Itinaas ko ang aking paningin at nakita ko si Mae na lumuluha ang mga mata. May hawak itong kutsilyo at hinahakbang ang paa papalapit sa akin kaya pilit ko na itinaas ang aking binti para takpan ang aking tiyan, kahit saksakin niya ang buong katawan ko siguro naman mabubuhay ang anak ko kahit sa life support, 'yon ang nasa isip ko. Humahagulgol na ako ng iyak dahil akala ko ay katapusan ko na, pero nagulat ako ng hiniwa ni Mae ang tali sa aking mga paa at kamay. " May maliit na bintana sa banyo, pagkasyahin mo ang iyong sarili, ako ang bahala na tumingin dito, pagtalon mo kumaliwa ka at magtago sa tambakan ng drum, hintayin mo ako doon at h'wag kang lumabas kahit ano pa ang mangyari. " Sabi ni Mae habang nagsusuot ng damit, ako naman ay nakatulala na tumingin sa kanya at mukhang nagtat

