CHAPTER 1: Ika-walong Prinsesa

1301 Words
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW HINDI huni ng mga malalayang ibon sa kalangitan ang gumising sa mahimbing na tulog ni Prinsesa Gracielle, kundi ang malalakas na katok ng kaniyang mga tagapagsilbi. "Gising, Kamahalan! Gising!" Paulit-ulit na sigaw ng tatlo sa mga tagapagsilbi habang ang iba nama'y patuloy pa rin sa pagkatok. Limang minuto na nilang ginigising ang kanilang mahal na prinsesa subalit ito ay kasalukuyang may mahimbing na tulog. 'Di kalauna'y nagwagi ang mga tagapagsilbi. Matumal na umupo ang prinsesa sa kaniyang kama, uminat saka pinakawalan ang mahabang hikab, "Gising na ako," walang gana at inaantok niyang tugon sa malalakas na katok ng mga tagapagsilbi. "Maaari po ba kaming pumasok, Kamahalan?" "Ah..." bahagyang pumikit ang kaniyang mga mata, ang katawan naman niya ay muli nang babagsak sa kama. Subalit nagising ang kaniyang diwa nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng kaniyang silid, halos masira pa ito. "Aist!" Malakas siyang napakamot sa kaniyang batok nang makita kung sino ang may gawa no'n, "Ate Vera, maaari bang kumantok ka na lang? Halos sirain mo na ang aking pintuan." "Magbihis ka, bilis." Lumapit sa kaniya ang ate niyang si Vera. Hinawakan nito ang kaniyang braso at sapilitang hinatak paalis ng kama, "Ang mga Monghe ay nasa palasyo, may dala silang magandang balita." Ipinagbigay alam nito. Nalaglag ang panga niya dahil sa biglaang pagdalaw ng pagkasabik sa kaniyang puso, "Ano naman ang magandang balita na iyon?" Mausisa niyang tanong. "Ang ating Ama ay nagdesisyon na," pumakawala ito ng matamis na ngiti, "Ngayong araw ay ipapadala tayo sa mundo ng mga tao—" hindi pa nga nito natatapos ang nais na sabihin ay nakisawsaw na ang makulit nitong bunsong kapatid. "Mundo ng mga tao?!" Dahil sa pagkabigla ay napasigaw siya, "Pero bakit?" Ang akala niya ay magandang balita ang dala ng mga Monghe, subalit bakit ganoon ang balita? Hindi iyon maganda para sa kaniya. "Huminahon ka, Gracielle." Huminga muna ito nang malalim bago ipinagpatuloy ang pagsasalita, "Ayon sa mga Monghe ay ito ang itinakdang araw upang simulan na ni Ama ang paghahanap ng bagong magmumuno sa buong Krajuta." Dahil sa narinig ay nalaglag muli ang panga niya. Tinakpan niya ang pasirko na bibig gamit ang kaniyang palad, "Ngunit, Ate..." nag-aalala niyang sambit. "Magbihis ka na," tumalikod si Vera sa kaniya, "At maghintay na lang tayo sa susunod na ipag-uutos ni Ama." Humakbang ito ng tatlong hakbang palabas subalit natigilan ito nang may maalala, "Isa pa, bilisan mo na dahil oras na lamang ang hinihintay bago tayo ipadala sa mundo ng mga tao. Pulang damtan ang isuot mo." Ito ang huling sinabi ng kaniyang nakatatandang kapatid bago ito tuluyang lumisan. Nalungkot subalit binilisan niya ang kaniyang paghahanda dahil ayaw niyang biguin ang Ama sa nais nito. Tumulong naman ang mga tagapagsilbi sa kaniyang pag-aayos kaya kaagad siyang natapos. Dali-dali siyang nagtungo sa silid ng kapulungan. Tumakbo pa siya upang hindi mahuli sa pagpupulong, ang mga tagapagsilbi nama'y nakasunod lamang sa kaniya. "Nandito na ako," hinihingal niyang nilapitan ang isa niya pang nakakatandang kapatid na si Hera, kambal ni Vera. "Magandang umaga, Kamahalan." yumuko siya bilang pagbigay galang sa nakakatandang kapatid. "Magandang umaga rin sa 'yo, Kamahalan." Ganting bati sa kaniya ng nakakatandang kapatid at yumuko rin. "Maupo ka na sa iyong pwesto habang hinihintay natin ang iba pa nating mga kapatid." Utos nito. Tumango siya at agad na umupo sa tabi ni Hera. Sa walong anak ng ama nilang hari, silang dalawa pa lamang ang narito sa pagpupulong. Kumunot ang noo ni Gracielle matapos na libutin ang paningin sa mga blangkong silya. Binilisan niya pa naman ang paghahanda upang hindi mahuli, tapos ngayon malalaman niyang napaka-aga niya pala para sa pagpupulong? Siya'y naiinis. "Kahit si Ate Vera ay wala pa rito, madaya." Wika niya sa mismong kaisipan lamang. "Alam mo ba kung bakit may pagpupulong ngayon?" Tanong ng nakakatanda niyang kapatid. Tumango siya, "Dahil ngayon daw ang itinakdang araw upang magsimula na si Ama sa paghahanap ng bagong magmumuno," kumibit-balikat siya, "Bakit hindi na lang ang nakakatanda nating kapatid ang gawin niyang tagapagmana?" Tanong niya. "Hindi maaari iyan, mahal kong kapatid." Makuyad itong humarap sa kaniya, "Ang tanging karapat-dapat lamang ang dapat na magmuno sa Krajuta. Kaligtasan ng daigdig ang nakasalalay rito." Wika nito saka tinapik ang balikat ni Gracielle, "Maghanda ka at baka ikaw pa ang mapili." Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa huling sinabi ng nakakatandang kapatid, "Subalit Ate, ayaw ko po," ngumuso siya, "Sasang-ayon ako kung isa sa inyo ni Ate Vera ang magmamana sa naipundar ni Ama." Natigilan si Hera dahil sa lakas ng boses ng bunso nila, nilibot niya ng tingin ang paligid, isinigurado kung may nakarinig ba sa kanilang pag-uusap o wala. Sa kabutihang palad ay wala, "Shhh," idinikit nito ang kaniyang hintuturo sa labi, "Hindi ba't ilang beses na kitang sinabihan na h'wag mo kaming tatawaging Ate kapag may mga taong nakaaligid sa atin?" Pabulong niyang sinermonan ang kapatid. "Hays!" Bumuntong hininga ang makulit na si Gracielle, "Bakit pa kasi kailangan ng ganito? Seryoso ba si Ama na tayo'y ipapadala sa mundo ng mga tao?" Iritado niyang tanong sabay kamot sa batok kahit hindi naman ito nangangati. "May isang salita ang ating Ama," inayos ni Hera ang nagulong buhok ng kapatid sa bandang tainga nito, "Kaya umayos ka at nawa'y matutunan mo na ang mag-isip nang mabuti." Bigkas nito saka natawa sa mismong sinabi. "Teka, sinasabi mo bang hindi ako—" nahinto siya sa pagsasalita nang biglang nagkalat ang mga yapak ng mga nakakatanda niyang kapatid na kakarating lamang sa silid ng pagpupulong. Siya at ang ate niyang si Hera ay sabay na tumayo at yumuko sa harap ng anim na prinsesa. "Magandang umaga, mga mahal na prinsesa," Sabay nilang pagbati. "Magandang umaga, Kamahalan." Sabay-sabay rin na bumati pabalik ang anim na prinsesa, kabilang na roon ang kapatid nilang si Vera. Si Haring Cion, ang hari ng Krajuta, ay may walong anak na babae sa asawa nitong si Reyna Bitana at Reyna Ali. Sila ay sina Zepa, ang unang prinsesa. Nasundan ito ni Vera at Hera subalit si Vena ang tinaguriang pangalawang prinsesa dahil siya'y mas naunang isinilang kaysa sa kambal niya. Ang ika-apat naman ay si Shina, nasundan ni Apae, Alotana, Maniza at ang ika-huling prinsesa ay walang iba kundi si Gracielle. Ang Krajuta ay isang kaharian sa mundo ng mahika. Dito naninirahan ang mga tagabantay ng mundo ng mga tao at ng kalawakan. Ang isa sa mga tagabantay na iyon ay walang iba kundi ang makapangyarihang angkan ni Haring Cion. May iba ring tagabantay na mula pa sa ibang kaharian subalit ang Krajuta ay higit na nakakataas sa lahat ng kaharian. "Magsi-upo na ang aking mga prinsesa at tayo'y magsisimula na." Natigilan ang lahat at nabigla ang bawat isa sa biglaang pagsulpot ng Hari sa kanilang likuran. Sila'y kaagad na nagbigay galang at yumuko. Pagkatapos ay sinunod nila ang iniutos nito. Umayos ang lahat sa pagkakaupo. "Kumpleto na ba ang aking walong prinsesa?" Nakangiting tanong ng Hari sa harap ng mga anak nito. Sa gilid nito ay naroon ang Monghe na kaniyang pinagkakatiwalaan. "Sandali, walong prinsesa lang ba ang iyong binigkas, mahal na Hari?" Isang tinig ang biglang lumitaw sa kanlurang pintuan. Ang noo ng mga prinsesa ay nakunot, sino ba ang walang modo na nanghimasok sa gitna ng mahalagang pagpupulong na ito? Sabay-sabay nilang nilingon ang kanlurang bahagi. "Sino siya?" Tanong ni Gracielle sa isipan nang makita ang hindi pamilyar na babae na naglalakad patungo sa kanilang direksyon. Ang suot nito ay isang ipinagbabawal na kasuotan. Mga mahaharlikang prinsesa lamang ang may karapatang magsuot ng pulang damtan. Sino ang babaeng ito? "Sino ka?" Tanong ni Zepa, ang unang prinsesa. Isang nakakalokong ngiti lamang ang binitiwan ng hindi kilalang babae. Sinulyapan niya muna ang mahal na Hari bago sumagot sa katanungan ng prinsesa. "Ako si Amanda," muli siyang napangiti, "Ang ika-walong prinsesa." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD