Chapter 2

1039 Words
TEXT CONVERSATION MR. CHRISTOF DEL VALLE: Good morning Therese! Bakit hindi ka na naman pumasok? May sakit ka ba? 'Di ba sabi ko kahapon may long test kayo sa Science? Ano na naman ba ang nangyari sa'yo? THERESE: May sakit nga ho ako. Pasensiya na ho, ibagsak n'yo nalang ho ako. MR. CHRISTOF DEL VALLE: Hindi ka na talaga nagbago. Yung ibang bata nakikiusap para ipasa ng teacher. Ikaw naman hinihiling mo pa na ibagsak ka! THERESE: Kasi alam ko naman ho na talagang hindi ako pang-pasa, sir. MR. DEL VALLE: Bukas pumasok ka. Bibigyan kita ng pagkakataong makapag-exam pa ha? THERESE: Po?? MR. DEL VALLE: Ayaw mo?? THERESE: Sige po. Sige po, sir. ••••••••••• KURIMAW BENJO: There!!! THERESE: Ano??? KURIMAW BENJO: Bakit hindi ka pumasok?? THERESE: Tatay kita??? KURIMAW BENJO: Ha?? THERESE: Tatay ba kita para magtanong ng ganyan?? KURIMAW BENJO: Grabe naman 'to! THERESE: Ayoko lang pumasok, bakit?? KURIMAW BENJO: Tinatanong ko lang. So saan tayo mamaya? THERESE: Huwag muna kayo sumama. Didiskarte muna akong mag-isa! KURIMAW BENJO: Ano balak mo?? THERESE: Basta!! KURIMAW BENJO: Ano nga?? Baka matulungan kita! THERESE: Kulit mo rin e no? May iba kong kasama, kaya exit muna kayo. KURIMAW BENJO: Uyy!! Boylet ba?? THERESE: G**o!! KURIMAW BENJO: Hahaha. Hindi pumasok si Therese sa paaralan hindi dahil sa may sakit siya. Kung hindi dahil tinatamad lang siya. Pero totoo ang sinabi niya kay Benjo na may pupuntahan siya. Nabalitaan niyang may laban ang school ni Francis ng Basketball sa bayan kung saan player ang binata. At kagabi palang ay binuo na niya ang kanyang plano. Pababa na siya ng terrace nila ng makita niyang binubukasan ng Mama niya ang gate. "Anak, tamang-tama ang paglabas mo. Andito si Yves." "Hi Therese! Bakit hindi ka pumasok?" tanong nito. Pinandilatan niya ito ng mata. Ang sabi niya sa Mama niya ay hapon lang ang pasok nila ngayon. "Therese Mirabelle!! Ang sabi mo wala kayong pasok ngayong umaga?" galit na sabi ng Mama niya. "O-oho nga Mama. Y-yves, nakalimutan mo ba na may seminar si sir ngayon? Sub lang mamayang hapon si Mr. Catacutan 'di ba?" kunwari ay sabi niya kay Yves sabay panlalaki ulit ng mata. "Ay! Oo nga pala po Tita! Pasensiya na po nakalimutan ko lang ho talaga. Kaya pala sarado ang roon natin There." "Boplaks ta talaga kahit kelan Yves e no? Ano ba ang ginagawa mo rito?"galit na tanong niya. "Wala naman There. Sabay na tayong pumasok mamaya. Okay lang ba?" "May pupuntahan pa ko!" "E di sasamahan kita." "Hindi ka pwede sa pupuntahan ko. Trobol 'to!"bulong niya para hindi marinig ng Mama niya. "Kahit ano pa 'yan. Basta nandoon ka."seryosong sabi ni Yves. "Anak ng tokwa talaga! O siya sige, tutal nasa pagawaan pa motor ko." "Yun naman pala e. Let's go?" "Tara!" "Tita, aalis na po kami."baling nito sa Mama niya. "Mag-ingat kayo Yves ha? Baka ako e pinaglololoko ninyo lang dalawa! Baka hindi lang talaga pumasok itong si Therese?" "Papasok ho kami mamaya Tita."sabi nalang ng binata. "Sibat na kami, Ma." "Hep! Hep!" sabi ng Mama niya at itinuro ng isang daliri ang sariling pisngi. "Sus! Gusto pa ng kiss! Ma, hindi na ho ako bata!" "Wala ng arte! Bilisan mo!" Wala siyang nagawa kundi halikan ang ina sa pisngi kahit ito ang pinaka-ayaw niya. Feeling niya ay kabaduyan lang ito. "Okay, ingat kayo!"turan ng Mama niya pagkatapos niyang humalik dito. "Salamat po, Tita." Nang nasa kotse na sila ng binata ay agad niyang binalingan ito. "Ipapahamak mo pa talaga akong gunggong ka e no? Muntik na ko kay Mama!" "Hindi ko naman kasi alam e. Pasensiya ka na. Ikaw naman kasi, lagi ka na lang nagsisinungaling sa Mama mo." "May dahilan ako!" "Karapat-dapat ba ang dahilan mo?" "Teka nga! Bakita ka pa ba kasi nagpunta rito? Hindi ka rin pumasok?" "Hindi. Nag-alala kasi ko sa'yo." "Tigilan mo ko Yves." "Seryoso ko Therese." "Hoy! Tigilan mo ko! Hindi tayo talo! Kinikilabutan ako sa'yo!" "Simula palang alam mo naman na gusto kita Therese." "Simula palang din alam mo na hindi tayo talo Yves." "Bakit ba kasi? Seryoso ko sa nararamdaman ko sa'yo." "Ano ba! Titigil ka o bababa ako dito?" Halata namang nalungkot ang binata dahil sa sinabi niya. Bigla itong tumahimik. "Saan ka ba pupunta? Ihahatid na kita muna." "Sa bayan. Sa may Sports Complex." "Ano'ng gagawin mo roon?" "Basta! Hindi naman tayo papasok. Sa parking area lang tayo." "Ha??" "Hintayin mo lang ako doon. Babalik din ako kaagad." "Samahan na kita." "Hindi na kailangan, kaya kong gawin 'tong mag-isa." "Ano ba kasing gagawin mo sa parking area ng Sports Complex?" "May gagantihan lang ako." "Si Francis na naman?" "Yeah." "Hay! Tumigil ka na Therese, baka kung ano pa ang mangyari sa'yo dahil diyan sa ginagawa mo! Kilala ko si Francis, hindi ka rin niya titigilan kapag nagkataon." "Wala akong pakialam! Hindi ako natatakot sa kanya!" Hindi na nagsalita pa si Yves. Batid niyang kahit ano'ng sabihin niya kay Therese ay balewala rito. Maya-maya pa ay narating na nila ang sadyang puntahan. Bumaba agad si Therese ngunit bago pa niya naisara ang pinto ng kotse ay hinawakan ni Yves ang kamay niya. "Mag-ingat ka ha? Hihintayin kita rito kung ayaw mong samahan kita." Hindi siya nagsalita, hinila niya ang kamay at pagkatapos ay tuluyan ng umalis. Pagdating sa parking lot ay mabilis niyang hinanap ang motor ni Francis. Hindi naman siya nahirapang hanapin ito. Tumingin muna siya sa kanyang paligid para siguraduhin kung pwede na niyang isagawa ang kanyang plano. Nang walang makitang tao ay agad na siyang tumalima. Agad niyang kinuha ang dala niyang laseta at walang sabi-sabing binutas ang parehong gulong ng Ducati ni Francis. Bago umalis ay luminga ulit siya sa paligid para siguraduhin kung walang nakakita sa ginawa niya. Habang inaayos ang hood ng kanyang jacket na suot ay sinabayan niya ng mabilis na paglalakad paalis sa lugar na iyon. Dali-dali niyang tinungo ang pinagparadahan ni Yves ng kotse nito. Nang makita ay agad na binuksan niya ang pinto at kapagdaka ay sumakay. "Plan One Done! Let's go Yves!" "Excuse me?? Yves who? Damn emos like you aren't allowed in here. So back off and get out of my car!" "Wait!! What?? Oh my-" Ganoon na lang ang gulat niya dahil hindi si Yves ang nakaupo sa manibela. "At sino ka naman? Nasaan si Yves? Bakit nandito ka sa kotse niya?"tanong niya sa lalaking kaharap. "Hindi mo ba ako narinig Ms. Eyeliner? Kotse ko 'to! Ikaw yang basta-basta pumapasok sa may kotse ng may kotse!" "f**k!" "Yeah! Kaya kung ako sa'yo lalabas na ko! Bago pa ko tumawag ng guard at i-report yung ginawa mo roon sa Ducati." Napalunok si Therese dahil sa sinabi nito. Napatulala siya sa lalaki. "Paano kung totohanin nito ang banta?"naisip niya. Natauhan lang siya ng marinig na nag-ring ang phone niya at makitang tumatawag si Yves. Dali-dali siyang bumaba at pabalibag na sinarado ang pinto ng sasakyan. Sa di-kalayuan ay nakita niyang kumakaway sa kanya si Yves. Nasa mukha nito ang pagtataka kung bakit bumaba siya sa isang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD