KAIRO NOVEMBER 20, 2021 Viran Province IF you haven't received any call from me within six hours, call Tony. Explain to him what happened; he will know what to do, okay? Iyon man ang itinimbre ni Kairo sa sekretarya niya, na naka-leave pa rin — si Anne, salungat iyon sa mga bagay na kanina pa niya gustong sabihin kay Ary. Nang marating nila ang tabing dagat, noon na hindi nakontrol ni Kairo ang bibig. "This isn't a good idea, Ary. We can wait for them to come back." They were somewhere in a hidden side of Valeria. Doon sa bahagi ring iyon nakatira sang bangkero na naghatid sa kanila kahapon. Kasalukuyang inihahanda na ng ginoo ang bangka. May kalakihan iyon. Iyon ang klase ng bangkang ginagamit sa pangingisda. Siya at si Ary ay kapwa nakagayak. Ang backpack nila ay puno ng mga emerg

