Chapter 2: Now -- Krista

3024 Words
EVE April 2021 (Now) Los Angeles, California   THE BRIGHTNESS of the light posts and the lights coming from establishments at the side of the road flashed through the tinted windshield of the SUV. Eve was at the backside, dazing off in the direction of the car window. Next to her was one of her bosses, Andrés Garza. Nang umuga ang kotse, kalakip ang isang hindi mawaring disappointment sa sarili ay gumuhit ang hindi maipaliwanag na sakit mula sa kaliwang tagiliran niya. Ngumiwi siya, bahagyang napasapo roon ang isang kamay. She was stabbed in the left side with a swiss knife. Nasaksak siya sa isinagawang FBI secret operation kagabi sa Sinaloa, Mexico. It really was painful she could feel the nanobots fixing up her wound. Probably, it would take three days more before it got completely healed. The wound was just a single, but deep, and actually was three stabs --- with the same mark, at the same place. Sanay sa paggamit ng kutsilyo ang gumawa niyon sa kanya. It was precisely done because as the man --- an obviously combat skilled bodyguard --- stabbed her the third time, he twisted the swiss knife inside her flesh, that she almost felt the hit of the metal against her lower rib. Unfortunately to the bodyguard, he was now dead, bathing in his own blood, along with his boss --- the big-time drug lord of Sinaloa Drug cartel --- the rival of Tijuana Drug Cartel which was secretly working for decades with the Federal Bureau of Investigation and the Drug Enforcement Agency. And probably, by now, their dead bodies were still inside the greenhouse of the drug lord's mansion. Kagabi lang iyon naganap. At kahit papauwi na si Eve sa shooting range na tinitirihan, sariwa pa sa alaala niya kung paano niya ginantihan ng saksak ang ginawa nito: she stabbed him beneath his chin, staring straight in his eyes. She only used a bread knife, actually. Pero hindi niya malilimutan kung gaano kadaling nawalan ng buhay ang mga mata ng lalaki bago ito bumagsak sa nakadapa at patay na amo nito. Pagkakamali rin ni Eve kaya siya nasaksak. Hindi niya inakalang sa pisngi niya ito napataamaan ng bala. Ang akala niya, patay na ito. Kaya dumeretso siya sa greenhouse kung saan kumakain ang totoong pakay --- ang druglord. Eve just simply gave the drug lord a headshot as she entered the greenhouse. When the gunshot echoed, the druglord lay down on his stomach onto the ground. Noon bumulaga sa likuran niya ang bodyguard, pinapuputukan siya ng baril. They exchanged bullets to each other's directions. Pero naubos na't lahat ang bala nila, wala ni isa sa kanila ang natamaan. So, they fought hand to hand. Nasa ibabaw niya ang lalaki at nai-headlock niya ang ulo nito sa gitna ng kanyang mga binti. Noon siya nasasaksak. Ginamit nito ang swiss knife niyang nakasabit sa suot niyang tactical pants, sa ibabang bahagi ng binti niya. Fortunately, there was a breadknife next to her head. Isinaksak niya iyon sa isang mata ng lalaki. Noon siya nakahanap ng pagkakataon. Then, the rest was history . . . just like the other druglords and its men Eve killed. A history that may not be known --- except Andrés, the FBI task force whose only job was to distract every drug lords' business operation for Eve to infiltrate the drug lord's lair, and herself. She actually couldn't count how many people she had killed. But every time she made, even the slightest mistake, just like the mistake she did why she got stabbed last night, she was disappointed in herself. Magmula nang umalis siya ng Pilipinas, at mula nang makilala niya si Andrés, ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na siya makagagawa ng pagkakamali. Because once she did, the situation started to get out of control. And she hated it. She always wanted to control the situation. If she did not, she got upset. And when she was upset, she couldn't focus; the slight mistake she had made, would become a big mistake. Then she would get stuck in that situation, couldn't even make herself to get out. Tulad na lang ng pagkakamaling nagawa niya noon. Bagay kung bakit hanggang ngayon, hindi niya mahanap-hanap ang lalaking umabandona sa noo'y bata pang si Ella. Naputol na lang ang pagmumuni-muni ni Eve nang muli ay napangiwi siya. Hindi dahil sa saksak sa kanyang tagiliran. Kundi sa pag-alingawngaw ng eskandalosong ringtone sa buong sasakyan --- ang ringtone ng cellphone ni Andrés. Noon pa man, isini-set na niya sa mahinang volume ng phone nito. Gayunman