"Du idiot! Until now, you did not convince Andrius? Your wasting my time, Arruba! How could you be so inutile?!" sigaw ng kaniyang ama sa kabilang linya. Naikuyom ng dalaga ang kaniyang mga kamay. Mas naramdaman din niya ang matinding pagsakit ng ulo. Hinilot niya ito ng bahagya at tumingala. Kakagising niya lamang at ang galit na mukha ng ama kaagad ang bumungad sa kaniya mula sa screen ng kaniyang laptop. Tumawag ito para kumustahin siya at ang kaniyang misyon. Napangiti siya ng mapait sa sarili. Alam na alam naman niyang may nakabantay sa lahat ng kaniyang kilos. Sigurista ang ama niya kaya hindi na siya magtataka roon. Habang nagsasalita ito ay panay lamang tango ng dalaga. Hinayaan niya itong pagalitan at pagsabihan siya. Hahayaan na muna niya ito sa lahat ng gusto nito. Soo

