Dahil sa marami akong trabaho na dapat tapusin ay humigop lang ako ng kape na iniinom 'ata ni Lianna kanina at kumuha ng isang slice ng loaf bread at nilagay ang isang piraso ng hotdog. " Anak! Bakit hindi ka mag-almusal ng maayos? " Tanong ni Nanay Vergie na may mukhang nag-aalala dahil nakita niyang papalabas na ako ng pintuan at hawak ang tinapay. " Sa opisina na lang Nay, nagmamadali ako. " Sagot ko sa matanda na mukhang magsasalita pa sana ay mabilis na akong pumasok sa loob ng aking sasakyan upang natapos na ang usapan, napakarami ko'ng dapat gawin na na tengga dahil sa biglang pamamaalam ni bunso. Hinawakan ko na ng manibela at mapait na napangiti, may nagbabadyang luha sa aking mga mata kaya tumingin ako sa taas para pigilan ang pagpatak nito at mapait na napangiti. Kung tot

