Chapter One

878 Words
MABILIS ang ginawang pag kilos ni Dana ng mga oras na iyon. Agad niyang hininto ang pick-up truck niya sa harapan ng isang talyer na malapit sa farm nila, ang Windy Meadow. Ibinalita kasi sa kanya ng isa sa tauhan nilang si Mang Jun ang nangyaring aksidente sa anak niyang si Apollo. Nahulog daw ito habang sakay ng kabayo nito. Dahil sa narinig ay wala siyang inasakyang oras at agad niyang pinuntahan ang anak. Ramdam niya ang kabog ng dibdib niya ng mga oras na iyon. “Apollo!” tawag niya sa anak. Nang makita niya itong nakahiga ay binundol nang labis na kaba ang dibdib niya. Agad niyang nilapitan si Apollo at lumuhod siya para tignan ito. “Are you hurt, anak?” Nang makita siya ni Apollo ay bigla na lang umiyak ito sabay yakap sa kanya ng mahigpit. “Nay!” ani ni Apollo sabay subsob sa bisig niya. Tinignan ni Dana ang iba pang parte ng katawan ni Apollo para siguraduhin na wala na itong ibang sugat. Nakahinga lang siya nang maluwag ng matiyak niya na walang seryosong natamo ang anak mula sa pagkakahulog nito sa kabayo nito. Masuyo niyang hinaplos ang mukha ng anak niya para maramdaman nito na hindi ito nag-iisa at nandito na siya sa tabi nito. “Don’t cry, love. Nanay is here for you.” Ani niya sabay punas sa luha nito. “I think he hurt his right ankle. Lucky that he did not broke his own bone.” Agad na napaangat ng tingin si Dana nang marinig niya ang baritonong boses na iyon. Dahil sa sobrang pag-aalala sa anak ay halos hindi na niya napansin ang taong nasa paligid, kay Apollo lang nakatuon ang buong atensyon niya. Pinagmasdan ni Dana ang may-ari ng boses na iyon na nakatingin sa kanilang dalawa ni Apollo. Ngayon lang niya nakita ito at malamang ay bagong tao ito sa maliit na bayan nila. The man is 6 feet and 2 inches na halos mapapansin agad dahil sa taglay na tangkad nito. He was almost ridiculously handsome. His perfect nose, fair skin, strong jaw and aesthetic face as if God created him perfectly. Hindi siya over react sa pag describe dito dahil totoo iyon. His hair is maine thick black and it falls above his broad shoulder. Bagay na bagay dito ang mahabang buhok nito na nakadagdag ng nag uumapaw na masculinity nito. She was sure that he's not pure pilipino, dahil ang features ng mukha nito at kulat ng halata ay may pagka-mestizo blood. Spanish blood. She was not aware that she almost stared at him for at least fifteen seconds. Ibinaling ng binata ang tingin sa kanya at matiim na tinitigan siya sa mga mata. There is something in his eyes, and somewhat familiar. His eyes like were a leaf in the field of the autumn days. And his scent! Parang nanunuot ang kakaibang bango nito sa buong sistema niya. God! Bakit parang ang bango nito? He was wearing a simple black shirt and rugged pants at bakat na bakat ang magandang katawan ng binata. Almost perfect physique! Napapitlag si Dana nang marining niya ulit ang umiiyak niyang anak. “Inay, am I not going to walk again?” umiiyak pa din na tanong sa kanya ng anak. Gusto niyang kastiguhin ang sarili. Naaksidente ang anak niya pero parang na-occupy pa ng lalaking katabi niya ang isip niya. She checked Apollo’s right ankle. And tama nga ang lalaki, mukhang hindi naman nabalian si Apollo ng buto pero kailangan pa din ng anak niya na matignan sa hospital. “Sus kang bata ka! Kanina ang tapang mo kako ay hindi ka iiyak. Pero nang makita mo si Ma’am Dana eh bigla na lang naatungal!” ani ni Mang Jun sa kanila. “My right foot hurts!” sumi-singhot singhot na sagot naman ni Apollo. “It’s okay, love. Pupunta tayo sa doctor para mawala yung sakit okay? You’re going to be alright. Malayo yan sa buto.” “But, Inay. This is my bone already!” She chuckled. Dahil don ay medyo nawala ang pag-aalala niya sa anak. Masuyo niyang hinalikan ang pisngi ni Apollo habang hinaphalos ang buhok nito. Nang akmang bubutihan niya ang anak ay inunahan na siya ng binata at binuhat si Apollo. Medyo may kalakihan na din kasi si Apollo sa edad na eight years old. Akmang pipigilan niya ang binata nang mag-salita ang anak niya. “That’s okay, Nay. He helped me while I was in pain. I think he’s a good person.” Alanganin tinignan niya ang binata. Saglit lang siya nitong sinulyapan habang buhat si Apollo. Pumunta ito sa pick-up niya at sinakay doon ang bata. “Ako na mag drive, samahan mo bata sa likod.” seryosong sabi nito sa kanya. Pinili na lang ni Dana na hindi umimik. Nagpapasalamat din naman siya sa lalaki na kasama niya ngayon. Tingnan niya si Apollo na halos hindi bumibitaw sa pagkakayakap sa kanya. Napatingin si Dana sa lalaki na tumulong sa kanila. Kumabog ang dibdib niya nang makita niyang nakatingin din pala sa kanila ito sa side mirror. Ilang sandaling nagtama ang mga mata nila ngunit siya din ang bumawi at nagbaba ng tingin. Bakit ganito ang pakiramdam niya sa lalaking ito? Nalilito si Dana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD