KABANATA 4

3296 Words
"You're. . . rejecting me. . . right?" napayuko ako at pinigilan ang luhang nagbabadyang tumulo. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, hindi dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon, kung 'di dahil sa sakit na pinadama niya sa mga salitang binitawan niya. "Yes, it's better that way, though." huminga siya nang malalim. "I'm. . . I'm not taking girls seriously, as you can see. I'm still playing hearts. I don't want you to drive that way." tumango ako kahit hindi naman rumerehistro sa isipan ko ang mga sinasabi niya. Mas kinakain ng sakit ang puso ko, kaysa ang pagtuunan ng pansin ang mga sinasabi niya. I bit my lower lip and stared at nothing as I contain my feelings. It's bottling up and I feel like crying anytime now in front of him. Nakayuko lang ako at hindi siya matingnan. He shifted his weight before walking towards me and tapped my shoulder gently. "I hope you can move on," aniya bago umalis doon. Leaving me dumbfounded. Saka lang tumulo ang aking mga luha nang makaalis na siya nang tuluyan. Nanghina ako nang lubusan habang inaalala ang mga pinagsasabi niya sa akin. I'm still young. What does that mean? Na kung kasing edad niya ako ay. . . mag-iiba ang tingin niya sa akin at maari kaming magkarelasyon? Wrong timing talaga ang pag-amin ko sa kaniya ngayon. Naglakas loob lang talaga ako dahil baka hindi niya naman masamain ang pagkagusto ko sa kaniya dahil sa kabaitan at mga ngiti niyang ipinapakita sa akin. O baka masyado lang talaga akong ilusyunada sa mga nakikita ko? Ilusyunada. Isa akong ilusyunada na akala mo ay palaging papaburan ng nakararami. Hindi ako papaburan ni Cyrus dahil lang gusto ko siya. Hindi niya ako magugustuhan dahil gusto ko siya. Pero siguro naman ay hahayaan niya akong magkagusto sa kaniya kahit palihim na lang. Inayos ko ang sarili ko at nagpasya nang umalis doon at umuwi sa bahay. Nagtagal pa ako sa waiting shed habang pinapakalma ang sarili ko. Nakatulala lang ako habang naghihintay ng jeep na dadaan dahil puro mga kotse at SUV ang nadaan ngayong oras na 'to. Masyado na nga talaga akong late sa pag-uwi ngayon dahil sa paghihintay ko kay Cyrus kanina at sa pagpapakalma ko sa sarili ko. Habang naghihintay sa jeep na dadaan ay may umupo sa tabi ko sa waiting shed. Hindi ko siya binalingan dahil hindi ko naman alam kung sino 'yon. "Ang tagal naman ng jeep," anito na hindi ko na lang pinansin. Sino ba siya? "Sasakay ka rin ba, Miss?" tanong niya na feeling close. Tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya at pasimple siyang sinulyapan. He's handsome. But I know who's more handsome. Nireject nga lang ako. "Sherwin nga pala," sabay lahad niya ng kaniyang kamay pero sinulyapan ko lang 'yon at hindi pinansin. "Sungit pala." bulong niya na ikinataas ng dalawang kilay ko. "Feeling close," bulong ko naman na alam kong narinig niya dahil natawa pa siya. Simula nang araw na 'yon ay hindi na ako ulit sumilay sa Archi Dept. Mas naging abala rin ako sa pag-aaral dahil nagiging mahirap na rin bawat subject namin, nalalapit na rin ang midtern kaya sobrang daming gawain. Sunod-sunod ang binibigay ng mga professors sa amin. Simula rin nang araw na 'yon, ang lalaking nakasabay ko sa waiting shed ay madalas ko nang makasabay sa pagsakay sa jeep. Hindi ko alam kung sinasadya niya, o sadyang napapahuli na ako ng uwi dahil sa dami ng ginagawa ko sa school? Madalas na rin ako tumambay sa Library at hindi na sa kiosk na nakasanayan ko. Hindi naman na nagagawi si Cyrus doon kaya mas ayos sa akin na doon ako tumambay, tahimik pa. Ilang buwan pa ang nakalipas at napapansin na nina Sandy at Jarah ang pananahimik ko at ang biglang pagtigil sa pagsilay kay Cyrus. Actually hindi ko naman talaga tinigil. Medyo nag-lie low lang ako dahil masyado akong nasaktan sa mga