Dumaong ang sinasakyang yate ng dalawa sa malawak na karagatan ng Bislig City. Agad na namangha ang dalaga sa nakita. Lalo na ang mga fish pond na nasa loob mismo ng malawak na karagatan. Maging ang kulay puting buhangin at ang asul na asul na tubig. "What was that?" Turo niya sa di kalayuan. "Bislig City baywalk. Gusto mo bang pumunta doon?" tanong ng binata. "Nope, I'm just curious." sagot naman niya dito habang dahan-dahang bumababa ng yate. Sinalubong kaagad sila ng isang nakapormal na lalaki. Nakangiti nitong inilahad ang kamay kay Callen na tinanggap naman ng huli. Masayang nagbatian ang dalawa habang siya naman ay nakamasid lamang sa mga ito. Nang magpaalam ito ay agad niyang siniko ang binata. Napaaray pa ito at habang hinahaplos ang gilid ng tiyan. Nakakunot ang noo din

