" Matagal ka pa ba d'yan Lianna baby?"
Tinig ni Ninong Liam mula sa labas ng pintuan ng aking silid, bakit ba ang lambing ng kanyang boses lalo kapag tinatawag n'ya ako na baby?.
" Pasok po Ninong! "
Sigaw ko naman, at ipinagpatuloy ang pagpapahid ng lotion sa aking hita, nadinig ko na lang ang tunog ng langitngit ng pintuan namin na kahoy at yabag ng paa na papalapit sa aking kinatatayuan. Ramdam ko ang pagsusuri ng kanyang tingin sa kabuohan ng aking silid. Malinis naman ito at kapapalit ko lang ng kobre kama, 'yon lang nga, puno ito ng aking mga pinapatuyo na underwear mga naka hanger mula dito sa loob, hanggang sa may bintana. Pagharap ko sa gawi ni Ninong nakita ko ang pamumuo ng butil ng pawis ni Ninong sa kanyang noo.
" Nako Ninong, naiinitan ka po ba?, hindi po kase ako nagbubukas ng aircon sa umaga binubuksan ko lang po ang mga bintana at electric fan ay ayos na sa akin, sa gabi lang po ako nag i-aircon. "
Paliwanag ko sa lalaki na tinanguan lang niya, ibinaba ko ang aking paa at inabot sa kanya ang silya naupo ako sa kama at nilagyan ng lotion ang aking tiyan, balakang at patungo sa aking singit. Pagtingin ko kay Ninong, napapalunok na ito ng laway, kaya ang pasaway ko na utak ay gumana. Nilagyan ko din ang ibabaw ng aking p********e at hinaplos, sabay kagat ng labi na nakatitig sa kanya, nang mag pang-abot ang aming tingin ay umiwas ito at tumayo, naglakad patungo sa bintana at doon tumayo.
" Pwede ba dito mag yose baby Lianna? "
Tanong nito na mukhang tensionado. Napangisi ako sa aking kalokohan, mukhang effective naman ang playing innocent ko na drama, gusto kung tumawa dahil nagmamadali itong magsindi ng sigarilyo, dumapa ako at sinubsob ko ang aking mukha sa higaan dahil nakita ko na filter ang nasindihan niya ng lighter. Nagmumura ito ng mahina sabay tapon ng sigarilyo sa labas at dumukot ng panibago at sinindihan ito, mabilis niyang hinithit na umabot sa kalahati kaagad ang apoy. Sabay buga ng usok at tumingin sa akin, patay malisya ako na nakatitig sa kisame, ayaw ko malungkot, ayaw ko isipin na ako na lang mag-isa ngayon, na wala na si Mommy Sia na hindi ko na siya mayayakap pa, hindi ko na maririnig pa ang mahinahon niyang tinig na kahit pa naiinis o nagagalit na sa pag papasaway ko ay nananatili itong kalmado. Ipinikit ko ang aking mga mata at naramdaman at masaganang tubig na nagmula sa aking mata. Napakasakit maiwan. Pinahid ko ang basa sa aking pisngi at paglingon ko sa pwesto ni Ninong ay ang mga mga niyang nangungusap at mukhang nahahabag ang aking nakita. Ngumiti ako sa kanya at tumayo na mula sa aking pagkakahiga sa kama, naglakad ako papalapit sa kanya, nakakatawa na hindi gumagalaw si Ninong at nakaharap lang sa akin, kaya mas lumapit pa ako sa kanya hanggang sa nagkadikit na ang aming katawan, inilapit ko ang aking mukha sa kanyang leeg at inamoy ito, ang bango ni Ninong grabe! Dala ng aking kapilyahan, tumingkayad ako at dinikit ang aking dibdib kay Ninong, ngayon ko lang napansin wala pala akong suot na bra! Total nakita naman na niya lahat kanina, para saan pa at mahihiya ako?, napangisi na lang ako na hinipan ang kanyang batok na ikina-iktad ko dahil hinawakan ni Ninong ang bewang ko at pinisil ng malakas, tumingkayad pa ako at mas idiniin ang katawan ko sa kanya at tinuwid ang aking mga braso. Napa buntong hininga ako at napa-iling.
