Natapos ang event na wala na ako sa sarili, tinawagan ko si Fernan na pumunta sa venue kaya agad naman itong pumunta. "Bak's anong gagawin ko? Buhay si Harold, buhay siya Bak's! Pagkakataon ko na sanang malaman ng lahat pero wala na hindi ko na makita si Micheal. Bak's tulungan mo ako, gusto kong malaman ang totoo. Gusto ko makita si Harold!" pagtangis ko habang nakayakap kay Fernan ng dumating siya. "Anong gagawin natin nito? Saan tayo magsisimula para mahanap siya?" tanong pabalik sa akin ni Fernan. "Tinatanong nga kita di 'ba tatanungin mo rin ako? Ano wala lang masabi?" " Ayan ka na naman Cathlene Shine umiral na naman iyang kamalditahan mo!" tugon niya na pinitik pa ang ulo ko! " Maam hinahanap niyo raw ako, may kailangan po kayo?" "Oo sana," sagot ko sa organizer ng event ng

