Ang pag uwing probinsiya

1450 Words
Buwan man ang lumipas ay walang nagbago kay Harold at Cathlene. Masaya ang dalawa sa ilang buwang mga nakaw na sandaling pinagsasamahan nila. Minsan ay nakakaramdam ng lungkot si Cathy dahil sa tagong relasyon sa lalaki pero nagiging masaya naman siya lalo't pinaparamdam ni Harold sa kanya kong gaano siya ka halaga dito. Nasa maynila na si Kristine at doon na nagtrabaho kasama ang nobyo. Nakapagtapos na kasi ito noong October. Si Cathy naman ay kasalukuyan pang nasa 3rd yr college at magtatapos ng ikatatlong taon niya ngayong darating na marso. Napagdisisyunan ni Cath na hindi na lumipat ng ibang tirahan kahit na medyo mabibigatan na siya sa upa ng apartment dahil sa kanya na lahat ng bayarin.4,000 sa apartment at my tubig at kuryente pa. Pero napagkasunduan nila ni Harold na tutulungan siya nito. Mahirap na pag lumipat siya dahil mas malapit ito sa trabaho ni Cath at sa paaralan mas malapit din ito kay Harold kaya makakapunta siya agad pag kailangan siya ng dalaga. Magmula ng lumuwas ng maynila ang pinsan ni Cathy na si Kristine ay halos araw araw na si Harold na nasa apartment ni Cathy. Doon na nag aalmusal at nananghalian. May sarili na siyang susi ng apartment kaya kahit wala ang dalaga ay nakakapasok siya at nakakapagluto ng pagkain ng dalaga. Di rin dumadalaw ang mga magulang ni Cath sa kanya dahil busy din ang mga ito, ang papa niya sa trabaho sa bukid at ang mama naman niya sa pag aalaga sa mga kapatid pa niyang mas bata kaya walang nakakaalam na may boyfriend na siya maliban kay Kristine. Lagi siyang tinatawagan at kinakamusta sila ni Harold at lagi itong nagpapaalala sa dalaga na wag ibigay ang lahat sa lalaki at magtira din sa sarili dahil nga sa kakaibang sitwasyon nila. Enero 2021 at magbibirthday ang papa ni Cathlene. Pinag ipunan niya iyon at balak niyang umuwi para surprisahin ang ama. Naisip niya na ring dalhin si Harold sa kanila dahil ayaw niyang magsinungaling pa sa magulang pero hindi niya din pweding sabihin ang totoong estado ng nobyo syempre. "Sweety' sasama kaba sakin pag uwi ko samin para dalawin ang mga magulang ko at para na rin surpresahin ang papa ko?" tanong ni Cath nong isang umaga na nag aagahan sila ni Harold. "Malayo yong sa inyo diba sweetheart wala kayang...." di na natapos ni Harold ang sasabihin dahil nakita niyang nalungkot ang mukha ng babae. "Walang ano? walang makakakilala sayo?" dretsahang sagot ng babae. "Hindi naman kita ipapahamak mahal eh isa pa ang layo na noong samin kayat walang makakilala sayo doon kung yan ang inaalala mo ang problema mo ngayon ay kong paano ka magpapaalam sa asawa mo na mawawala ka ng isang araw at isang gabi!" dagdag pa ng babae. Napabuntong hininga naman ang lalaki at nag isip bago nakapagsalita. "Sasabihin ko nalang may pupuntahan akong seminar, o di kaya pupunta ako kila ate, hayaan mo na 'yon di din naman ako agad mapapansing wala noon dahil may sarili namang kwarto yon kayat ako ng bahala. Basta alis nalang tayong maaga para mahaba pang uras na makasama mo ang pamilya mo at makapaghanda pa tayo para sa birthday ng papa mo pagdating doon." Masayang tugon ng lalaki kaya agad din nagpaalam sa trabaho si Cath na aabsent ng dalawang araw next week para mkauwi. Sabado ang birthday ng papa niya kaya isang araw lang din siyang makakaliban sa klase dahil wala ng pasok kinabukasan. Hanggang sumapit na ang araw ng sabado. Maagang gumising si Cath alas kwatro palang ay nkagayak na siya ng mga dadalhin pag uwi. Usapan nila ni Harold na alas 5 ay darating na ito para sunduin siya. Saktong alas 5 ng umaga ay dumating na nga si Harold naka t-shirt lang ito ng fitted na light green at naka maong na pantalon na black at medyo fitted, kaya labas na labas ang katikasan ng katawan. "Ayan ka na naman pinagpapantasyahan mo na naman ako", sabi ng lalaki sabay mahinang kurot sa pisngi nito ng makitang nakatutok sa kanya ang nobya na para siyang hinuhubaran. "Ang gwapo mo kasi di halatang mag 29 kna, para ka lang 23 eh.." papuri nito sa lalaki sabay halik sa mga labi nito. "Oh siya wag na tayong mag bolahan kasi dapat makarating tayo sa inyo ng