Chapter 4

1654 Words
Lumipas ang mga araw at hindi na muling nag-krus ang landas nina Therese at Clint, na labis namang ipinagpapasalamat ng dalaga. Hangga't maaari ay ayaw na niya itong makita. Dahil sa dadalawang beses pa lamang na sila'y nagkikita ay suklam na suklam na siya rito. "Class, malapit na ang lakbay-aral natin sa Mt. Manalmon. Nakapag-paalam na ba kayo sa mga magulang ninyo?" tanong ng kanilang guro habang nasa kalagitnaan ng klase. "Yes, sir!" sagot ng halos lahat. "So, bukas bibigyan ko kayo ng form isa-isa ha? And papapirmahin ninyo sina Mama at Papa ninyo, para katunayan na pinapayagan nila kayong sumama." "Sir, magkano nga po ulit ang babayaran namin? Pagagalitan lang ho kasi ako ng Mama ko, sasabihin lang po nun na sayang ang pera." malungkot na sabi ni Benjo. "Ganito kasi class, may bayad ang registration natin. It's three hundred pesos. Then, may transpo pa na two hundred pesos each. Then siyempre may food pa dapat kayo kasi two days and two nights tayo doon. And required lahat na sumama." paliwanag nito sa lahat. "Sir, bakit ba doon tayo maglalakbay-aral? Ano'ng mga gagawin natin doon? I mean, 'di ba bundok 'yon?" segunda ni There. "Yes, Therese. Definitely. Aaralin natin yung pamumuhay ng mga katutubo roon. Kung paano sila nakaka-survive sa araw-araw, mga ganyan." "Ohh..sounds interesting!" "Sama ka na Benjo, sagot na kita." sabad ni Yves. "Talaga pare???" "Oo naman! Kailan ba kita biniro? Saka hindi ka na iba sa'kin." "Woooo hooo!!! Salamat pare!" anito na halos mayakap na si Yves sa sobrang kagalakan. "Wala 'yon pare!" TEXT CONVERSATION BRO CHRISTOF: Kuya, tuloy na ang LA namin sa Mt. Manalmon. Sasama ka pa ba? KUYA CLINT: Oo, alam mo naman na matagal ko ng gustong bumalik doon. Pero sure na ba ang date na 'yan? May golf kasi ako no'n bro. BRO CHRISTOF: Sure na this time bro e. KUYA CLINT: Okay, move ko ang game ko. Thank you for informing me bro. BRO CHRISTOF: TUESDAY THERESE'S POV "Ma, abay inilagay n'yo naman yata lahat ng stocks natin sa bag ko! And ang mga damit ko Diyos ko! Bakit ganito? Teka nga, ako ang pipili!" "Okay na 'yan anak. Abay ayoko naman na magutom ka roon! Saka iyang mga damit mo, panay mga mahahaba ang manggas at pajama inilagay ko para hindi ka lamukin." "Ma!! Oh my God! Yuck!!" "Ano'ng yuck yuck ka diyan?? Umayos kang bata ka!" "Ayoko ho! Basta ako'ng pipili ng mga dadalin ko Mama!" "Bahala ka na nga!" Hanggang sumapit ang gabi ay hindi magkamayaw si Therese sa paggagayak ng mga gamit niya. Lahat ng dala-dala niyang damit ay puros kulay itim. Hindi rin niya nakalimutan ang pouch niya na may laman ng mga bagay na hindi siya mabubuhay kapag wala. Ang make-up niya. Lalong lalo na ang eyeliner at lipstick na iba-ibang kulay. "Ayan! I'm ready, Ma." "Kung anu-ano na naman ang pinaglalagay mo sa bag mong bata ka! Lahat ng nakita ko itim! Aba e baka mapagkamalan ka namang kulto niyan anak!" "I love black po Mama. 'Wag na kayong kumontra!" "O siya sige na, matulog ka na at maaga pa kayong aalis bukas." "Okay po, goodnight Mama." "Night." KINABUKASAN Alas tres palang ng umaga ay nagising na si Therese. Alas singko ang alis nila at sa harapan ng school ang meeting place, kung saan naghihintay ang mga bus na magdadala sa kanila sa Mt. Manalmon. Nagsuot siya ng black leather jacket, wet look black pants na tinernuhan niya ng kanyang black boots. "Ma, alis na ho ako." paalam ni Therese sa ina pagkalabas niya ng kwarto. "Kailangan mo na nga umalis, kanina pa si Yves diyan sa sala at hinihintay ka na." "Ho?? Wala naman kaming usapan." "Sabi nga niya. Kaya masasabi ko talagang mabait na bata iyang si Yves e. Lagi kang inaalala." "Sus! May ibig sabihin na naman kayo Ma!" "Wala naman akong sinabi ah!" "O siya! Pupuntahan ko na po si Yves." Nangiti si Yves pagkakita sa kanya. "Kanina ka pa? Wait, bakit naman sinundo mo pa ko?" tanong niya rito. "Oo kanina pa ko. And wala naman, gusto lang kita sunduin para sure akong safe ka. Madilim pa kasi sa labas." "E ano naman kung madilim pa? Nakakalimutan mo ba na mas lalaki pa ko sa'yo?" "Huwag na tayong magtalo, halika na at baka maiwan nila tayo." natatawang sagot nito. "Tara!" "Mag-ingat kayo Yves." paalala ng Mama niya. "Opo Tita, salamat po!" "Bye, Ma!" "Mag-ingat anak ha?" "Oho!" Palabas na sila sa kabahayan nang akmang kukunin ni Yves ang mga dala-dala niya ngunit iniiwas niya ang kamay. Sa lahat ng ayaw niya ay ang tinatrato siyang babaeng-babae. "Ang sungit mo naman! Bibitbitin ko na nga e!" "Tumigil ka nga! 'Wag mo kong ginaganyan, lalayasan kita diyan!" "Bakit ba kasi?" "Ayoko nga e! Bakit ba ang kulit mo? Bakit hindi yung bag mo bitbitin mo??" "Hayy!! Okay, wala na kong sinabi!" Pagdating nila sa meeting place ay hinanap nila agad ang number ng bus na nakatalaga sa section nila. Hindi naman sila nahirapang hanapin ito. "Ayun There! Tara!" Nang makita ni Yves ang bus ay agad na sumakay na sila ni Therese. Kumpleto na ang lahat at si Sir Christof na lang ang kanilang hinihintay. Hindi rin naman nagtagal at dumating na rin ito. Nakatulog sa buong biyahe si Therese na katabi ni Yves sa bus. Nangingiti siya habang pinagmamasdan ito. Kahit napakakapal ng makeup nito ay naaaninag pa rin niya ang kaamuhan ng mukha ng dalaga. Kahit kailan ay hindi pa niya nakitang wala itong kolorete sa mukha, ngunit sa pagkakataong iyon ay kitang-kita niya ang natural na ganda nito sa ilalim ng iba't-ibang kulay na nakapahid sa mukha ng dalaga. "We're here!" narinig niyang anunsiyo ng guro nila. Sakto namang gigisingin niya si Therese ay nagmulat ito ng mga mata. "S-saan na tayo, Yves?" "Nandito na raw tayo sabi ni sir." "Gano'n ba? Sakto pala gising ko." "Oo nga, nangalay nga ang balikat ko sa'yo e." natatawang turan nito. "Sus! Pasalamat ka nga pinagtyagaan ko balikat mo!" "Hala! Kakaiba ka talaga!" "Class, let's go!" "Yes, sir!" sagot ng lahat. Nag-umpisa muna ang lahat sa pagtatayo ng kani-kanilang tent. Ang karamihan ay nag-grupo grupo. Magkakasama ang mga babae at magkakasama naman ang mga lalaki. Ngunit si Therese ay nagsolo. Wala siyang ka-good ni isa sa mga kaklase niyang babae ngunit hindi iyon ang dahilan niya. Malakas siyang maghilik at ayaw niyang makaabala pa ng iba. Nang matapos sila sa pagtatayo ng mga tent ay tanghalian na. "Class, lahat ng makikita ninyo dito at lahat ng malalaman ninyo about sa mga katutubo, kung paano sila mamuhay at lahat. Pakatandaan ninyo dahil gagawa kayo ng report tungkol sa lakbay-aral nating ito, maliwanag ba?" "Yes, sir!" Nang matapos silang kumain ay nagsimulang mag-ikot sa kabundukan ang grupo-grupong binuo ng guro nila. Bawat grupo ay binubuo ng walo. At ang bawat grupo ay kailangang makahanap ng mga katutubong makakapanayam tungkol sa pamumuhay nila. "Yves, ikaw ang magtatanong sa kanila ha?" seryosong sabi niya rito. "Ha?? Bakit ako??" "E ikaw lang ang magaling magsalita sa'tin e." "Si Benjo nalang There." "Ano?? Ba't ako?? Baka sabibin nila bakit pa ako nagtatanong e siguradong alam ko na ang pamumuhay namin." Nagtawanan ang lahat sa tinuran