Ipinikit ko na ang aking mga mata pero hindi mawala ang pag-aalala ko kay Uncle Sean. Hindi ko alam kung ano ang unang hakbang na gagawin ko sa kanya, lamang ang inis ko dahil sa inaakto niya, pakiramdam ko walang halaga ang aking nararamdaman, pareho naman naming ginusto ang nangyari pero bakit parang siya pa ang lugi?, parang pinamumukha pa niyang kasalanan ko ang lahat. " Tok tok tok Lianna anak! " Boses ni Nanay Vergie mula sa labas ng pintuan ang aking nadinig at umagaw sa atensyon ko. " Pasok po Nay! Hindi po yan naka locked itulak mo na lang." " Kumusta pakiramdam mo anak?, may lagnat ka daw kanina at masakit ang katawan dahil nadulas sa banyo sabi ni Uncle Sean mo. " Tanong ng matanda na kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Tumango na lang ako bilang sagot at nahi

