Hindi ko na nga hinintay pa ang 48 hours na sinasabi nila. 24 hours pa lang simula manganak ako ay hiniling mo na umuwi na kami dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga sa loob ng silid. May binigay naman na reseta ang Doktora bago kami umalis, na kaagad naman binili ni Uncle. Pagdating namin sa bahay ay may babae na nakaupo sa sala, nakasuot ito ng skinny jeans at t-shirts, napataas ang kilay ko ng titigan ito ni Nat. " Hi, sino ka? " " magandang tanghali po madam, ako po si Che bagong yaya galing po ako sa Mansion ng mga Nuñez, ako po 'yung pinadala ni Madam Mae. " Tinanguan ko ang babae sabay ngiti. " Ninong! " " Yes baby girl? " " Pwede mo po ba paki confirm kung may pinadala nga na babae si Mae dito. Paki kuhaan na din si Che ng larawan. Siguro okay lang naman sa'yo ate Che ano