maaga 4 na uras pa naman ang byahe papunta doon." sagot naman ng lalaki sa kanya at kinuha na nito ang dala niyang bag na may lamang ingredients ng macaroni salad at carbonara at bitbit ni Cath ang dalawang dosenang donut na pasalubong sa mg kapatid. Dere dretso na ang byahe nila dahil dinala naman ni Harold ang kanyang kotse. Di pa daw nagising ang asawa nito ng umalis siya at sinabi lang niya kagabi na pagkatapos ng klase niya ay may pupuntahan siya sa kabilang lungsod na seminar. Mukhang duda daw si Mia basi sa mga tingin nito at di rin umimik pero hinyaan na niya. Mag aalas nuebe na ng umaga ng makarating sila sa bayan nila Cathy at may kalahating uras pang byahe papasok sa baryo nila. Nag drive thru naman sila kanina ng fries at burger sinusubuan pa niya si Harold habang nagmamaneho, at kahit nakaantok ang byahe ay di talaga siya natulog dahil memorable sa kanya ang byaheng ito, dahil ito ang una niyang uwi kasama ang taong mahal niya. Dumaan sila saglit sa palengke ng bayan para bumili ng iba pang sangkap para sa pansit. Kakatay nalang daw sila ng manok pagdating kaya di na siya namili ng karne dahil binibida niya sa nobyo na maraming manok at pato ang papa niya. Palabas na sila ng palengke ng makasalubong niya ang kababatang si Fernan. Ang alam niya crush din siya nito at panay nga pasipsip sa papa niya kaya lagi ito pumupunta sa kanila kahit wala siya. "Shine, umuwi ka pala? ang ganda mo lalo, buti dimo nakalimutan ang kaarawan ng papa mo." masayang bati ng lalaki sa kanya. Shine ang tawag nitonsa kanya dahil siya daw ang liwanag ng buhay nito, hirit niya ng minsang nalasing ito sa kanila kasama ng papa niya na uminom ng lambanog. May bitbit itong dalawang malalaking cartoon tila grocery ang laman. "Ay oo Fer, hinding hindi ko makakalimutan syempre. Namalengke ka ba?" tanong niya sabay tingin sa dalawang cartoon. "Ah ito' oo kay nanay ito para sa tindahan napag utusan lang ako bumabyahe kasi ako ng trycecle eh. May masasakyan ka naba? sabay ka nalang." masayang alok ng lalaki dahil di niya alam na kasama ni Cathy ang lalaking nasa likod nito. "Ay salamat nalang Fer, pero may sasakyan kami eh siya nga pala boyfriend ko si Kim". pakilala ni Cathy sa boyfriend gamit ang second name nito. Bigla namang nalungkot ang mukha ng lalaki.. "May boyfriend kana pala..." mahinang sambit nito bago tuluyang nagpaalam sa dalawa na mauuna na. Nakita naman ni Harold ang biglang namuong lungkot sa mukha ng kaharap nilang lalaki kaya napagtanto niya agad na may gusto ito sa nobya at nakaramdam din siya ng konting selos. "Buti nalang pala talaga sumama ako sayo, mukhang may umaaligid pala sayo dito pag umuwi ka sweetheart," sabi ng lalaki ng nasa sasakyan na sila. "Ah yon' si Fernan? kababata ko lang yon, crush niya daw ako ang alam ko, pero yaan mo na yon walang wala naman yon sayo 'tsaka ikaw naman ang nobyo ko diba?" pampalubag loob ng babae ng maramdamang nagseselos ang nobyo. Nasa byahe na sila papunta sa baryo nila Cath ng biglang nagtanong si Harold.. "Sweety' paano kong darating ang araw maisip mo na mas gusto mo yung taong malaya at kaya mong ipagmalaki sa lahat iiwan mo ba ako?" malungkot na tanong ng lalaki. "Anu ka ba naman sweet bakit mo naman naisipan yan? ikaw ang unang lalaking minahal ko at mamahalin ko pa hindi ko iniisip ang mga ganyang bagay dahil masaya ako sa anu mang mayron tayo at hinding hindi ko yon' ipagpapalit." sagot ng babae kaya kinuha ni Harold ang kamay niya at hinalikan ito. Hanggang sa nakarating na sila sa Baryo madaming mga nakasunod ang mata sa kanilang sasakyan. Kasi sa baryo nila iilan lang ang my kotse at halos lahat don' kabisado na ng taga 'ron kayat alam nila kong may dayo. Naka tented ang salamin ng kotse ni Harold kaya di sila nakikita sa loob. Hanggang sa wakas nakarating na sila sa bahay nila Cath. Nagulat pa ang ama nito na nagsisibak ng kahoy ng may humintong sasakyan sa harap ng gate na kawayan at lumabas din agad ang kanyang ina na may bitbit na nasa 2 taong gulang nilang bunso. Pinisil muna ni Harold ang kamay ni Cath bago sila sabay na bumaba ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD