" Sama ka na lang sa akin baby Lianna ng hindi ka mainip dito sa bahay?. " Sabi ko sa babae na tumango naman ito at nagmamadaling umakyat sa taas, pagbaba niya ay lahat kami napatulala dahil para itong anghel sa suot na kulay krema na dress, nakalugay ang buhok at pink ang kulay ng labi. Nasanay ako na kulay pula parati ang labi nito kaya bago at fresh sa paningin ko ang kanyang ayos. " Napaka ganda mo baby girl " Sabi ni Liam na sinang-ayunan ko ng ngiti at tango. Napagkasunduan na kay Liam na lang sasabay si Lianna dahil kailangan ko na mauuna dahil may maaga ako na meeting. Pagdating sa building ko ay may mga nakatingin sa akin na parang may nais silang sabihin. Hindi ko na pinag-ukulan ng pansin at diretso na ako sa elevator pagdating ko sa aking opisina at kauupo ko pa lamang ng m

