KAIRO MARCH 2002 (Then) Davao City PAGKABUKAS NA PAGKABUKAS pa lamang ni Kairo sa pinto ng balcony ng kanyang kuwarto, ang nakatalikod na si Aryella ang bumungad sa kanya. Nasa railing ito, nakatingala sa madilim na kalangitan. Imbes na lumapit, napasandal na lamang si Kairo sa hamba ng pintuan. Aryella was just wearing a casual outfit: maong pants and a t-shirt, but damn! Kairo could spent his entire life staring at her. Kung maaari nga lamang sanang ayain na niya itong magpakasal ay gagawin niya . . . 'wag lang itong mawala, manatili lamang ito sa tabi niya. But it was just wishful thinking --- a dream. Isang panaginip na hanggang sa panaginip na lang. And it killed him. "How long have you been standing there?" Kairo snapped from his thoughts as Aryella turned in his direction.

