Tulad nga nang inaasahan ni Arruba, sumabay si Kat pauwi kasama nina Leonard. Umuwi din ang dalawang butler ayon na rin sa utos ni Callen. Hindi halos mawaglit ang ngiti sa mukha ng dalaga habang tinatanaw si Kat na sumasakay sa loob ng sasakyan. Napapailing na lamang siya habang nakikita itong nakasimangot. Kung wala nga lamang si Callen ay baka siya na ang tumulak dito papasok. She smiled, wickedly. Sa kaniya pa rin ang huling halakhak. "What's with the smile?" tanong ni Callen sa dalaga. Arruba looked at Callen. Nasa gilid niya ito at nakangiting nakatitig din sa kaniya. Sabay nilang tinanaw ang kaaalis pa lamang na chopper. Habang lumiliit ito sa paningin ng dalaga ay mas lalong napapanatag ang puso niya. Umiling si Arruba bilang tugon sa tanong nito. Naisip niyang kapag nalaman

