Maagang pumasok si Uncle sa opisina, marami daw siyang meeting ngayon. Kaya ako mabagal ang kilos na bumaba sa hagdan, nakakatuwa na mabilis kumilos si Nat at naka alalay kaagad sa akin. " Salamat Nat, nag almusal ka na ba? " Tanong ko sa lalaki na umiling lang. Malamang kagigising lang din nito kaya nagkakape pa lang din. " Tara kain tayo! " Sabi ko sa lalaki sabay hila ng braso nito. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang mag patianod sa akin. " Samahan mo ako mamaya, pupunta ako kila Ninong, dadalawin ko si Mae. " Tumango ang lalaki na tipid magsalita, samantalang kay Uncle madaldal din ang isang ito. Pagkatapos ko nga kumain ay bumalik ako sa aking silid para maligo at magbihis ng pang alis na damit. Nakakatuwa na si Nat ay laging naka alalay sa akin lalo na kapag aakyat ako

