Huminto ang sasakyan sa isang Memorial Park, mdali naman silang kausap nakapasok kami kaagad ni Manong at bumili na din ng bulaklak at kandila sa mga street vendor kanina sa labas ng gate. Maganda ang paligid, mahangin at maraming puno, ang peaceful ng bagong tahanan ni Mommy, hinatid ako ni Manong sa mismong lapida ni Mom, naluha ako na hinawi ang tumutubong damo sa gilid at binaybay ng aking daliri ang kanyang pangalan. " Sia Grace S. Villania " basa ko dito at naupo na sa carpet na damo. Sinindihan ko ang dalawang kandila na binili kanina sa labas na nakalagay sa baso at ipinatong ang dalawa din na kumpol ng bulaklak. " Kamusta po Mommy?.." Panimula ko na tanong sa aking ina habang nagbabadya ang luha sa aking mata. " Ang daya mo po kasi, ayaw mong makita kita kahit sa huling pagka

