Pagkahatid ko kay Mae sa loob ng kanyang silid ay agad akong lumabas at bumalik sa hardin. " Mauuna na kami Liam, hinintay ko lang talaga na bumalik ka. Sa bahay muna si baby Lenard at ang yaya niya huh?, bantayan mo ang asawa mo dahil mukhang maselan ang kanyang pagbubuntis ngayon hindi katulad noong una, baka naka babae na kayo anak?, na excite naman ako. " Masayang sabi sa akin ni Mom na hinid ko sinagot, hinalikan ko lang ang kanyang pisngi at ang pisngi ni baby Lenard at bumalik na ako sa taas, nagpaalam na din ang magulang ni Mae na kasabay ng umuwi kila Mom. Naglakad na ako patungo sa loob ng makita ko si Sean at Lianna na kumakain, nagtatawanan ang dalawa at mukhang okay naman sila kahit wala ako. Parang nahihirapan akong huminga sa kaisipan na hindi na ako mahal ni Lianna. Maba

