Trixie

1212 Words
"Hindi ka na naman papasok?" tanong ng kaklaseng si Melody kay Trixie. "May bagong action movie na palabas. Manonood na lang ako kesa makinig sa boring nating professor," sagot ni Trixie dito habang naglalagay siya ng make-up. Nagpalit na rin siya ng damit at hindi na rin sya nakauniporme. "Pero may quiz tayo ngayon," paalala nito. "Hello eh di lalong hindi ako dapat pumasok. Ano naman ang isasagot ko doon eh hindi naman ako nagreview. Ikaw nagreview ka ba?" tanong niya dito. "Hindi rin pero nakailang absent na ako. Baka i-drop na ako ni Sir kapag di na naman ako pumasok. At sigurado hindi na ako mapapatawad ng parents ko. Baka patigilin na ako sa pag-aaral ng mga yon." Sinimangutan lang niya ito. Takot lang talaga itong mawalan ng allowance. "Okay lang mag-aaya na lang ako ng iba. Mauna na ako. Ciao." At tinalikuran na niya agad ito para itago ang disappointment niya. Kahit sinabi niya na puwede siyang mag-aya ng iba wala talaga siyang ibang makakasama. Puro busy ang mga kaibigan niya, kaya talagang nag-iisa lang siya ngayon. Pagkatapos makaalis ni Melody dahil papasok na nga ito ay Lumabas na siya ng restroom na malapit lang sa university at naglakad na parang walang patutunguhan. Nawalan na rin siya ng ganang manood ng sine. Hindi niya gusto ang araw na ito. Infact pinilit pa niya ang sarili na bumangon kaninang umaga. Pero wala siyang choice kundi tumayo. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa mga tao sa paligid niya kaya she forced herself to act normal. "Nakakainis. Saan naman kaya ako pupunta?" tanong niya sa sarili habang sinisipa ang mga maliliit na bato na nakaharang sa daan niya. Nang maubos na ang maliliit na bato ay may nakita siyang isang lata ng sardinas na nakakalat. Imbis na pulutin yun at itapon sa basurahan, sa lata niya nilabas lahat ng inis niya at sinipa yon nang pagkalakas-lakas. Sabay sigaw pa niya ng "Buwisit kang araw ka. Bakit ka pa dumating?" Wala siyang pakialam kung may nakarinig pa sa kanya. Her frustration and anger is quite evident. Medyo nakaramdam naman siya nang konting satisfaction pagkatapos niyang masipa ang lata. "Nasaan na kaya yon? " Medyo palinga-linga pa si Derek habang hinahanap ang isang malaking arko. Hindi na niya halos maalala ang daan papunta sa Hermogenes University. Buti na lamang at motorsiklo ang dinala niya kaya kahit naligaw siya hindi naman siya masyadong naipit sa traffic. May usapan sila ng pinsan na doon magkikita. Kahapon pa lang siya nakakauwi pero imbis na magpahinga para mabawasan ang jetlag maaga pa siyang gumising. Ang pamilya nila ang may-ari ng university at isa sa mga board of director ang Papa niya at ang pinsan. Dito rin siya nag-aral dati pero hanggang second year lang ang inabot niya dahil nagloko siya. Sa Amerika na lang siya nakapagpatuloy ng pag-aaral at doon na rin siya nakatapos at nakapagmasteral pa sa Computer Engineering. Dapat ay mapopromote na siya sa isang software company na pinagtatrabahuhan niya ngayon pero napagpasyahan pa rin niyang umuwi. Malapit na siya at halos tanaw na niya ang malaking arko na nakapangalang Don Hermogenes university nang biglang may tumama sa ulo niyang lata ng sardinas mula sa kung saan. Nakahelmet naman siya kaya hindi siya nasaktan sa tama ng lata. Pero dahil sa pagkabigla nawalan siya balanse at sumadsad ang motor niya. "Damn it!" napamura siya sa sakit. Buti na lang din at nakajacket siya dahil kung hindi sugat-sugat na siguro ang braso niya. Itinayo niya ang sarili at ang motor. Sumakit ang katawan niya pero mukha wala namang nabali sa mga buto niya. Yun nga lang may gasgas na ang