BUMAKAS sa mukha nito ang kung anong lungkot. "Two years pagkatapos maipadala 'yong labí mo dito sa Davao, umalis si Tito Daniel. Hanggang ngayon, hindi pa siya bumabalik." Saglit na napapikit siya sa pagkadismaya. She came all the way from LA to Batanes and now, to Mindanao. She was getting drained already. 'Tapos ay ganoon pa ang maririnig niya? "Pero bago 'yon," dugtong ni Anne, "Noong umalis ka rito sa Davao, mga ilang buwan lang, parang nawala sa pag-iisip si Tito Daniel. Lagi siyang nade-detain noon sa police station kasi araw-araw, nakahandusay siya diyan sa daan, laging lasing. Panay sabi niya sa mga pulis na baka mahanap daw siya ng tao na naghahanap sa kaibigan niya. 'Tapos, 'yon nga, isang araw pumunta siya rito sa bahay, may dalang mga bagahe. Sinabing aalis muna raw siya, ba