nito. "Putek! Kanina pa tayo naglalakad ah! Wala pa rin ba Yves?" tanong niya sa binata na nasa unahan ng grupo nila. "Ayun na, may natatanaw na ko. Isang bahayan na may mga katutubo." "Talaga?? Salamat naman!" "Handa mo na mga tanong mo pare." sabad ni Benjo. "Oo na!" Habang papalapit sila sa isang bahay na sinasabi ni Yves ay may nahagip ang paningin niya na bulto ng katawan na pamilyar sa kanya. Biglang kumabog ang dibdib niya na hindi niya maintindihan. "Hindi maaari. Bakit naman siya mapupunta rito?" tanong niya sa sarili. Tuluy-tuloy sila sa paglalakad. Malapit na malapit na sila sa mga ito ng makumpirma niya ang kanyang kutob. "Magandang umaga po!" bati nila sa mga ito ng tuluyan na silang nakalapit. "Magandang umaga rin sa inyo mga amang at ineng! Ano ba ang sadya ninyo?" tanong ng pinakamatanda sa grupo. "Ahhmm...bale po kasi mga mag-aaral po kami. Lakbay-aral po namin ngayon dito sa lugar ninyo at ang paksa po namin ay tungkol po sa pamumuhay ninyo. Maaari po ba kayong makapanayam? Ako nga po pala si Yves. Sila naman po ang mga kaklase ko." "Aba oo naman hijo. Halika dito at pauunlakan namin kayo." "Maraming salamat po!" Habang iniinterview ni Yves ang matandang katutubo ay nag-ce-celphone naman si Therese sa di-kalayuan. "Hindi ka ba nahihiya sa mga kasama mo? Nandoon sila at naghihirap sa kakatanong, samantalang ikaw pasarap lang dito!" Kunwari naman ay wala siyang narinig. Tuloy siya sa kadudutdot ng phone niya at kunwa'y itinaas pa ito na animo naghahanap ng signal. "Hoy aswang!! Hindi mo ba ko narinig??" Dito tuluyang nagpanting ang tainga niya. "Ano bang pakialam mo Mr.?? Ikaw ba ang teacher ko at ganyan ka maka-react??" "Hindi nga ako ang teacher mo! Pero naaawa ako sa kapatid ko na laging masakit ang ulo sa'yo!" Natigilan siya sa narinig. So totoo nga pala na kapatid ito ng teacher niya. "Ano hindi ka naka-react diyan??" "Alam mo Mr. Aso, wala akong pakialam sa'yo!! Hindi ko alam kung bakit nandito ka at wala pa rin akong pakialam tungkol doon! So sana lang, huwag mo rin akong pakialaman, pwede??" "Tsk..tsk..kawawa ang mga taong nakapaligid sa'yo!" Uminit ang ulo niya dahil sa narinig. Walang sabi-sabing nilapitan niya ito at pinalipad ang kamao niya sa mukha ng binata. "Tarantado ka pala e!!! Wala kang alam okay?? Huwag mo kong pagsasalitaan ng ganyan na parang alam mo ang lahat ng pinagdaanan ko!! Na parang alam mo ang lahat lahat tungkol sa buhay ko! At huwag na huwag mong sasabihin sakin ang mga 'yan dahil wala kang alam!! Wala kayong alam!! Lahat kayo!!" Nagulat si Clint sa pagsuntok nito sa kanya. Hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon kaya bahagya siyang nawalan ng balanse pagkasuntok nito sa kanya. At lalong hindi niya inaasahan na ang babaeng maton at tigasin na lagi niyang nakakaharap sa mga hindi inaasahang pagkakataon ay umiiyak ngayon sa harap niya. Gusto niya itong lapitan at humingi ng tawad dito dahil ito ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Ang may umiiyak na babae sa kanyang harapan. "Therese!! Hey! What happened??" tanong ni Benjo na nakita pala ang lahat. "Wala!" aniya at lumayo sa mga ito habang pinupunasan ang mga luha. Seryoso namang napaisip si Clint. "Ano kaya ang pinaghuhugutan ng babaeng 'yon?? Bakit ganoon nalang ang galit niya sa sinabi ko?? Saka bakit parang may masalimuot siyang nakaraan?" Lahat ng ito ay umuukilkil sa utak ni Clint habang sinusundan pa rin ng tingin ang ngayo'y malayo ng si Therese.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD