Katotohanang nadeskubre ni Fernan

1038 Words
Pumasok pa rin ako sa trabaho kahit alam ko ng buntis ako, doble ingat nalang. Malapit na rin matapos ang pasukan kaya mababawasan na ang activities ko. Tsaka na ako titigil sa pag tatrabaho pag halata na ang tiyan ko! Mula ng nabuntis ako ay tudo effort namam si Harold sa pag aalaga sakin ang problema lang ay lalo ng nagdududa si Mia. Pag may gusto ako kainin at wala si Harold and'yan si Fernan to the rescue kaya ang swerti ko na nagkaroon ako ng kababatang kasing bait ni Fernan. Iniiwasan lang niya pumunta sa apartment ko pag alam niyang pupunta si Harold dahil ng minsan sila nagpang abot ay muntik na sila mag away! Hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari! Fernan POV; Araw ng linggo at dahil may deliver ako sa umaga ay naisipan kong sa hapon nalang mag simba at doon ako nagsimba sa malapit sa apartment ni Shine dahil balak ko siyang puntahan para kamusthin mamaya, dadalhan ko rin siya ng bagong pagkaing gustong gusto niya ngayon, ang bibingka. Habang papasok ako sa simbahan ay isang pamilyar na tao ang nakita kong pumasok sa simbahan, hindi lang ako sigurado kong siya pero sinundan ko para malaman ko kong tama ang nakita ko. Umupo sila sa bakanting upuan at nasa gitna siya ng dalawang bata. Hindi ako lumapit sa halip sa ikalawang upuan mula sa kanila ako umupo. Wala pa ang pare at hindi pa nag start ang misa kaya nakita ko ang kasama niyang bata na tila iniikot ang mata sa paligid hanggng sa napalingon siya sa akin. Kinabahan ako sa nakita ko, kamukhng kamukha siya ni Harold! Pinagmasdan ko sila kasama ng isa pang bata na lalaki na nasa kaliwa niya. At kitang kita ko na parang hindi lang niya pamangkin ito, imposible ring kapatid niya! Kaya hinintay ko nalang matapos ang misa para makumperma. Nang matapos ang misa ay nakita ko na hindi agad sila lumabas, lumuhod pa si Harold at nagdasal. Ang dalawang bata naman ay ganon din hanggang sa tumayo ang batang maliit at naglakad papunta sa likod na upuan. Kunyari rin akong nagdasal pero nakatingin ako sa kanya. Napatingin din siya sakin kaya nginitian ko. Tinaas niya naman ang kamay niya at kumaway sakin! Ang cute niya tingnan kuhang kuha niya ang dimple ni Harold, ang mata at ilong. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko hanggang sa tumayo si Harold at nag lumingon siya sa gawi ko ay nanlaki ang mga mata niyang natulala na nakatingin sakin! Tiningnan ko siya ng makahulugan at sigurado akong naiintindihan niya ang nais kong ipahiwatig kaya lumapit siya sakin. "Lets talk outside please.." sambit niya na parang kinakabahan! Nauna na akong lumabas at kasunod siya at ang dawang bata. Pagdating sa labas ay binigay niya ang susi ng kotse niya sa mas malaking bata at inutusan niya itong mauna na pumasok sa kotse. "Brielle go bring Micheal to the car please doon niyo na ako antayin! And don't touch anything there okay? Utos ni Harold sa anak niya. "Daddy i want to stay here with you plesae.." turan ng isang bata. "Micheal mag uusap lang kami ng kaibigan ko saglit ha tapos susunod na ako, come with kuya ok?" utos ni Harold sa bata at tumango naman ito pagkatapos humawak sa kamay ng kuya niya. Malapit lang naman kami sa kotseng pinuntahan nila pero sapat na ang layo para 'di nila marinig ang pag uusapan namin! "Anung ibig sabihin nito anak mo yon diba? May asawa ka? alam ba ni Shine?" panimula ko kay Harold. Bahagya siyang tumango at nagbuntong hininga! "Kaya pala, kaya pala ang bigat ng loob ko sayo dahil ramdam kong may hindi magandang mangyayari sa inyo ky shine sayo! Alam ko masasaktan lang ang kaibigan ko! Pasalamat ka at nasa harap tayo ng simbahan! Pero sana hindi na mag krus ulit ang landas natin at baka anu pang magawa ko sayo!" Galit kong sabi kay Harold sa matigas na boses at kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata at natulala lang siya di na kumibo hanggang umalis ako! Agad akong' sumakay ng trycecle at papunta ako ngayo sa bahay ni Shine. Kailangan ko maintindihan kong bakit niya hinayaan yong ganitong sitwasyon niya! Kakausapin ko siya! Pag dating ko sa apartment niya ay kumikinang pa ang mata niya dahil sa bitbit kong bibingka para sa kanya. Pinapasok niya ako at nagtimpla siya ng kape at binigay sakin sa kanya naman ay tubig lang. Kumakain si Shine ng bibingka ng magdesisyon akong tanungin siya. Tumikhim muna ako kaya napatingin siya sa akin. "Bakit baks, may sasabihin ka?" tanong niya, baks na ang tawag niya sakin mula noong parati ako pumupunta sa dito sa apartment niya. Naging mas close kami at hindi na siya naiilang sa akin. "Shine' paano mo natantanggap ang lahat?" deretsahang tanong ko! "Anung ibig mong sabihin Baks? diko maintindihan! kuryuso niyang tanong. "Yong sa inyo ni Harold!" dretso kong sabi! Hindi agad nakakibo si Shine bago nagkapagsalita at tila nakikiramdam kong anung reaksyon ko! "Alam ko na ang totoo, nakita ko si Harold sa simbahan kasama ng dalawang anak niya, bakit kailangang umabot sa ganito shine? bakit kapa nagpabuntis? ano ng mangyayari sayo niyan?" sunod sunod kong tanong sa kanya na siya na mang nagpatulo ng mga luha niya. "Mahal ko si Harold baks! mahal na mahal, bagay na kahit nalaman ko ang totoong pagkatao niya ay di nagbago. Isa pa, wala na sa ayos ang pag sasama nila ng asawa niya, wala paman ako, balak na niyang makipaghiwalay dito ang problema lang ang mga bata dahil tinatakot siiya ng asawa niya na uras na lumayo siya ay di na rin niya makikita anh mga anak niya." Mahabang paliwanag ni Shine pero hindi ko kayang intindihin dahil ang alam ko lang ay buntis siya at may pamliya ang ama ng dinadala niya, hindi siya mapananagutan nito! "Paano ka na niyan? paano kong malaman ng asawa niyang totoo at ipakulong ka? kayo ni Harold? alam mo na mang mali yan diba?" Nag aalala kong tanong sa kanya. "Bahala na baks' bahala na.., kong anu man ang mgiging resulta ng ginawa ko tatanggapin ko dahil alam ko namang nagkamali ako." Saad niya na habang lumuluha ang mata!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD