It was a total silence for the both of them. Arruba looked at Callen intently, while it was looking at her too. Parehong walang gustong magsalita sa dalawa matapos ang seryosong pag-uusap kanina. Nang maramdaman ng dalaga ang init dahil sa nakalahad na balat ay agad siyang tumalikod sa binata. Ngunit, hindi pa man siya nakakalayo dito ay hinila na nito ang braso niya. Nagulat siya sa ginawa nito at handa na sanang tarayan ang binata ngunit natigil ang lahat ng kaniyang sasabihin nang makita ang mga mata nito. His gray eyes were piercing through her. Na para bang inaarok ang kaniyang buong pagkatao. Maging ang mainit na kamay nito na nakahawak sa dalaga ay pawang nagdudulot sa kaniya ng kakaibang pakiramdam. Tinitibag ang kaniyang bawat depensa. "What?!" matapang niyang tanong dito nan