hindi rin niya masisi kung bakit ganoon na naman iyon kalakas. Andrés was old, sixty-six years old. Hindi bihasa sa pagkulikot ng mga makabagong gadget. Mula sa pagkakatingin sa bintana, sa paglingon niya, nasa tainga na nito ang phone. Lumukot ang mukha nito mayamaya. Alam na niya kung bakit. "Another rejected proposal?" tanong niya nang maibaba nito ang phone. Bumuntong-hininga ang ginoo. "Yeah." Umiling-iling itong niluwagan ang kurbata. "If I couldn't find an investor, or get a loan as soon as possible, Garza Holdings doesn't have a choice but to file for bankruptcy." Marahang pagtapik sa braso nito ang ginawa ni Eve. She wanted to help the old man, but she knew, there was nothing she could do. Nasa tatlompung bilyong dolyar kasi ang utang ng naturang kompanya. "Anyhow," wika muli ni Andrés, may kinuhang sobre sa loob ng suot nitong coat. Iniabot nito iyon sa kanya. "This is your compensation for doing a job well done to your Eve operation," tukoy nito sa naganap na secret operation ng FBI na isinagawa kagabi. Eve could've smiled with the compliment, but she couldn't. Though she really wanted. Kahit paano kasi, umalwan ang disappointment na nagpapagulo sa kanyang isipin. Eve operation might be just a dirty tactic of the U.S government against the drug war across the state --- the fact that the two biggest law enforcement agency (FBI and the DEA) were confidentially working with Tijuana drug Cartel --- she was still proud of herself because the operation was named after her. Who wouldn't be? After all, she was and still the only person who can get rid of those goddamned drug lords. "Thanks." Kinuha niya ang sobre. Saka lang nahinuha na medyo makapal iyon. Kunot-noong tumingin siya sa matanda. "What's with all this money? Is this a double payment? I just did one assignment, Andrés." Although Eve knew she really did a job well done, the money seemed to be much too much. Ito naman ang kumunot ng noo. "Last week was your 40th birthday, Eve. The FBI director gave you a little bonus. He should've given it to you on the day of your birthday but we were in Mexico." Tumango lang siya. Kada taon man siyang binibigyan ng birthday bonus, she never celebrated her birthday. Ni wala siyang panahon para alamin kung anong araw o buwan na. Dahil kung tutuusin, wala na siyang kaarawan. She was technically dead. Gayunman, ipinasok niya ang sobre sa dala-dalang belt bag. Noon naman nag-vibrate ang cellphone niya. She fished it out from the front pocket of her jeans. It was a text from the private investigator that she and Andrés hired. "Krista Domingo is here in L.A. She's currently staying at the KaiDa Hotel. Room 304" Nanginig ang kanang kamay ni Eve na siyang may hawak sa phone. Ilang ulit niyang binasa ang mensahe. Her heart started to pump so hard and her fingers of her left hand began fidgeting on her lap. Nang madama niyang nakatingin sa gawi niya si Andrés ay isinilid niya ang phone sa kanyang bag, saka pasimpleng pinagmasdan sa bintana ang nadaraanan ng sasakyan. Doon bahagyang umuga muli ang kotse, sapat para gumuhit na naman ang sakit sa kanyang tagiliran. Pero sa puntong iyon, hindi niya mainda-inda ang sakit. Distracted siya sa text na iyon. She had been planning to talk to Krista Domingo ever since she got the chance. But she couldn't. Hindi niya kailanman ninais na magkita silang muli. Gayunman, sa sistema, matagal niyang inasam na malaman kung nasaan ang anak nito --- ang lalaking umabandona kay Ella --- upang maghiganti. Ngunit hanggang ngayon, sa lumipas na labing siyam na taong paghahanap, walang makalap na impormasyon ang imbestigador na inupahan, na siyang kataka-taka. Para kasing sinadya na burahin ang pagkatao ng lalaki sa mapa ng Pilipinas Ang totoo, sa puso ay unti-unti nang nawawala ang pag-asa ni Eve. Pero dahil sa text na iyon ng private investigator ay parang kating-kati, hindi lang ang mga kamay, kundi ang mga paa niya. Talk to Krista, Eve. It's your only chance. Ngunit may pag-aalangan pa rin siyang nakakapa. 