sinabi niya sa akin nang araw na 'yon. Minsan nakakasalubong ko rin siya dahil habang tumatagal ay mukhang naglalapit ang aking distansya. Hindi ko alam pero madalas ko na talaga siyang makasalubong lalo pa kapag mapapadaan ako sa field o 'di kaya ay sa gym kung saan siya madalas naroon dahil sa practice nila. Madalas pa akong tuksuhin nina Sandy kapag nakikita nilang napapadaan sina Cyrus sa gawi namin pero hidni ko na lang pinpatulan. Hanggang sa makagraduate na si Cyrus ng Architechture ay nagiging mailap ako. Gusto ko siyang batiin kahit isang "congrats" lang, hindi ko pa rin nagawa dahil duwag ako. "Sabihin mo nga sa amin, anong nangyari noong umamin ka ng feelings mo kay Cyrus noon? O umamin nga ba?" si Sandy, isang araw nang nasa kiosk kami at gumagawa ng requirements. ilang buwan na lang ay gagraduate na kami sa College. Hindi ko alam kung naging masaya ba ang College life ko o puro lungkot at pag-alala lang sa mga binitawang kataga ni Cyrus ang pinagtuunan ko ng pansin? "Umamin ako," sagot ko sa isang mababang boses habang patuloy pa rin ako sa mga ginagawa ko. napasinghap sila pareho sa sinagot ko at nang-iintrigang lumipat ng pwesto sa tabi ko. Napirap ako sa ginagawa nila. Mga chismosa. "Hindi nga?" hindi naniniwalang tanong ni Jarah. Inirapan ko siya, "tatanong-tanong kayo tapos hindi naman kayo maniniwala." "Ano ka ba! Curious kami siyempre!" hinampas pa ako ni Sandy sa braso. "Oo, matagal na. Noong second year College pa tayo." napanguso ako at inalala na naman ang mga sinabi ni Cyrus sa akin nang araw na 'yon. I am now 21 years old. How can he see me now, by the way? Is seeing me as a woman now or still young for him and unexperienced? I suddenly wish to grow more and be a woman he wants in his life. How I wish to be one of his girls. But suddenly, I felt giddy of him. I dont want to share him to anyone if he will be mine. Damn, Mio, go and hallucinate more! Go imagine him with you. Dahil alam mo sa sarili mo na kahit kailan ay hindi siya mapapasa-iyo. Nakagraduate kami na puro si Cyrus ang nasa isip ko. Hindi naman siya nawawala sa isip ko, e. Ilang buwan lang rin ang nakalipas ay nakahanap ako ng trabaho sa isang kumpanya. Doon ko na naman nakita si Sherwin, 'yong lalaki sa waiting shed. Nagpapalipad hangin na siya noon pa pero ngayon ko lang narealize na mukhang seryoso siya sa akin mula pa noong makilala ko siya sa waiting shed. Mabait siya at palaging nakangiti, taliwas sa personalidad ni Cyrus. Mabait si Cyrus pero hindi siya palangiti gaya ni Sherwin. Hindi ko maiwasang. . . ikumpara si Sherwin kay Cyrus. At hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makamove on sa kaniya. Niligawan ako ni Sherwin. Hindi niya ako pinilit sa isang relasyon kung ayaw ko naman daw. Naging komportable ako sa sinabi niya. Ibig sabihin lang no'n ay nakakaunawa siya. Alam niya kung kailan ako komportable at kung kailan hindi. Kaya hindi ko rin naiwasang magkagusto sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero. . . kahit noong sinagot ko na siya ay hindi pa rin maalis sa isipan ko si Cyrus. Lalo pa noong may mabasa akong balita sa kaniya sa isang magazine. In just a young age, he's now taking over a company. Even if it's their own company, he's still young for having that! How old is he now? It's been two or three years since I last saw him. And now he's just twenty-five years old, I think. Napaisip ako bigla. He really is too far from me. He's now a successful Architect in town, and also all over Asia. And now, he's one of the most sought after bachelor in the country. What a cruel word we had. Hindi talaga ako babagay sa isang 'yon. Masyadong mamahalin. Ang hirap niyang abutin. How can I have him if I'm just nothing? Sa nakalipas na taon ay nagpasya rin akong bumukod na kina Tito at Tita dahil may trabaho na