Nakatitig ako ngayon sa mukha ni Lianna habang natutulog, dalawang beses pa kami nagsalo sa ligaya ng aking pinakamamahal na babae. Inayos ko ang kumot at nagpasya akong bumaba para kumuha ng mainit na gatas para kay Lianna, baka nagutom ang baby dahil sa pinagod ko ang kanyang mommy, baka paglabas eh, nakasimangot na! Natatawa ako sa aking kalokohan, iba talaga ang saya kapag kasama mo ang mahal mo, mabilis ang oras na lilipas pero wala ni konti na pagka inip kang mararamdaman. Halos talunin ko ang hagdan ng makita ko na nagmamadaling isinara ni Mae ang main door. Pagdating ko sa baba ng bahay ay nagulat pa ang babae ng hiklasin ko ang kanyang braso. " Saan ka pupunta? " " Bitawan mo ako Liam! Magsama kayo ng babae mo! " Sigaw nitong napakalakas, parang nag-init ang aking tenga, pero

