Kinuskos ni Arruba ng paulit-ulit ang kaniyang sarili. Nasa ilalim siya ng shower at nakabaluktot ang katawan. Panay rin ang kaniyang hagulgol dahil sa nangyari kanina. Hindi niya matanggap. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari dahil sa katigasan ng kaniyang ulo. Ngunit, wala na siyang magagawa. Nang makarinig ng katok ay agad siyang tumingin sa pinto. Bumukas kaagad iyon at bumungad agad sa kaniyang paningin ang galit pa ring mukha ni Callen. Pinatay nito ang shower at agad siyang pinatayo. Kinuha kaagad siya nito ng walang pag-aalinlangan. Hindi man lamang nito alintana ang kaniyang kahubaran. Tanging ang tuwalyang pinulupot nito sa kaniya ang nagsisilbing takip sa kaniyang kaselanan. "Napakatigas talaga ng ulo mo." mariing wika kaagad nito sa kaniya pagkatapos siyang ilapag sa ka

