Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nanlaki ang mata ng aking yaya, nilampasan ko lang ito at dumiretso sa taas sa silid na katabi ng okupado ko. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ng matanda.
" Anak, parang napakabata pa naman ng bago mong babae. Mukhang kakaregla pa lang nyan ah."
Sinamaan ko ito ng tingin kaya napatakip ang matanda ng bibig niya at mahina na sinampal-sampal ang nguso.
" Anak po ni Sia 'yan. "
" Pero paano nangyari?, eh ilang taon na ba yang bata?."
" Labing-walo "
Pagkasagot ko ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa aking opisina dito sa bahay. Larawan ni Sia ang una kong nakita pagkaupo ko pa lamang sa aking swivel chair. Inabot ko ito at hinaplos.
" Gabayan mo ako bunso, wala akong alam kung paano magpalaki ng bata na pasaway."
Inilapag ko ang larawan sa ibabaw ng mesa at inabot ang aking laptop at binuksan, sinimulan ko ng tingnan lahat ng email sa akin ng aking sekretrya na si Juan at kaagad na nagsimulang magtrabaho.
Nakaramdam ako ng gutom, kumakalam na ang aking tiyan pero gusto ko matapos na ang aking gagawin bago ako tumayo. Pagtingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding ay alas tes na pala ng hapon. Kaya't tumayo na ako at lumabas sa aking opisina.
Naabutan ko ang aking alaga na pasaway, sa sala nakahiga habang nag c-cellphone. Nakasuot lang ito ng sando na kulay dilaw at manipis, bakat ang u***g nito at naka cotton shorts na kita na halos ang katambokan ng pang-upo.
Napapa-iling na nilampasan ko ito at dumiretso sa kusina. Nakita ko si Jona ang aming isa pang kasambahay na lantaran kung haroten ako. Kung hindi lang ito pamangkin ni Nanay Sonia ay matagal ko na itong sinakal.
" Hi Sir Sean, kakain na po kayo?."
Tinitigan ko ito ng masama sabay pabarag na hinila ang upuang kahoy at inabot ang plato. Nagmamadali naman itong sinandukan ako ng kanin at ulam.
" Alam mo Jona kapag mas nairita ako sa'yo pagrarampahin kita sa labas ng naka panty at bra lang. Ang daming uniporme na sakto sa sukat mo, pilit na ang maliit ang ginagamit mo. Isa pa, total lagi ka namang nasa kabilang bahay, bakit hindi ka na lang doon manilbihan?, total wala ka namang silbi dito."
" Ang sakit mo naman magsalita Sir Sean, eh dumadalaw lang ako sa kabila."
" Ano ka ba dito?"
" Kasambahay po."
" See?, hindi ka nurse ng driver doon ,para laging dumalaw."
Hindi na naka-imik pa ang babae at yumuko na lang na nagpatuloy sa pagkuskos ng lababo. Laman na ito ng chismis ng mga kasambahay at sakit ng ulo ni Nanay Sonia dahil sa kaharotan. Nakakahiya na din na nagpapatuloy ako ng babae na kung saan lang tinitira ng mga lalaki na naninilbihan dito sa aming Village.
Pagkatapos ko kumain ay lumabas ako at tinungo ang hardin, naupo ako at nagsindi ng sigarilyo habang hawak ang isang tasa ng kape. May dalawa pa akong online meeting sa dadaluhan mamaya. Ipinikit ko ang aking mata at isinandal ang aking likod sa bakal na upuan. Napa-ungol ako ng may kamay na magmasahe sa aking ulo.
" hmmmmmm.. ang sarap, harder please."
" Copy Sir."
Pagsagot pa lang nito ay alam ko na si Lia ang nasa likuran ko. Mahusay ito mag hilot kaya parang gumaan ang pakiramdam ko kahit paano.
" Uncle marunong ako ng body massage, gusto mo hilotin kita mamayang gabi?,"
Tanong sa akin ng dalagita habang patuloy sa ginagawa, paglapat ng ulo ko ay malambot na aking nasandalan ko, mukhang dibdib ata ito ni Lia kaya pinahinto ko na ito bago magkasala nanaman ako, dahil ngayon ay unti-unti nanamang tumitigas ang alaga ko.
" I'm okay now Lia, thanks for your help. Nabawasan ang sakit ng ulo ko. (Baba ko na lang ang problema)."
Gusto ko pa sanang idag-dag. Pero ngumiti na lang ako at naglakad palayo.
Pagdating ko sa aking opisina ay kaagad kung binuksan ang link sa zoom at ilang minuto na kang nga at magsisimula na kami. Isa akong engineer at may sarili akong kompanya na hawak. Masasabi ko'ng malago na ito at kilala na sa bansa at sa malalapit pang bansa dahil sa magagandang feedback ng mga kliyente namin. Isa pa ay naiiba ang aming disenyo, mula sa architects hanggang sa mga karpentero ay hawak mismo ng aming kompanya, ang mga construction supply naman ay nagmula sa kumpanya ni Liam na aking bestfriend.
Hinubad ko ang suot kung office coat at naupo sa sofa dito sa loob ng aking opisina. Nakita ko ang aking cellphone sa ibabaw ng lamesa na umiilaw , inabot ko ito at nakita ang mensahe ni Liam. Nag-aaya na uminum. Kaya kaagad ko itong nireplayan ng okay.
Lumabas na ako at tinungo ang aking silid, Naligo ako ng mabilis at lumabas. Nagbihis at naupo sa harapan ng salamin at sinaksak ang blower, pagkatapos ay nagpahid ng hair wax, paikot ko na ini-spray ang pabango sa aking katawan at lumabas na. Sakto naman na papalabas din si Lia.
" Saan lakad mo Uncle?, sama ako."
" Bawal doon ang bata, kaya matulog ka ng maaga at mag review may online class ka diba?."
" Sungit mo Uncle, sabagay matanda ka na kase. Sabi ni Mommy Sia thirty one ka na daw, so oldies ka na nga! Bye po Uncle ingat."
Sabi ng dalagita na may tono pa na nang-aasar. Hindi ko ito inintindi ay tinalikuran na lang.
Pagdating ko sa Brain Damage bar ay kaagad akong umakyat sa pangalawang palapag kung saan kitang kita ko ang lahat ng tao na nasa baba na nagkakasiyahan.
" Bro!," sabay naming batian at nag fist bump.
" Nakikita mo yung chikabebe na nasa tabi?."
Tanong ni Liam sabay turo sa tabing bahagi ng bar. Kitang-kita ko ang babae na napapalibutan ng kanyang mga kasamang lalaki at sensual na gumigiling.
" Anong meron sa kanya?."
" Dating gawi bro?, mukhang palaban eh."
Nginisian ko ito at tumango. Alam ko kung ano ang tinutuloy nito. Ilang babae na ba ang pinagsaluhan namin?, hindi ko na mabilang. Gawain namin ito mula high school pa lamang kami hanggang ngayon.