motor niya na bagong bili pa naman. At ang jacket na binili pa niya sa Amerika eh siguradong may sira na rin. Tumingin siya sa paligid hinahanap kung sino ang nagtapon ng lata sa kanya pero halos walang tao sa lugar. Pinulot niya ang lata na tumama sa kanya. Isang matandang babae na nakaupo lang ang nakita niya. Imposibleng ito ang nagtapon ng lata. She's too old at hindi galing sa direksyon nito ang lata. Lumapit siya rito at nagtanong kung may nakita ba itong nambato ng lata sa kanya. Itinuro nito ang isang babae na palayo nang naglalakad. Hindi niya ito agad napansin kanina dahil medyo malayo na ito at patakas na. Tinawag niya ito, "Miss!!" Hindi man lamang ito lumingon kahit malakas ang boses niya. Hey Miss!! Napilitan na siyang habulin ito. Sa wakas ay napansin naman siya nito at lumingon nang malapit na siya. Sa itsura nito halatang wala ito sa mood at mainit ang ulo. Pero pasensya ang babaeng ito dahil mas mainit ang ulo niya. "Bakit ano ang kailangan mo?" Matabang na tanong ni Trixie sa lalaking naka black jacket. Kanina pa mainit ang ulo niya at hindi niya gusto ang mga taong nang-iistorbo. She didnt try to hide her obvious annoyance dahil sa pagtawag nito sa kanya. "Galing sa'yo to diba?" tanong nito. Ipinakita nito ang lata na ubod ng lakas niyang sinipa just a minute ago. May tumutulo pang sauce sa lata ng sardinas. "H-hindi yan galing sa akin nasa kalye na yan nung makita ko." pagdedeny niya agad. Medyo kinabahan siya. Malaki kasi ang binabayarang multa kapag napagbibintangang naglittering. Pero hindi naman mukhang MMDA o tanod ang lalaki. Masyado itong guwapo at maporma para manghuli lang ng mga nagkakalat sa kalye. Kahit parang kumain ng alikabok ang suot nitong jacket ay halatang mamahalin ang suot nito. Pero puwede din namang galing sa ukay yon. Ang hindi ukay ay ang kaguwapuhan nito. Maputi at mamula-mula ang balat, medyo may kakapalan din ang kilay nito na magkasalubong na habang nakatingin sa kanya. Matangos din ang ilong nito. Mukhang hindi ito madalas nabababad sa ilalim ng araw kaya sigurado siyang hindi ito tanod o MMDA. Pero mukhang galit ito sa kanya dahil sa lata. "Alam mo bang tumama sa helmet ko ang lata na ito kaya sumadsad ang motor ko at nagkadamage." medyo nakakunot ang noong inform nito sa kanya. "H-ha W-wala akong kinalaman sa lata na yan." Pagsisinungaling pa rin niya dito. Pero alam niyang halatado na siya. "The old lady over there pointed at you. Nakita ka niya so please stop lying." Sagot nito. "Sabi ko na ngang wala akong alam. Huwag ma akong istorbohin." Nagkunwari na siyang galit. Nagtangka na rin siyang magwalk-out. Pero pinigilan siya nito. Hinawakan nito ang braso niya. "Hey not so fast lady. Hindi ka man lang ba magsosorry?" napapantastikuhang tanong nito. "Hindi ako magsosorry dahil wala akong kasalanan. Bitawan mo nga ako," pagmamatigas niya. Parang gusto na siyang batukan nito sa inis. Hindi talaga siya aamin kahit makita pa ang footprint niya sa lata. "Then pay up. Pagkatapos noon I'll call it quits, " sabi na lang nito. "Mangarap ka mister. Now let go of me, " pagmamatigas pa rin niya. "What if i dont want to?" hamon nito. Tiningnan niya ito ng masama at pagkatapos ay biglang isang ideya ang naisip niya. Bigla siyang nagsisisigaw "Saklolo!! Saklolo!!" Sinamahan pa niya iyon ng konting drama para magmukha talaga siyang biktima. Nabigla ito sa ginawa niya kaya nabitiwan siya nito. Napansin naman niya ang pagkalito nito kaya pinalo niya ito ng bag at pagkatapos ay tumakbo siya ng pagkabilis-bilis hanggang sa mawala siya sa paningin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD