Tanaw ang malawak na karagatan mula sa himpapawid, napahinga ng malalim ang dalaga. Ilang sandali na lamang ay lalapag na ang kaniyang sinasakyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport ng Pilipinas. Kahit walang ideya sa bansang kaniyang pupuntahan ay sinunod niya ang utos ng ama. She packed her things the same day and flew to the Philippines, as soon as possible. "Fasten your seatbelt. We are about to take off." Anunsyo ng piloto. Sinunod ng dalaga ang sinabi nito. Ilang minutong paghihintay ay tuluyan na ngang lumapag ang eroplano. Isa-isang nagsilabasan ang mga pasahero kabilang na ang dalaga. Sa immigration pa lamang ay pinagtitinginan na ang dalaga. Sino ba namang hindi mapapalingon sa kaniya? Angat siya sa lahat ng naroon. Maging ang mga kapwa niya dayuhan ay hindi ma

