Tahimik kaming tatalo na kumakain at wala ni isa man sa amin ang nagsasalita. Pagkatapos ko kumain ay tahimik ako na pinagmamasdan ang dalawa, para silang maamong tupa. " Bukas pala birthday ni Mae, sa bar kami mag c-celebrate tatawagan ko na lang kayong dalawa para ipaalam sa inyo kung saang bar kami pupunta. " " Kailangan mo ba ng bodyguard baby girl? " " Driver baby Lianna baka kailangan ninyo? " Tigilan ninyo ako Uncle at Ninong naiinis na ako sa inyo. Padabog na sabi ko sabay tayo at naglakad papalabas ng bahay, sa hardin ko naisipang maupo at damahin ang ihip ng hangin na papalamig na dahil malapit na dumilim. Hindi ako galit sa dalawa, gusto ko lang malaman nila na hindi lang sa kanilang dalawa umiikot ang buhay ko, kung sila may sariling kumpanya at karera ako naman ay may sar

