KAIRO June 1997 (Then) Loyola de Davao University Pagkalabas na pagkalabas ng prof, agad na tumayo si Kairo, tinungo ang pintuan, madaling isinisilid sa backpack ang binder, ngiting-ngiti. He still had thirty minutes before picking up Selena for lunch. May oras pa siya para sadyain ang katabing classroom. Nang tuluyang makalabas si Kairo, nagsisilabasan na rin ang section nila Fern. Sumilip siya sa likurang pinto, halos maghumaba ang leeg, hindi alintana ang mga estudyanteng lumalabas doon --- masipat lang si Aryella Ah, it had been one hour and thirty minutes since he'd heard her voice saying her own name, and he wanted to hear it again. Pero sa puntong iyon ay hindi na ang pangalan nito ang nais niyang marinig. Focus man si Kairo kanina sa mga nagdaang klase, hindi mawala ang k