'Di pa nagtagal, nakarating ang sasakyan sa tapat shooting range. Nakababa na si Andrés pero hindi gumalaw si Eve sa kinauupuan. Sinilip siya ng matanda mula sa pintuang nilabasan. "Aren't you getting out?" Huminga siya nang malalim. "I'm planning to go shopping, is it okay?" Kumurap ng isang beses ang mga mata nito. "You sure can handle it? You have a stab wound, remember?" "Yeah, no worries," tipid na aniya. Nakahinga na lang siya nang maluwag, isinara na ni Andrés ang pinto ng kotse at hindi na nagtanong pa. Andrés might know some of her past --- but not all. Eve might be honest --- but Eve was a good liar, great at keeping secrets about herself --- all the time. Bagay kung bakit walang alam si Andrés patungkol sa iba pang ipinapahanap niya sa imbestigador. "Where to, ma'am?" tanong ng driver. "K---" Eve held her breath for a few seconds. Hindi niya alam kung bakit hirap siyang bigkasin ang dapat na sasabihin. Bagaman ay pinilit niya pa rin. "KaiDa hotel." Eve knew she wasn't supposed to go in that hotel. Iyon ang hotel chains na palagi ay iniiwasan niya kapag napupunta siya saan mang lupalop ng Estados Unidos. Pero kailangan niyang makausap si Krista. Mayamaya pa, matapos ang treinta minutos na biyahe, nasa harapan na siya ng naturang establishimyento. The hotel itself was breathtaking. Even its twisted structure. It was an interconnected twin building, which may be, had sixty to seventy floors each. The exterior was made from glass. Eve twitched her eyes as the name of the building illuminated from up there. KaiDa . . . She frowned, the towers themselves didn't surprise her. And she didn't care how beautiful it was. Parang napaso pa ang kamay niya nang maitulak niya ang revolving door. Gayunman, pumasok siya sa loob. Bumungad ang magarbong lobby. Every corner, every fixture, even the gray marbled flooring, and the cream-colored walls were sparkling. Nakasuot man ng longsleeved, tagos hanggang buto niya ang lamig, nangining ang likod ng leeg at magkabilang tagiliran niya. Geez! Luxury hotels really suck! Pakiwari niya kasi, snow na lang ang kulang sa loob. Bagaman ay dumeretso siya sa front desk, nagtanong kung saang building ang room 304. "It's in this building, ma'am," ngiting tugon ng babaeng clerk sabay inilahad ang kamay sa gawi ng glass wall. "Just use the elevator over there." Lumingon siya. Sa likod glasswall, isa na namang lobby, kung saan muli ay may frontdesk. Naglakad siya patungo roon, tinungo ang isa sa mga elevator. Nang magbukas, isang lalaki ang bumungad. Unipormado --- lift operator. "Exclusive membership card, ma'am." Magiliw na inilahad nito ang palad. She tucked her lips. She wanted to get irritated. Of course, Krista Domingo was an exclusive guest. Dapat ay sa front desk siya nagtungo. Bagaman dahil sa mga mahihinang tinig ng mga babaeng biglang sumulpot sa kanyang likuran, napapihit siya patalikod sa lift operator. Napakamot ang hintuturo niya sa tungki ng kanyang ilong. Dalawang may edad na babae ang pumasok sa sliding door. Eve gulped, one of them was Krista Domingo. Nag-uusap ang mga ito habang mabagal na naglalakad. Maraming taon na ang lumipas ngunit parang hindi ito tumanda, she looked still the same --- the 60-year-old Krista that Eve had last seen. Petite body frame, soft facial features at maliit na mukha. She still had a pixie haircut. Bagaman puro puti na ang buhok at may gatla sa balat at mukha, maganda pa rin. Gusto niyang yakapin ito, lalo't kung suot-suot pa rin nito ang drop earrings na ginawa niya noon. Ngunit nanatili lang siya sa kinatatayuan, kuyom ang kamao, mapigilan lang ang sarili. Ang kasama nitong isa pang ginang, si Brenda --- ang noon pang caregiver ni Krista. Kapwa naka-itim na bestida. Napakapit si Krista sa braso ni Brenda, saka sabay na tumigil, 'di kalayuan sa kinatatayuan niya. "Ma'am, ayos lang po ba kayo?" tanong ng caregiver. "May nakalimutan na naman kayo sa sasakyan, ano?" Umiling ang mas matandang ginang. "No. I guess, I must've been so worn off seeing him like that." The caregiver's chest rose as if she was holding her breath. "Dapat ho kasi, nagpakita na lang kayo sa kanya." Kahit mababanaag ang dilim sa mukha ni Krista, maamo pa rin. Mukhang mabait pa rin --- akma sa tunay sa ugaling minahal niya noon. Umiling ito. "You already know why I didn't show myself. I'm still sulking over his marriage. You knew I kind of doesn't like that woman." Umiling itong tumingala. "Forgive me, God . . ." Nagpatuloy ito sa pagsasalita at lumunok si Eve nang ilang ulit. Bagaman nanatili lamang siya sa kinatatayuan, umaasa si Eve na mapansin siya. And the old woman did. Tumingin ito sa gawi niya, natigilan, para bang kinikilala siya. Ilang saglit ang lumipas, umagat ng mukha si Brenda, bumaling din sa kanya. Sabay na bumagsak ang balikat ng mga ito. Bahagyang iniyukod niya ang ulo bilang paggalang. "A---" Magsasalita pa lamang ang caregiver, inunahan na niya, "With all due respect," inihahakbang niya ang mga paa habang sinasabi iyon saka itinuon ang atensyon kay Krista. "I need to talk to you, ma'am." Mula sa pagkagulat na nakrehistro sa mukha nito, ilang sandali ang lumipas ay ngumiti itong niyakap siya. "Oh, god! After all these years. . . " Napahikbi ito. "You're alive! I couldn't believe it." Eve wanted to respond. Gusto niyang yakapin ito pabalik. Gayunman, nakiusap siyang sa suite nito sila mag-usap. Nagpaunlak naman ang matanda. Sumakay sila elevator at agad itong nagtanong. Pero tila wala siyang narinig. Tiim lang ang labi niyang ipinapahiwatig dito na ayaw niyang sagutin ang tanong habang panay sa pagkamot sa tuktok ng ilong. 