KABANATA 1

3436 Words
Everything seems to be fine in my life not until I met a guy whose name is Jian Cyrus Salazar. One of the heartthrob in Architecture Department. Well, in the whole campus to be exact. It still feels so surreal. The day when I first met him. I was a freshman and he's in third year in college, and damn boy, he's into Architecture! "Mio! Bumalik ka dito!" Sigaw ng kaibigan kong si Sandy pero hindi ko siya nilingon habang tumatakbo palayo sa kanila at hinahabol niya 'ko. "Ayoko!" Paano ba naman kasi, pinipilit nila akong sumama sa kanila sa isang bar. Magce-celebrate daw sila ng birthday niya. Bakit kailangang sa bar pa? P'wede namang sa bahay na lang nila, mas kumportable pa ako. "Mio, naman! Please!" Sigaw pa niya sa namimilit na boses. Karamihan sa nakakasalubong ko ay umiiwas at ang iba naman ay iniiwasan ko para lang hindi ko sila masanggi. Ang iba siguro ay nawiwirduhan sa pagtakbo namin dahil naghahabulan kami. Wala naman akong pakialam dahil hindi ko naman sila kilala. Mawirduhan kayo hangga't gusto niyo. Lumiko ako sa daang papunta sa soccer field para hindi gaanong matao. Nilingon ko si Sandy at nakitang medyo natabunan siya ng mga nagsisilabasang estudyante sa Finance Department. Natatawa ako habang tumatakbo at nakatingin sa nagigitgit nang kaibigan nang bigla akong mabunggo sa isang mala-bakal na katawan. Sa lakas ng impact ko doon ay muntikan pa akong matumba pero mabilis akong nahawakan sa braso at baywang ng nabangga ko. "Ahh!" Tili ko habang nakapikit. Akala ko ay pareho kaming matutumba pero masiyado siyang malakas at malaki para mahatak ko. "Hey," a manly but soothing voice filled my ears as I slowly open my eyes and saw a handsome man right in front of my face. . . just inches away. "Careful, lady." His voice. . . damn! I smell his minty breath that shook my whole being. I blinked twice and just stared at his handsome face and look straight to his brooding eyes. Inayos niya ako ng tayo pero nakatulala pa rin ako sa kaniyang mukha at parang sinasaulo ang bawat anggulo niyon. "Dude, anong nangyari?" Napatingin siya sa dalawang lalaki na papalapit sa p'westo namin. They're both goddamn handsome. But I was just mesmerized by this guy's perfect face, in front of me. He has this brooding eyes, proud pointed nose, kissable thin lips, he has thick brows and curl thick eye lashes that made me think twice if he really is a man. Because. . . mine is just enough and just curl, but his. . . is kind of different and beautiful. But his feature is very manly! Unlike the other guys I have met! "I was just bumped into her. No big deal." He look at me again but I was out of words. I couldn't even utter a single word! "Oh, freshman." The guy in the left said while nodding slowly. He smiled at me warmly. "S-sorry," hindi ko alam pero 'yon lang ang lumabas sa bibig ko habang pinagmamasdan ang tatlong nagga-gwapuhang lalaki sa harapan ko. Para akong pinagpala ng panginoon habang pinagmamasdan ang tatlong ito sa aking harapan. Ngumingiti sila kapag nagtatama ang mga mata namin pero ang nasa gitna, na aking nabangga, ay hindi ko man lang makitaan ng kung anong emosyon sa mga mata. "It’s fine.” He smiled a bit that stunned me. "H’wag ka na lang siguro tumakbo sa susunod kapag maraming tao." I nodded obediently