" Ninong,tapos na po ba kayo mag pausok?, umalis po muna kaya kayo dito?, doon po kayo sa silya maupo. Hindi ko po kasi maabot 'yong damit na binibilad ko sa araw, sa palagay ko po ay tuyo na 'yon."
Parang wala sa sarili nitong tumango at naglakad patungo sa silya at naupo, may pagmamadali na kinapa niya ang kanyang bulsa at nakita ko na inilabas niya ang kanyang cellphone at may pinindot. Tumayo ito at naglakad papalabas ng pintuan.
Ako naman ay inabot ang mga naka hanger na damit at ng maramdaman ko na tuyo na ang mga ito ay natuwa ako at nagtatalon. Paglingon ko sa pintuan, nakatulala ang aking Ninong na nakatitig sa aking dibdib. Tumalikod ako dito at mabilis na isinuot ang mga damit, simpleng spaghetti strap na pang itaas at mini skirt na maong ang napili ko sa sampayan kanina. Naglakad ako sa harap ng vanity mirror at napangisi, maamo at inosenteng babae ang nakikita ko, Yes! I'm a virgin. Pero marami ako'ng alam kung ikukumpara sa mga ka edad ko na labing walo na taon pa lang,sa papel! Napangisi ako at inabot ang lipstick na kulay pula, ipinahid ko ito sa aking labi at paggatapos at inayos ko ang lapat gamit ang aking isang daliri, kumuha ako ng wipes at ipinunas doon ang aking kamay. Sinuklay ko ang aking kulot na kulay brown na buhok at itinali pataas, bun ponytail ang tawag nila dito, nagtira ako ng ilang hibla sa gilid ng aking tenga at tapos na!
" Ninong, tara na po! Ang ibang damit ko po ay binalot ko na lang ng plastik at inilagay sa bag, pwede bang maki-gamit na lang ako dryer sa inyo? "
Medyo nahihiya na tinanguan ko na tinanguan na lang nito, Naglakad ako at inilagay sa make-up pouch ang ilang madalas na gamit ko sa mukha at isinama sa aking mga dadalhin. Matagal ng plano ni Mommy Sia ang pag-alis at paglipat ko kay Uncle Sean. Ako lang ang ginugulo ang mga bagahe dahil ayaw ko tanggapin na iiwan ako ni Mommy, pero dumating na ang araw na hindi ko inaasahan. Bit-bit ang ilang bagahe ay tinulungan ako ni Ninong, kinuha sa aking kamay ang malaking bag at maleta, ang hawak ko na lang ay shoulder bag at isang bag na maliit. Isinara ko ang pintuan at bintana, tinanggal ang mga nakasaksak na kawad ng kuryente at naglakad na ako papalabas ng pinto. Pagdating sa sala ay tumayo lang ako at inilibot ang aking paningin, ang bigat sa pakiramdam na iiwan ko na ang lugar na ito, dinampot ko ang larawan namin ni Mommy Sia mula sa ibabaw ng displayed table. Labis na lungkot ang aking nadarama. Naglandas nanaman ang masaganang luha sa aking pisngi at pinahid ko ito kaagad, ayaw ni Mommy na nalulungkot ako, sabi nga niya noong nabubuhay pa s'ya, ako ang kanyang lakas ang nagbibigay dahilan para lumaban siya na mabuhay pa ng mas matagal. Naglakad na ako papalabas ng pintuan at isinara ang main door ng bahay. Pag harap ko sa garahe ay nakasandal si Ninong sa kanyang sasakyan at naninigarilyo.
" Ninong! Pwede pa naman po ako bumalik dito at mamasyal hindi po ba?,"
Tawag ko sa atensyon ng lalaki na nakayuko lang sa lupa at mukhang malalim ang iniisip. Humarap ito sa akin at tumango.
" Anytime baby Lianna, magsabi ka lang sa akin o kay Uncle Sean mo, ihahatid ka namin dito. Sa'yo nakapangalan ang property na ito kaya sa'yo lahat pati ang tatlong sasakyan sa garahe ay sa'yo. "
Tumango ako at naglakad na sa kanyang gawi, matalino si Mommy lahat ay pinaghandaan niya bago siya mawala.