Nang matapos kaming kumain ay dinala ko muna ang mga gamit namin ni Akhie sa kwarto nito. Bumaba din ako agad. Dahil nasa sala ang mga magulang ni sir Mayor. "Maari ba namin kayong makausap?" tanong ng daddy nito. "Akhie, anak dito ka muna kay Manang, may pag-uusapan lang kami." Mahinahon na sabi ko sa aking anak. Hindi kasi maaring habang nag-uusap kami ay nandoon din ito. Alam ko naman kung anong mga sasabihin nila. Tungkol pa din ito sa pagpapanggap ko. Lumapit naman ito kay Manang. "Ikaw na muna ang bahala sa bata Manang." bilin ko pa dito. At naglakad na ako papunta sa library ng mansyon. Bakit sa tuwing importante ang pag-uusapan ay kailangan talaga na library nag-uusap? Napapatanong tuloy ako kung anong me'ron sa library. P'wede naman kasing sa rooftop na lang. Wala din