at him. I saw his expression changed into amazement. He gracefully comb his hair using his fingers that made him even more hotter than ever. "Tara na‚ Cyrus! Naghihintay sa atin si Axton. Baka biglang topakin ’yon at hindi pumasok sa susunod na klase." Naiiling na sambit ng isang lalaking nasa kaliwa niya. G’wapo rin ’yon at napakaputi. His disheveled hair suits his facial expression. "Tama si Yaj‚ Cy. Baka hindi na naman pumasok sa next subject ’yon mamaya." Anang lalaking nasa kanan niya sa isang seryosong boses‚ nang mapatingin siya sa akin ay ngumiti siya. Napangiti ako nang bahagya sa kaniya. "Kasama naman niya si Raven‚ ‘di ba?" Nakatayo lang ako doon habang nag-uusap sila. Hindi makaalis dahil parang magiging bastos ako sa harap ng tatlong g’wapong ito. "Kasama nga niya, e alam mo namang matigas ang mukha ng lalaking 'yon. Wala nang inspirasyon‚ e." Tumango ang lalaking nabunggo ko. Cyrus. His name is Cyrus. Damn. Pangalan pa lang ang g'wapo na. Napatingin sa akin si Cyrus at bahagyang ngumiti. Inaaya na siya ng dalawang kaibigan kaya naman napailing siya at wala nang nagawa. "Be careful next time," aniya bago lumapit at tinapik ang balikat ko at nagpatuloy sa paglalakad kasama ang mga kaibigan. Napamaang ako doon at hindi nakapagsalita. Natulala at hindi gumalaw sa kinatatayuan. Did he. . . did he really tapped my shoulder? I feel like. . . a God just touched me. A dropped dead gorgeous man like him is so unreachable! Parang. . . parang ang hirap talaga makisabay sa kaniya. Ang taas niya kahit. . . kahit alam mong normal na tao lang siya. "Mio!" Napakurap-kurap ako at natauhan. Napatingin ako sa kaibigang nakatayo sa harapan ko at nakapameywang pa. "A-ano?" Nauutal kong tanong sa kaniya. "H'wag mo sabihing hindi ka talaga pupunta?! Ano ba naman 'yan, Hermione!" Nagmamaktol niyang sambit. "Ayoko. Alam mong hindi ako papayagan ni Tita, kapag nalaman niyang sa bar tayo pupunta. Sa bahay niyo na lang kasi." Alam naman niyang istrikta si Tita, pipilitin pa niya akong maglagalag sa birthday niya. "Hindi naman natin sasabihin! Hindi tayo magtatagal do'n, promise. Mga dalawa o tatlong oras lang." "Baka naman hindi tayo papasukin do'n. Eighteen pa lang ako, Sandy." Maaga akong pinag-aral ng mga magulang ko kaya mas bata ako sa kanila ng isang taon. Inirapan niya ako. "E, ano? Nasa legal age ka naman na, wala nang problema 'yon. Hindi naman tayo sa exclusive bar pupunta, do'n lang tayo sa mumurahin. Ano ka ba naman. Pagbigyan mo na 'ko! Please!" She even made a puppy eyes that made me blink in consecutive ways. My lips turn into grim line. "Titingnan ko muna. Baka hindi ako payagan ni Tita. Alam mo rin naman si Kendra, baka isumbong ako no'n sa mama niya, mapapagalitan pa ako. Alam mo namang malaki ang utang na loob ko sa kanila, 'di ba?" I smiled at her with sad eyes. Napalabi siya sa tinuran ko. "Alam ko namang inggit lang sa 'yo 'yang si Kendra. Paepal na mukhang palaka. Ang tanda-tanda na, inggitera pa rin." Umirap siya at humalukipkip. "Hayaan mo na, do'n siya masaya, e." Natatawang sambit ko at hinila na siya para makauwi na kami. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan kong naglilinis si Tita ng bahay. "Nandito na po ako, tita." Lumapit ako sa kaniya pagkatapos kong maghubad ng sapatos at nagmano sa kaniya. "Oh, Mio. Kumain ka ng meryenda pagkatapos mong magbihis. Nandiyan sa kusina." tumango ako sa kaniya pero natigil ako nang kumunot ang noo niya. "Bakit po?" Tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya at pinagpatuloy na ako sa pag-akyat para makapagbihis. Nagtataka man sa inasal ni Tita ay hindi na lang ako nagsalita at pumasok na sa kuwarto ko. Hindi man kalakihan ang bahay ni Tita ay may sari-sarili naman kaming mga kuwarto. Ayos na rin 'yon para hindi naman kami magsama ni Kendra sa iisang kuwarto at baka sa sobrang galit no'n sa akin ay sirain niya lahat ng gamit ko. Baka hindi ako makapagtimpi at kung ano ang magawa ko sa kaniya. Malaki ang utang na loob ko sa mga magulang niya, pero hindi sa kaniya na puro pagtataray ang ginagawa sa akin. Sungalngalin ko siya diyan, e. Nagbihis ako ng pambahay at bumaba sa kusina para kumain ng meryenda. Pagkapasok ko ay nakita ko naman si Tito na naghuhugas ng plato. "Oh, Mio, nandito ka na pala." lumapit ako sa kaniya at nagmano. "Oho, Tito. Nagmeryenda na po ba kayo?" Tanong ko habang kumukuha ng bananaque na niluto ni Tita at kumuha rin ng baso para sa juice. "Oo, kakatapos ko lang. Nga pala," tumikhim siya kaya napatingin ako sa kaniya habang umuupo. "Ano po 'yon?" Tanong ko habang nagsisimula nang kumain. He scratch his head a little. "Tumawag ang papa mo sa akin kagabi." Kumunot ang noo ko at saka naman napagtanto ang sinabi niya. Nanlamig ang sistema ko. "A-ano pong sinabi?" Tanong ko habang nanginginig ang boses. Simula nang mamatay si mama dahil sa sakit niya ay hindi na muli nagpakita sa akin si Papa. Ang sabi niya lang sa akin ay magtatrabaho siya at na. . . maghahanap ng paraan para mabuhay ako. Pero sa nagdaang taon. . . hindi siya nagpakita sa akin at nalaman ko na lang na. . . may sarili na siyang pamilya. Alam ng bago niyang asawa na may anak siya at tanggap daw ako. Pero ako? Kailan ko matatanggap na. . . wala na akong pamilya? Na. . . hindi na ako ang. . . prinsesa ni papa na palagi niyang gustong makasama. He used to make me feel like I'm a princess, but now. . . he has his new own family now. How about me? Paano naman ako na kailangan rin ng kalinga niya dahil. . . ilang taon na. . . simula nang maramdaman ko ang yakap niya sa akin. "Ang sabi niya ay. . . baka bumisita siya dito next week. Kinausap ko siya na medyo nagtatampo ka sa kaniya." Anong medyo? Nagtatampo talaga ako sa kaniya. Hindi naman ako galit, nagtatampo lang dahil hindi naman siya nagpakita sa akin, limang taon na ang nakalilipas. Umiling ako habang pinipilan ang luha. "H-h'wag na po sana siyang mag-abala. Uh. . . h-hindi ko po alam kung kaya ko siyang harapin." Napayuko ako habang umiiling. Tinapik niya ang aking balikat nang marahan. "Hayaan mo at sasabihan ko siyang h'wag kang biglain. Sasabihin ko munang h'wag muna siyang bumisita." Huminga ako nang malalim at ngumiti nang maliit. Ayoko lang maging madamdamin kapag nagkita kaming muli ni papa. Gusto ko. . . kapag nagkita kami, wala na 'yong tampo ko sa kaniya at maayos na ang lahat. After eating, I went upstair and did my assignments. Kahit inaantok ako ay mas ginusto kong gawin ang mga takdang aralin para mamaya ay maaga akong matulog. Mamaya pa ang uwi ni Kendra dahil tanghali hanggang gabi ang pasok niya. Mabuti nga at ibang kurso ang kinuha niya at hindi Finance. Baka sa akin pa magpagawa ng assignment 'yon gaya ng gawain niya noong highschool kami. Malaki ang utang na loob ko sa mga tiya at tiyo ko dahil pinag-aral nila ako ng Senior high at college. Noong mamatay si mama at nag-Maynila si papa ay sila na ang kumupkop sa akin. Nagpapadala naman si papa sa akin ng pera, pero alam kong hindi 'yon sapat. Hindi sapat para sa pag-aaral ko, baon, tuition, mga projects, at kung ano pang miscellaneous fee sa school. Hindi rin sapat para makapagbigay man lang ako kahit kaunti kina Tita at Tito para sa kinakain ko sa araw-araw. Hindi rin sapat sa iba ko pang pangangailangan. Hindi naman ako nanghihingi ng kung anong luho o mas higit pa sa kaya ni papa na ibigay, ang gusto ko lang ay maging sapat ang kaya niyang ibigay. Nang mag-part timw job kasi ako noong senior highschool ay nagalit si Tita sa akin. Kesyo, hindi ba daw sapat ang kaya nilang ibigay? O hindi pa ba sapat ang perang ibinibigay ni papa sa akin para maghanap ako ng pagkakakitaan? Ayos lang naman sa akin magtrabaho, dahil para rin naman sa sarili ko at para makatulong kahit kaunti. 'Yon nga lang ay napasama dahil nga underage pa ako. Hindi pa daw ako p'wedeng magtrabaho sa kahit saan, kahit pa gusto ko. Saka na daw kapag kaya ko na daw talaga at nasa wastong edad. At 'yon ang ikinagagalit sa akin ni Kendra. She's always upset whenever her parents give me such things, like love that my parents didn't gave to me, or material things that they're giving me after their work. Minsan kasi ay binibilhan nila ako ng gamit kapag nakasahod na sila. Hindi ko naman matanggihan dahil kailangan ko at sayang kung tatanggihan ko. Hindi kami magka-size ni Kendra dahil medyo mataba siya sa akin at matangkad ako sa kaniya. At hindi niya gusto ang mga simpleng damit na gaya ng sinusuot ko, she prefer wearing sexy dresses even she's kind of voluptuous. Bagay naman sa kaniya dahil maganda pa rin ang katawan kahit gano'n. She's just year older than me but I'm tall than her. Madalas rin siyang may kaaway dahil sa ugali niya. Mataray, masungit, maldita, palaaway. Lahat na ata ng masamang ugali nasa kaniya. Pero hindi ako kailanman nagsalita dahil nakikisama ako sa kaniya. Saka na kapag nakaalis na ako dito. Hindi ako sa kaniya may utang na loob, sa mga magulang niya. Kaya wala siyang karapatan na magmalaki sa akin. Dahil kahit kailan ay wala siyang naitulong sa akin. Kapit lang rin naman siya kina Tito at Tita kaya h'wag siyang magmalaki. Malaki lang siyang tao, pero wala pa rin siyang maipagmamalaki. Napailing ako sa mga naiisip ko. Hindi ko rin alam minsan kung saan nanggagaling ang mga naiisip kong 'yon. Minsan ay malakas ang loob ko, minsan naman ay napakahina ko. Ayoko lang talaga ng away kaya hindi ko siya pinapatulan. Ayoko ring magalit sa akin sina Tita at Tito. Tinapos ko ang gawain ko bago bumaba para kumain ng hapunan. Wala pa si Kendra kaya kaming tatlo lang ang kumain sa hapag. "Madalas napapagabi ng uwi 'yang anak mo, William." Medyo padaskol na sambit ni Tita habang kumakain kami. Tahimik lang akong nakikinig habang nagpapatuloy sa pagkain. Ayokong makialam dahil wala naman akong alam sa mga ginagawa ni Kendra sa school. Magkaiba kami ng kurso at ng oras ng pagpasok. Kaya hinding-hindi kami magkakatagpo sa school. "Alam mo ba ang ginagawa ni Kendra sa school, Hermione?" Sa isang malalim na boses ay tanong ni tito. Mabilis akong umiling. "Hindi po kami nagkakatagpo ng landas ni Kendra sa school, Tito. Masyado pong malawak ang eskwelahan namin at magkaiba kami ng department kaya hindi po talaga kami nagkikita doon." Sagot ko sa katotohanan. Tumango siya, "sana kapag nagkita kayo doon ay sabihan mo siyang umuwi sa tamang oras para hindi kami nag-aalala." Tumango rin ako at nagpatuloy na sa pagkain. Kaya naman pagkatapos ng hapunan ay natulog na lang ako para maagang magising bukas at may kumpletong tulog. Kinabukasan ay alas sais pa lang ay gising na ako at nagreview muna sa isang subject dahil may quiz kami doon. Pagkatapos no'n ay naligo na ako at nagbihis ng uniform para makapasok na ako. Bumaba ako para mag-almusal nang marinig ko ang pag-uusap nina Tita at Tito sa salas habang pababa ako ng hagdan. "Higpitan mo kasi 'yang anak mo para hindi palaging naglalagalag. Paano kung bigla 'yang mabuntis sa murang edad? Naku, William! Kapag nangyari 'yan, hindi ko na alam ang gagawin ko diyan sa anak mo! Mabuti pa nga 'yang si Mio at pagkatapos ng klase, narito agad sa bahay, nakakatulong pa sa akin sa paglilinis ng bahay o 'di kaya ay tumutulong sa akin sa pagrerepak ng ibebenta kapag wala siyang pasok. E, 'yang anak mong prinsesa? Anong naitulong sa akin? Puro pasakit sa ulo!" Naiiritang sambit ni Tita. Bakas sa boses ang galit. Ano na naman kayang ginawa ni Kendra at ganito kagalit si Tita? Saka anong oras na ba siya nakauwi kagabi? At panigurado, kapag narinig niya ito ako na naman ang pagbabalingan ng galit no'n. Masyado pa naman 'yon. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa paglalakad pababa ng hagdan. Nang siguro ay maramdaman nilang may bumababa ay tumigil sila sa pag-uusap. Kita ko pa rin ang bakas ng inis ni Tita sa mukha niya, habang si Tito naman nakasapo sa noo habang namomroblema sa anak. May kape silang pareho sa lamesa at mukhang kakatapos lang mag-almusal. "Magandang umaga po," bati ko at nagpatuloy sa pagpunta sa kusina para kumain ng almusal. "Mio, ikaw ba ay nag-iinom na?" Gulat akong napabaling kay Tita nang itanong niya 'yon. Tumikhim ako, "hindi po, tita. Saka. . . ano po, inaaya ako nina Sandy na mag-inuman sa birthday niya pero. . . hindi po ako pumayag dahil bata pa naman po ako. Saka ayoko po kayong magalit." Nahihiyang sambit ko sa katotohanan. "Tama 'yan. Saka ka na mag-inom kapag alam mong kaya mo na. Kapag matanda ka na o may trabaho na. Hindi 'yong ganitong estudyante pa lang." Sermon niya. Napalabi ako at tumango saka nagpatuloy sa pagkain. Hindi pa ako natatapos sa pag-aalmusal nang magpaalam na si Tito na aalis na para sa trabaho. May talyer si Tito at malakas naman ang kita kaya doon kami kumukuha ng pangangailangan sa araw-araw. Medyo malayo nga lang dito sa bahay kaya maaga pa lang ay umaalis na siya para sa pagtatrabaho doon. Nang matapos ay nagtoothbrush ako bago nagpaalam kay Tita na papasok na. "Ingat ka," aniya at tinanguan ako. Pumara ako ng tricycle sa labas ng village para magpahatid sa school. Gusto ko mang mag-jeep ay hindi ko na ginusto dahil umaga, baka mag-amoy kulob lang ako kapag nakipagsiksikan ako sa mga taong papasok sa trabaho sa jeep. Nang makababa ako ng tricycle ay siyang pagparada ng isang mamahaling kotse sa hindi kalayuan. Nang lumabas ang nasa likod ng passenger seat ay namangha ako. Here is the man I bumped with yesterday. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Baka mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya, mawirduhan pa sa akin. Pero hindi ko maiwasan, habang papasok ay napapatingin ako sa kaniyang mukhang may hinihintay. At parang tumapak sa damdamin ko nang makitang may kinakausap na siyang babae ngayon. He's smiling for Pete's sake! To that girl. Sino naman kaya 'yon. Huminga ako nang malalim bago nagpasyang pumasok na sa loob nang tuluyan. Nasa kiosk ako nang gambalain ako ni Sandy at Jarah na kapwa may matatamis na ngiti sa mga labi habang kinukumbinsi akong sumama sa kanila sa birthday ni Sandy. "Hindi nga ako pinayagan ni Tita. Nagalit pa dahil. . . mukhang umuwing lasing si Kendra kagabi galing sa kung saan." Napanguso silang pareho sa sinabi ko. "What if tumakas ka na lang?" I narrowed my eyes on Jarah whose smirking at me devilishly. "H'wag mo 'kong demonyohin gumala," inirapan ko siya na ikinatawa niya. "Hindi naman gala 'yon. Party 'yon, marecakes. Party." she said, emphasizing her words. "Wala akong pakialam. Saka, hindi ba at malapit na rin naman ang midterm kaya kailangan na natin magreview. Kapag ako bumagsak, hindi niyo na ako makakausap." Napapanguso naman sila pero ginugulo at kinukulit pa rin nila akong sumama. Ayoko talagang sumama kaya hindi rin nila ako mapipilit kahit anong gawin nila. Sila na lang, kahit sabihan nila akong KJ. Nang matapos ang ilang subjects ay napadaan ako sa library. Nagpasya akong pumasok doon para maghanap ng babasahin tungkol sa susunod kong subject. Naghahanap ako nang libro sa shelves nang may mapansin ako. At imbes na mga estudyanteng nagbabasa o nag-aaral ang nakita ko doon ay dalawang taong naghahalikan ang nakita ko. Agad nanlaki ang mga mata ko nang makita sa siwang ang mukha ni Cyrus na nakapikit habang marubdob na hinahalikan ang babae. Sa edad kong ito ay inosente pa ang isipan ko, pero sa ganitong halikan ay hindi ako inosente. Rinig na rinig ko ang mahihinang halinghing ng babae. Hindi ako napakurap habang nakatingin sa kanila. Hanggang sa biglang magmulat ng mga mata si Cyrus at dumiretso 'yon sa mga mata ko. Kung may ilalaki pa ang mga mata ko ay sobra na 'yon habang nakatingin sa kaniyang diretso ang tingin sa akin. Napalunok ako at nanlamig ang aking sistema. Hindi ko mawari ang nararamdaman ng aking tiyan habang nakatingin sa kaniyang mga mata na nakatitig sa akin pero abala siya sa paghalik sa babae. Saka lang ako natauhan nang humiwalay siya sa paghalik sa babae nang hindi inaalis ang titig sa akin bago ngumisi nang mapaglaro. Napaatras ako at mabilis na umalis doon. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil doon. Pakiramdam ko ay aalis na 'yon sa ribcage ko. Ang plano kong pagbabasa ay hindi na natuloy dahil sa nangyari. Oh my gosh. . . did I just saw him. . . passionately kiss a girl?! s**t! A/N: I'LL SEE PO IF I CAN UPDATE THE SECOND CHAPTER. BUT FOR NOW, JUST STAY TUNED AND I THINK WE'LL SEE ON JANUARY 10 FOR THE NEXT UPDATE PO. I'M JUST STOCKING UPDATES FOR ME NOT TO STRUGGLE TOO MUCH. THANK YOU!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD