KAIRO November 11, 2021 (Now) Davao City IT HAS been settled. Nakausap na ni Kairo ang mga kamag-anak. Expected na niyang nagulat ang mga ito at parang nadismaya na rin nang sabihin niyang magkukunwari lamang sila ni Aryella. Gayunman ay hindi naman siya inawat noong ipaliwanag niya ang balak ni Riveriya na ipagduduldulan na naman siya nito sa ibang babae. Ang kaso ay hindi siya makahanap ng pagkakataong masabi ang lahat sa kanyang lola na ngayon ay gising na. Sinabihan kasi siya