'Di pa naglaon, nasa suite na siya ni Krista. Humingi siya ng pabor sa caregiver na iwan sila. Inaalok siya ng inumin ngunit hindi siya nag-atubili, umiling lang siya. Ni hindi rin siya umupo. Sa halip, pagkaupong-pakaupo ng matanda sa sofa, agad ay nagtanong siya. "I wanted to ask the whereabouts of your son." Eve's hands balled into fists. Bigla ay nanikip ang dibdib niya sa galit. "A---" "Please, ma'am," sansala niya rito, may paggalang man, bakas sa tono niya ang tigas ng tinig. "Just answer my question, please." Kung bakit nanlabo ang mga mata niya ay hindi niya alam. Ang tanging nadarama niya sa kasalukuyan ay pagkamuhi habang inaalala ang mukha ng anak ng ginang. Gumuhit ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha ni Krista. Pero marahil nang madama nito ang determinasyon niyang marinig ang kasagutan, tila itinaas nito ang bandera saka sinabi, "My son is long dead, iha. He died five years ago from colon cancer." Tila napunta sa kadiliman si Eve. Napahagugol siya sa narinig, natutop ang bibig saka isinampa ang kamay sa sandalan ng sofa'ng katabi. Nineteen years siyang nagtiis sa paghihintay! No. Thirty-two years! Just to get a revenge! And now, he was dead? Noon niya hindi kinaya ang panginginig ng tuhod. Papaupo siya nang lumapit sa kanya si Krista upang marahil, maalalayan. But Eve didn't bother. Agad niyang inilayo ang sarili, saka umupo sa mas malayong sofa. Bumalik naman ang matanda sa dating kinauupuan. "Iha, what's wrong. And why are you asking about my son?" Krista's voice was full of concern. Nais malunod ni Eve sa boses na iyon. She would never forget how the old woman treated her before. Napakabait. Ngunit sadyang kinain ng galit ang sistema ni Eve. Tinitigan niya ang matanda, panay pa rin sa paglandas ang mga luha. "Your son . . . " napahikbi siya, "where had he been all this time?" "No one knew," anang matanda, bumuntong-hininga. "But when he died, his live-in partner reached me through a phone call, just to tell me he passed away, to tell me to go to his funeral. That's the time I got to know where he was." Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Of course, I never went. He was a disgrace to the family. We disowned and banished him thirty-four years ago, iha. Every record of my son, I burned, eradicated it. And I forbid every part of the family, even every people all over the province to mention his name." Natulala si Eve sa narinig, hindi nakapagsalita. Now it all made sense why her private investigator couldn't find any lead information about him. "Why?" ang tanging naitanong niya. Umiwas ito ng tingin papunta sa sahig, umiling-iling. "He committed a crime, a heinous one." Ginawa ni Eve ang makakaya 'wag lang mapahagulgol, pero hindi niya nakontrol ang lalamunan. Akmang tatayo sana ang matanda ngunit iminuwestra niya ang mga kamay. Sa biglang pagguhit ng kung anong takot o pangamba o guilt sa mukha ni Krista alam na niya kung ano ang krimen na ginawa ng lalaki. "Iha, with all of my heart, I'm telling you, I have this vague feeling seeing you crying. But I still don't have any idea what this is all about. Whatever it is, I'm ready to listen." Mahinahon ang boses nito. Napahawak ang isang kamay niya armrest ng upuan, yumukong itinutop ang kamao sa bibig. Her body was almost twisting where she seated. Hindi siya makapagsalita dahil ayaw niya. Nagbabalak siyang umalis na sa lugar na iyon ngunit sadyang naghihina at nanginginig buong katawan niya. She was f****d up. And she wanted to die right then and there. "I'm going to call my gr---" "No," putol niya rito. "Please don't." "Then tell me, iha. If you're not going to tell me, I'll tell my g---" "Okay, I'll talk," sansala niyang muli. Agad na natigil ang pagluha. ~~**~~                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD