Mabilis lumipas ang mga araw at linggo, ngayon nga ay magkasama kami na naliligo dito sa swimming pool. Nakakatuwang pagmasdan si Mang Ramon na inaalalayan si Jona, malapit na itong manganak at kabuwanan na niya, sabay sa asawa-asawahan ni Liam. Grabe ang stress na inabot ni Lianna ng araw na kinasal si Liam at May, maghapon na hindi lumabas ng silid ang babae at umiyak lang ng umiyak. Gusto ng pamilya ni Mae na ikasal ng magarbo ang kanilang anak at ang sikat na si Attorney Sandoval, pero hindi pumayag si Liam kaya walang nagawa ang lahat kung hindi ang sundin ang kagustohan ng lalaki na ikasal sa Judge lamang. Hanggang ngayon ay hindi pa sa amin nagpapakita si Liam, naintindihan ko naman na kailangan din siya ng kanyang asawa dahil malapit na itong manganak at hinihintay na lang nila lum