ako. Nagbibigay ako sa kanila ng kaunting tulong mula sa sahod ko, minsan ay ayaw pa nilang tanggapin dahil mas kailangan ko raw 'yon kaysa sa kanila. Kailangan ko raw dahil nangungupahan ako at mag-isa ako. Mas kailangan ko raw pagtuunan ng pansin ang sarili ko kaysa sa kanila dahil may regular naman daw silang nakukuhanan ng pera. Si Kendra ay walang trabaho sa mga nakalipas na taon, hindi ko lang alam kung may trabaho na siya ngayon. Ang alam ko ay may boyfriend siyang kano ngayon. Ayaw ko na lang siyang pakialaman dahil magagalit lang naman siya sa akin. Years had past and Sherwin and I were going strong. Strong nga ba? I don't know, really. Nagiguilty ako dahil sa nakalipas na taong magkasama kami ay para ko siyang ginawang daan upang makalimot ako kay Cyrus. Na naging matagumpay naman. Pero. . . 'yong pagmamahal? Hindi ko alam kung naramdaman o nararamdaman ko kay Sherwin ngayon. He's just. . . he's just too kind for me. I think I don't deserve him if I continue to be with him just because he's my escapade. He's the one whose been with me in my ups and downs. He's been with me the whole four years. He's been with me when my father talked to me again. He's not just a boyfriend for me, he's a best friend, too. But that doesn't make me less guilty for what I've been through for years with him. Nakakairita lang minsan ang pagiging ipokrita ko, makalimot lang sa unang lalaking minahal ko. "Hon, what's with that face?" Napatingin ako kay Sherwin nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko habang nanonood ako ng palabas sa T.V. Napabuntong hindi ako at umiling sa kaniya. "I'm just. . . watching." Tumikhim ako at inayos ang ekspresyon sa mukha. "Talaga? Bakit parang galit ka na ewan kahit nakakatawa naman ang palabas?" Tanong pa niya bago bumaling sa T.V. na nagtataka ang mukha. "Wala. Sa kuwarto lang ako. Patayin mo na lang kapag tapos ka nang manood." Hindi na ako nagdalawang-isip na umalis doon at pumasok sa kuwarto ko. Napahugot ako bigla ng isang malalim na buntong hininga habang kinakalma ang sarili. Lalo pa nang maalalang. . . wala na akong trabaho ngayon. Nabankrupt ang pinagtatrabahuhan namin ni Sherwin at pareho kaming walang trabaho ngayon. Naghahanap na siya ng mapapasukan habang ako ay nag-iisip pa kung saan p'wedeng magtrabaho. Kaya ko naman kahit ano. Kahit 'yong hindi ko napag-aralan o kahit walang lebel sa degree ko. "Hon," napapitlag ako nang biglang kumatok ako sa pinto si Sherwin. Tumikhim ako bago siya pinapasok. "Ayos ka lang ba? Mukhang. . . masyado kang nag-iisip tungkol sa pagkawala natin ng trabaho. Hayaan mo, makakahanap ka rin niyan. Makakahanap rin tayo." Ngumiti siya sa akin at lumapit sa akin bago ako niyakap ng kaniyang braso. Napabuntong hininga ako. "Ayos lang naman ako. Medyo. . . nag-aalala lang ako sa mga susunod kong pag-aaplyan. It's been years since I last made a resume, it's been years since I last felt the nervousness for an interview. Kaya. . . hindi ko rin masisisi ang sarili ko." Naramdaman kong tumango siya bago kumalas sa pagkakayakap sa akin. "Naiintindihan ko. Kung may maitutulong ako sa paggawa mo ng portfolio mo, sabihan mo lang ako at tutulungan kita." See, he's too kind for me. He's a real gentleman. A kind of person you couldn't bear to hurt. A kind of man everyone wants, but not for me. I don't know. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Kahit ako ay gusto nang kastiguhin ang sarili dahil sa mga naiisip. He's my boyfriend! My longtime boyfriend so what I am saying like he's not enough for me?! Nakakagago 'yon. Sobra. Ayokong masaktan siya nang dahil sa akin. Hindi ko na rin alam kung. . . paano ako makikitungo sa kaniya kung ganito ako? He never forced me to have intimacy with him. He nevwr forced me to be with him in one roof. He never forced me to do such thing beyond my limitations. He's too gentle. He's. . . he's one of my weaknesses. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko kinagat ang pang-ibabang labi. Naglakad ako papasok ng isang 50 story building na napakaganda. Halos malula pa ako habang nasa labas kanina at nag-aalangan pang pumasok sa loob. Pakiramdam ko ay makakabasag ako ng mamahaling muwebles. Sa dati kong trabaho ay hindi ganito kalaki at kaganda ang building kaya naninibago ako. "Good morning, ma'am!" bati ng guwardiya sa isang palakaibigang boses. "Good moring rin po!" I smiled and continue walking inside. Hindi nga ako nagkamali sa inaakala ko. Napakaganda ng loob. The black marble tiled floor looks fascinating that gives so much beautiful ambiance in the whole lobby. It's huge and spacious that you will be sweating as gou walk towards the whole lobby. Ang mga naggagandahang halaman ay mas lalong nagpaganda sa buong tanggapan. The aura of the employees and other peoples were too serious and intimidating. Like the ambiance. Napahigpit ang kapit ko sa aking bag at hawak na portfolio nang magpatuloy ako sa paglalakad. Bawat tama ng aking takong sa marmol na sahig ay nakakaganda. Rinig na rinig at nagmumukha kang makapangyarihan kahit isa ka lang empleyado o bisita ng establisyementong ito. Pumunta ako sa reception at sinabing mag-apply ako ng trabaho sa finance department. Palakaibigan niya akong iginiya sa opisina ng manager ng HR Department dahil doon daw muna unang pupunta bago sa mismong Finance Department. Kinabahan ako bigla. Noon naman ay hindi ako gaanong kinabahan, ngayon lang talaga todo ang kaba ko. Habang papasok ako sa opisina ay bigla akong napadasal na sana ay makapasa ako, lalo na sa interview. Napahugot ako ng malalim na buntong hininga bago ngumiti nang makita ko ang may katandaang babae na nasa kaniyang swivel chair. Kaunti lang siguro ang nag-apply kaya ngayon ay agad akong nakapasok. "Good morning, Mrs. Pelaez. May mag-aapply nga po pala sa Finance." Anang receptionist na naghatid sa akin dito. Ngumiti ako sa ginang na hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mas lalo lang akong kinabahan. "What's your name, Miss?" She asked with a hint of smile in her tone but her expression is just in stoic. Tumikhim ako bago nagsalita. "My name is Hermione Belle Gaila po." I smiled to hide my nervousness. "You look pale, but still pretty. I like your look, Ms. Gaila." Medyo nabawasan ang kabang nararamdaman ko at binigyan siya ng mas malapad na ngiti sa mga labi. "Salamat po," nahihiyang sambit ko bago yumuko nang bahagya. "Can I have your portfolio now, Ms. Gaila?" Mabilis kong ibinigay sa kaniya ang portfolio ko at bumalik sa puwesto ko. Umalis ang receptionist at naiwan ako sa HR manager na ngayon ay binabasa na ang laman ng aking protfolio. Tumatango-tango siya habang binabasa 'yon. Ako naman ay nakatayo lang sa harap ng mesa niya at naghihintay ng sasabihin niya. Ilang minuto pa ang lumipas at ibinaba niya ang binabasa at nagtaas ng kilay. "You really have a good background and skills in finance. That's good." tumango-tango pa siya bago niya ako nginitian. "Here's your portfolio. There's an interview going on in 20th floor. I'll have the Finacial Head informed about you. Good luck." Halos hindi magkamayaw ang saya na nararamdaman ko nang sabihin niya 'yon. Ibig sabihin ay nakapasa ako sa screening niya! Gosh! "Maraming, maraming salamat po!" Huling sambit ko bago umalis doon at sumakay ng elevator paakyat sa 20th floor. Nang makarating ako doon ay parang naging mabilis ang pangyayari. Lima lang ang kukunin sa halos tatlumpong nag-aapply. Kaya pagalingan na lang talaga sa interview at pagandahan ng background sa portfolio. Nanginginig pa ako nang makapasok sa loob nang ako na ang iinterviewhin. Everything feels like a whirlwind and