for my students who helped so that they would be happy somehow, it's not their job but they helped me, so I'm thankful," dagdag pa niya.
"Sir, six hundred thirty-seven po lahat." Sabi ko ng ma total na ang pinamili niya at inabutan n'ya ako ng cash na seven hundred at binigay ko naman ang sukli.
"Sir' diyan po kayo sa harap nitong supermarket na school nagtuturo hindi ba?" Pahabol ko pang tanong habang nilalagay sa plastic ang mga pinamili niyang biscuits, soft drinks at crakers.
"Yes Miss Cath, diyan." Tipid niyang sagot sabay ngiti. Ang cute ng mga ngiti niya, naka dagdag poge points ang maliit niyang dimple sa kanang pisngi.
"Thank you, Sir, balik po kayo." Sabi ko sabay abot ng plastic na may laman ng pinamili niya, at sakto ring dadamputin niya na sana kaya aksidenteng nahawakan niya ang kamay ko. Hinablot ko naman agad dahil nabigla ako at parang na kuryente ako! "Grounded?" sa isip ko.
And, oh my gosh! First, touch ko 'yon from a guy! Nagba-blush na yata ako kaya tumalikod ako bigla sa kanya at inasikaso na ang sumunod na costumer.
And that's when my crush on him started because at first you couldn't tell he was married, and then he was still young pag tiningnan mo siya, you don't think he was ten years older than me.
He also wasn't wearing wedding ring, he lost it, I only found out when we became close. He also didn't change his wedding ring because even his wife doesn't use it dahil isang doctor na surgeon ang asawa niya.
Mula noon, lagi ng pumupunta si Harold sa store, kahit pa minsan tubig lang at kong anu-ano nalang ang binibili. Lagi ring sa counter ko siya pumpila kaya nagbibiruan na kami minsan at tinutokso na rin ako ng katabi kong cashier na si Jene.
"Bagay kayo Cath, maganda ka gwapo siya, matangkad siya cute ka, tapos ang shape ng mukha ninyo magka tugma rin, para kayong si Lucy Torres at Richard Gomez." panunukso ni Jene nang minsan ay pumunta na naman si Harold, alam ko na ang pangalan niya kasi tinanong ko 'yon minsan.
"Ikaw talaga Jene, kong anu-anong pinagsasabi mo, mamaya marinig ka ng tao nakakahiya." Saway ko pero ang totoo kinikilig rin ako sa panunukso niya.
"Alin Cath, 'yong tisoy na teacher na laging bumubili dito 'yon ang type mo?" Sabat ni Ivan sa usapan namin ni Jene ng marinig niya kami na nagtutuksuhan.
Si Ivan ang all around bagger na may crush daw sa 'kin! Lagi niya ako inaalok ihatid kaso tumatanggi ako.
Mabait si Ivan at matalino dahil schollar din siya doon sa school na pinapasukan ko, kaso pang-umaga ang pasok niya sa school, kaya nagka kaabot lang kami dito sa work sa hapon. Isang oras lang kami magkakasabay ng duty dahil 1 p.m. siya pumapasok at ako, alas dos ay out ko na.
Minsan 'pag day off niya pumupunta siya dito at kinukulit ako habang nag ka-kaha kaya minsan na rin siya napagalitan ng manager.
Kahit anong pa cute ni Ivan sa akin sa loob ng anim na buwan ay hindi ko siya pinansin hanggang sa nakatagpo na rin siya ng ibang babaeng nag patibok ng puso niya at ngayon may girlfriend na siya.
"Nako Ivan, bitter ka lang sa love life ni Cath, kasi hindi ka niya sinagot!" Sabat ni Jene.
"Hoy! Jene, may girlfriend na ako, 'di man kasing ganda ni Cath ay mahal na mahal na man ako kaya wala na sa 'kin ang nakaraan! Concern lang ako kay Cath kasi kaka kilala niya lang sa tao eh, ay hindi pala gano'n ka kilala dahil dito niya lang nakakausap at nakikita 'yon hindi ba?" Dagdag pa ni Ivan kaya napaisip rin ako.
Paano nga ba kong may asawa na siya? Pero mukhang wala pa na man. Bawi ko rin sa aking pag-iisip.
Doon ako lalong napalapit sa kanya ng nadaanan niya ako sa harap ng school noong sinusundan ako ng dalawang manyakis na 'yon. Natakot talaga ako ng time na 'yon pero ng dumating si Harold, parang may Anghel na bumaba sa lupa para iligtas ako.
My cousin Kristine is the only one I always talk to, and I once mentioned Harold to her and she was so excited! She said she wanted to meet sir Harold so he always asked me what time sir goes to the supermarket and what it looks like.
Until Kristine's birthday was coming up, and she told me she was going to invite Sir Harold.
Echosera talaga ang pinsan ko kaya nagulat na lang ako ng isang araw bigla siyang sumulpot sa pinagtatrabahuan ko.