Isang linggo na magmula nang mangyari ang dinner sa bahay ng mga Dietrich kasama ang pamilya ni Atreo. Isang linggo na rin sa pagmumukmok ang Arruba at sa abot ng makakaya nito ay titikisin niya ang ama. Para sa kaniya ay hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng ama. Bukod sa ibinenta siya nito sa taong hindi niya gusto ay hindi rin siya nito nirespeto bilang anak. Napabuntong-hininga ang dalaga sa naisip. Nakatanaw ito sa malawak na harden ng kanilang bahay mula sa balkonahe ng kwarto nito. Tahimik na tila ba malalim ang iniisip. Nakatulala na para bang may hinihintay. "Miss Dietrich?" "Leave me, alone!" malakas na sigaw ng dalaga. Binalingan niya ang katulong. Ang kaninang walang reaksyon na mukha ay biglang nagkaroon. Anger is evident in her eyes while hatred occupied her being. Hindi