now I'm just waiting for the result to come to my email now. Halos maghapon akong nakaabang sa laptop ko at hinihintay ang email ng Finace Department sa akin. "Kain ka muna, hon." Aya sa akin ni Sherwin na kanina pang nakaabang sa akin at nagmamasid. "Sige," sumunod ako sa kaniya sa lamesa. Hindi kami magkasama sa iisang bubong pero madalas talaga siya dito, gaya ngayon. "Wala kang pasok?" Tanong ko sa kaniya. Nagtataka kung bakit nandito siya. "Linggo ngayon, hon." Tumango ako nang mapagtanto 'yon. Oo nga pala at linggo. Nang matapos ako sa pagkain ay bumalik ako sa kuwarto. Hindi na hinintay si Sherwin na matapos sa kinakain niya. Hindi ko alam kung napapansin ba niya ang pagbabago ko o ano? Pero ako kasi. . . napapansin ko na ang pagbabago niya at ng sarili ko. Hindi ko nga lang alam kung matatakot ba ako sa pag-iiba niya? Kasi pakiramdam ko ay magiging handa naman ako kung sakaling bibitaw siya. Masasaktan ako, oo. Pero alam kong makakaahon ako. Siya ang inaalala ko, alam kong ibinigay niya sa akin ang pagmamahal niya. Alam kong mas masasaktan siya sa aming dalawa dahil parang naging one-sided ang relasyon naming dalawa. At doon ako mas lalong nagi-guilty. Halos mapatalon ako nang makita ko ang e-mail sa akin ng JC Salazar Real Estate. Gulat na gulat ako at pinakalma muna ang kabang nararamdaman. Nang humupa 'yon ay humugot ako ng malalim na buntong hininga bago binuksan ang laman ng e-mail na 'yon. Napanganga ako nang mabasa 'yon. ‘Congratulations!’ Just the word itself makes me teary eyed. Ang kabang naramdaman ko ay biglang nawala at napalitan ng samu't saring emosyon habang pinapaulit-ulit ang pagbasa sa e-mail na 'yon. Tumayo ako at humugot ng malalim na hininga. "Oh my gosh!" Sigaw ko at nagtatalon sa sobrang saya. "Hon! Ano 'yon?!" humahangos na pumasok sa kuwarto ko si Sherwin at kunot noong nakatingin sa akin habang may pag-aalala sa mga mata. "Natanggap ako, Sherwin!" Hiyaw ko at nagtatalon na naman. Sumilay ang masayang ngiti sa labi niya bago ako niyakap at nakisabay sa pagtalon ko. Yumakap ako pabalik sa kaniya sa sobrang tuwa. "Oh my gosh! That's a big company! A real estate!" halos magpalpitate ako sa naiisip. That will be my first time working in a real estate. "I'm so proud of you, hon. So proud of you." Umuklo siya para bigyan ako ng halik sa labi. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya. Hindi ko alam kung bakit biglang nawala ang saya ko. Pero masaya pa rin naman ako dahil. . . proud siya sa akin. May isang taong naging proud sa akin. Kinabukasan ay maaga akong gumising para magsimula sa trabaho. Si Sherwin ay nagtext sa akin na pumasok na siya sa trabaho dahil kailangan niyang magmaaga, nagreply naman ako bago nagpatuloy sa pag-aayos. "This is it, Mio. You can do this. Do your very best and be an efficient employee." Bulong ko sa sarili habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. When I arrived at the very huge establishment, I feel so proud of myself. I'm now one of those employees whose working their ass off in this company. I smiled. Pumasok na ako sa loob at binati ang guwardiya. Walang sakay ang elevator kaya naman nakapasok ako agad. Akala ko ay sasarado na ang pinto ng elevator nang biglang may nadetect na tao sa labas na pasakay. Agad akong ginapangan ng kaba sa dibdib nang makilala kung sino 'yon. "Cyrus. . ." bulong ko habang pinagmamasdan ang nakakaakit niyang mukha. Halos mapugto ang hininga ko lalo pa nang magtama ang mga paningin namin. He's talking to someone over his phone and he immediately tore off his gaze to me when he successfully enetered the elevator. Dalawa lang kami rito. But he didn't even react. He probably forgot about me. The girl who confessed her feelings towards him. He totally forgot about me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD