" Hindi ko naman gusto si Sky Mae, may iba akong gusto. " Sabinko sa babae na pinakatitigan ako ng mabuti, para bang inaarok kung totoo ang aking sinasabi o hindi. " Kasing hot ba ng bachelor na si Attorney Liam Kurt Sandoval?..nako sissy, pantasya ko 'yon! " Natatawa ako at naiiling, kung alam lang niya kung sino ako sa buhay ng lalaki ay baka matulala siya. " Nagugutom na ako Mae, hindi mo man lang ako inalok kahit tubig man lang, anak ka ba talaga ng may-ari ng bahay na ito?.." " Nako! Sissy, sorry na .. na excite lang kasi ako, unang beses na may dumalaw sa akin na kaibigan, ang iba kasi na mga naging kaibigan ko ay hanggang gimikan lang, ikaw nandito pa. Sorry na, hindi ka naman kasi kaagad nagsabi na gutom ka, nabaon tuloy tayo sa sesmes kahit pala candy hindi man lang kita na

