CHAPTER: 1

1289 Words
JAMIE POV "Mommy!" nagulat ako ng may batang biglang lumapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit s'ya lumapit sa akin. Ang g'wapo nito. "Hello,little boy. Nawawala ka ba?" naupo ako sa harapan nito. Pero ang nakakapagtaka ay hindi na ito nagsalita pa. Parang ang tanging salita na kan'yang nabigkas ay mommy. Hinihila ako nito at parang umuungot s'ya. Parang maiiyak na ito. "Besh, may anak ka na pala. Hindi mo man lang sa akin sinabi." "Gaga! Anong anak ang sinasabi mo d'yan. Ni hindi ko nga kilala ang batang ito. Kaya paano ko magiging anak ang batang ito. Kilala mo ako. No boyfriend since birth ito. " Masungit kong sabi dito sa aking kaibigan "Baka nawawala ang batang 'yan? O kaya naman ay baka kahawig mo ang mommy n'ya. Kaya s'ya sumigaw kanina at tinawag ka ." Napapaisip pang sabi nito na nakalagay pa ang kan'yang isang daliri sa gilid ng pisngi nito. "Sa tingin ko ay tama ka, kaya naman kailangan natin s'yang maibalik sa mga magulang n'ya " Saad ko sa kan'ya. Bumaling ulit ako sa batang ito na ang sarap lang na tingnan ng kan'yang maamong mukha. S'ya ang lalaking nakikita ko na agad na maraming magkakandarapa sa kan'ya kung sakali man na magbinata ito. Sobrang g'wapo naman kasi. Siguro ay nagmana ito sa kan'yang mga magulang. "Paano 'yong interview mo? Alalahanin mo na mas kailangan mo ang trabaho ngayon Jamie." Paalala ni Aliyah sa akin. "Isama na lang kaya muna natin s'ya,doon lang naman sa itaas ang opisina." Saad ko sa kan'ya. "Sigurado ka ba d'yan? Baka mamaya ay doon pa magpasaway si little boy." "Hindi naman siguro,nakikita mo naman na behave s'ya oh!" "Little boy, may pupuntahan muna tayo,bago ka namin dalhin sa mga magulang mo." sabi ko dito at tumango naman na parang maiintindihan n'ya naman ako. Dadalhin na lang namin s'ya sa police station mamaya. Dahil tulad ng sinabi ng bestfriend ko sa akin, mas kailangan ko ang trabaho ngayon. Dahil nasa hospital si Itay at kailangan n'ya na maoperahan sa lalong madaling panahon. Kaya naman kailangan ko na magdoble kayod ngayon. Ako lang ang inaasahan ng aking pamilya at dito sa probinsya namin. Mas'yadong mahirap ang kumita ng pera. Nakapag-aral naman ako,kaya naman kahit paano ay may lakas ako ng loob para mag-apply sa mga trabaho. Kahit pa nga two year's vocational course lang ang aking tinapos. HINDI ko alam kung matatanggap ako ngayon. Pero sana ay palarin. Nag-apply kasi ako bilang isang secretary. Madali lang naman siguro ito kahit na wala pa akong experience. "Akyat na tayo,baka mamaya tinatawag ka na sa itaas." Pag-aya ni allium at hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay ng batang ito. Mabuti na lang din at walang nangyari na masama sa kan'ya. Dahil iba na ang panahon ngayon. Lalo pa at ang daming nababalitang mg kabataan na nawawala. Sigurado ako na base sa hitsura ng batang ito na mayaman ang pamilyar n'ya. Halata kasi sa kinis at maging sa ganda ng kan'yang suot. Pagdating namin sa itaas ay marami-rami na din ang mga aplikante dito na naka-schedule para sa interview ngayon. Nang ako na ang sasalang ay iiwan ko na sana ang bata kay Aliyah. Kaya lang ay nakahawak dito sa aking mini skirt na suot. Umiiling na parang ayaw n'ya na malayo sa akin. At ang kinakatakutan ko ay nangyari na. Umiiyak na ito. "Miss Jamie Gonzales,ikaw na ang kasunod." Tawag sa akin ng isang babae na s'yang nag-aasikaso sa mga aplikante. "Anak mo ba s'ya? HINDI ba malinaw naman na nakalagay sa ina-aplayan mong position na dapat ay single." Mataray na sabi nito na tila ba naiirita sa kan'yang nakikita. "Hindi ko po s'ya anak ma'am." Sagot ko dito pero tinaasan lang ako nito ng kan'yang kilay na parang hindi ito naniniwala sa aking sinabi. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa akin. Kung makakapit sa damit ko ang batang ito ay para na s'yang tuko. At may mga luha pa ito na bigla naman akong nakaramdam ng awa para sa kan'ya. "Sorry Miss, pero hindi ka talaga p'wede sa posisyon na gus'to mong aplayan. Ang mabuti pa ay iuwi muna ang anak mo. At maghanap ka na lang ng ibang trabaho." "Hoy, grabe ka naman sa kaibigan ko! Sino ka ba dito at ang lakas ng loob mong sabihin sa kan'ya na umalis na lang s'ya." "Besh, halika na h'wag ka ng makipagtalo pa sa kan'ya." Pabulong kong sabi sa aking kaibigan. "Pero," "Please." Parang ayaw pa nitong magpapigil sa akin. Kaya naman kailangan ko pa itong pakiusapan. Ayaw na ayaw kasi nito ay 'yong minamaliit ako. Bumaba na kami at tulad ng nasa isip ko kanina, ay kailangan na namin dalhin ang batang ito sa presinto. Pagdating namin sa presinto na malapit lang din dito ay may isang babae doon na nakasuot ng pang-yaya na damit. At pagtingin nito sa amin ay kita ko ang gulat sa kan'ya. "Akhie!" sigaw ni ito at agad na lumapit sabay yakap sa batang ito. Sa tingin ko ay kanina pa din natataranta ang kan'yang Yaya, dahil sa paghahanap dito. "Naku! Ikaw talaga pinag-alala mo ng sobra si Yaya. Lagot talaga ako sa daddy mo." Sabi nito habang yakap-yakap n'ya pa din ito. "Sa tingin ko ay hindi na natin kailangan pang magreport. Dahil nandito na pala ang Yaya n'ya. Kaya lang ay hindi na din naman tayo makakabalik sa interview mo." Malungkot na sabi ni Aliyah sa akin. "Sa susunod baka palarin na ako." "Ma'am,maraming salamat po dahil kayo ang nakakita sa alaga ko." "Next time po bantayan n'yo s'ya ng maigi, para naman hindi po s'ya nawawala. Nakaka-awa naman s'ya kung mapapahamak." Sabi ko dito. "Akhie halika na dito." Pag-aya nito sa bata ng humiwalay s'ya sa pagkakayakap dito. Umiiling ito na parang ayaw n'yang umalis sa tabi ko. "H'wag mong sabihin sa akin na hindi pa tayo makaka-alis dito?" Pabulong na tanong sa akin ni Aliyah. "Sandali lang kakausapin ko lang itong bata." Naupo naman ako sa harapan nito para makapantay ko s'ya. "Little boy, kailangan ko ng umalis at nandito ka naman na sa Yaya mo. Kaya safe ka na dito." "Mommy!" Lumulutang sabi nito na agad ko naman na pinahid. "Hindi ako mommy mo okay, kaya iiwan na kita sa Yaya mo." Wika ko pa dito,pero mas lalo akong naawa sa kan'ya ng bigla nitong yakapin ang aking binti. "Nakakapagsalita ka na Akhie?" Napatingin naman ako sa Yaya nito. "Hindi ba s'ya nakakapagsalita?" "Hindi po, kaya nakakatuwa na sa wakas ay nakakapagsalita na s'ya. '. Naiiyak na sabi nito at parang lalo akong naawa sa bata. "Kamukha n'yo po kasi ma'am ang mommy nya. Kaya iniisip n'ya siguro na kayo ito." Paliwanag sa akin ng Yaya n'ya. Magsasalita pa sana ako,kaya lang ay biglang tumunog ang cellphone ko na isang de-keypad lamang. Dahil mas importante sa akin na masuportahan ang mga kapatid. Kaysa bumili ako ng mga mamahalin na gamit. Agad kong sinagot ang tawag. "Anak! Ang inay mo ito,nasaan ka ba?" "Nay,bakit po? May problema po ba?" "Ang Itay mo anak, kailangan n'ya ng maoperahan." Dinig ko na umiyak na si inay mula sa kabilang linya. "Papunta na ako d'yan Nay, gagawa na din ako ng paraan para makakuha ang downpayment para sa operation ni Itay." Sabi ko dito,pero sa totoo lang ay isa lang ang naiisip ko na lapitan ngayon na maaring makatulong sa problema ko. Maglalakad na ako palabas ng maramdaman ko ang batang si Akhie na nakakapit pa din sa aking binti. "Sorry little boy, pero kailangan ko ng umalis." sabi ko at sapilitan ko ng tinanggal ang kan'yang mga kamay na nakayapos sa binti ko. Narinig ko ang malakas nitong pag-iyak,pero kailangan ko na s'yang iwan. Dahil mas kailangan ako ng aking pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD