CHAPTER THREE

1053 Words
Pag uwe ni Grasya nakita niya si Ninong Magno naka upo sa sala habang nagbabasa ito ng isang magazine at napansin siya nito kaya tumingin ito sa kanya " Magbihis kana at kakain na tayo mamaya" Utos agad ni Ninong Magno at wala man lang emosyon ang mukha nito. Nagtungo si Grasya sa silid niya upang mag bihis na ngunit nakaramdam siya ng init sa katawan kaya naisipan niya munang maligo. Maayos na nilinisan ni Grasya ang katawan niya at habang ginagawa niya iyon bigla na lamang pumasok sa isip niya si Ninong Magno niya. Hindi niya alam bakit ba naglalaro sa kanyang isipan ang imahe ng kanyang Ninong Magno at gusto niya na itong iwasan kaya tinuan niya na lamang ang sarili sa pag linis sa kanyang katawan. Ilang minuto din bago natapos si Grasya sa kanyang pagligo at paglabas niya dumarityo siya sa closet niya at naka tapis lamang siya ng tuwalya. Walang nagustohan si Grasya sa mga kasuotan mula sa closet niya kaya napatingala siya sa maleta niya upang doon kumuha ng masusuot niya. Mataas ang closet ni Grasya at nasa taas ng bahagi ang kanyang maleta kaya kumuha siya ng upuan upang maabot iyon, habang inaabot niya ang maleta niya hindi inaasahan na nahulog siya at napasigaw siya ng malakas. Abala sa pagbabasa ng magazine si Ninong Magno ng marinig niya ang malakas na sigaw ni Grasya kaya agad niya ito tinungo sa silid nito. " Arayy... nabalian yata ako" Hinaing ni Grasya habang hawak ang kanyang paa dahil mukhang nabalian pa yata siya. " Ano nanagyari sayo?" Pag alalang tanong ni Ninong Magno at nilapitan niya si Grasya at bumungad sa kanya ang mapuputing hita nito. Mabilis na iniwas ni Ninong Magno ang kanyang paningin sa mapuputing hita ni Grasya at agad niya itong binuhat papunta sa kama. " Nabalian po yata ako" Saad ni Grasya at hinahawakan ni Ninong Magno ang kanyang paa at bahagya nitong ginalaw kaya napa kapit siya sa braso ng Ninong niya. " Ano ba kasi ginagawa mo? sa susunod pag alam mong delikado h'wag mo na gawin" Tila galit ang tono ng pananalita ni Ninong Magno kaya kinabahan si Grasya. " Pasyensya na po" Malungkot na sabi ni Grasya at inabutan siya ni Ninong Magno ng kanyang masusuot dahil hindi na ito komportable sa kanya dahil tanging towel lang ang nagkukubli sa katawan niya. " Magbihis kana aantayin kita at ako na magdadala sayo sa baba" Tila nahihiya pang sabi ni Ninong Magno at inabot niya ang isang dress kay Grasya. Nagbihis si Grasya ng damit habang naka talikod ang kanyang Ninong at hinihintay lamang siya nito na matapos. " Tapos na po ako" Sambit ni Grasya at lumingon na kanya si Ninong Magno at dahan-dahan siya nitong binuhat. Habang nilalakbay nila ang daan pababa sa sala amoy na amoy ni Grasya ang mabangong katawan ni Ninong Magno niya kaya naman hindi niya na naiwasan na hindi mapatingin sa mukha ng kanyang Ninong. " May dumi ba ang mukha ko? kanina kapa kasi nakatingin sa akin?" Direktang pagkakasabi ni Ninong Magno habang inilalapag nito si Grasya sa upuan. " Ahhm- wala po Ninong, pasyensya na po" Saad ni Grasya at ramdam niya ang init sa kanyang mukha at malakas ang kalabog sa kanyang dibdib. Habang kumakain nga silang dalawa palihim na pinagmamasdan ni Grasya ang mukha ng kanyang Ninong kaya ng tumingin ito sa kanya at nabalunan pa siya. " Ayusin mo ang pagkain mo hindi yung kung ano- ano ang tinitignan mo" Seryosong pagkakasabi ni Ninong Magno. " Nais ko po sana sabihin na ayuko po maging libre ang panunuloyan ko dito at lahat po sana ng inyong maitutulong sa akin ay gusto ko po sana pag trabahoan" Lakas loob na pagkakasabi ni Grasya at tumingin sa kanya ng tuwid si Ninong Magno. "Wala akong hinihinging kapalit sa pag tulong sayo dahil ang gusto ko lang makapag tapos ka" Seryosong pagkakasabi ni Ninong Magno. " Gusto ko po kasi pag hirapan lahat ng gusto ko kaya hayaan niyo na po sana ako pag trabahoan ang lahat" Pangungulit ni Grasya at huminto sa pagkain si Ninong Magno at ramdam na ni Grasya ang tensyon sa pagitan nila ng kanyang Ninong. " Sige nga paano mo pagtatrabahoan ang lahat ng maitutulong ko sayo?" Aniya ni Ninong Magno at napalunok si Grasya. " Paglilingkuran ko po kayo Ninong" Saad ko at ngumisi lamang si Ninong Magno at nakaramdam ng pangmamaliit si Grasya. " Hindi mo ako kailangan paglingkuran kaya kumain kana" Pagwawalang bahala ni Ninong Magno sa sinabi ni Grasya. " Minamaliit niyo po ba ang kakayahan ko? pero okay lang po basta paglilingkuran ko parin kayo" Pagmamatigas ni Grasya at nagpa tuloy na ito sa kanyang pagkain. Hinayaan na lamang ni Ninong Magno si Grasya sa mga sinasabi nito at hindi na siya nagsalita pa muli. Pagkatapos naman nila kumain muling tumayo si Ninong Magno at lumapit ito kay Grasya. " Kaya mo ba tumayo" Tanong ni Ninong Magno at sinubukan ni Grasya na i-apak ang kanyang paa at ramdam niya na kaya niya naman maglakad ngunit hindi niya ito sinabi sa kanyang Ninong. " Hindi ko pa po kaya i-lakad ehh" Pagsisinungaling ni Grasya at binuhat na siya ni Ninong Magno pabalik sa kanyang silid. "Matulog kana at ipapatingin ko yang paa mo bukas" Saad ni Ninong Magno ng mailapag niya na si Grasya sa kama nito. Pinatay na ni Ninong Magno ang liwanag sa silid ni Grasya ng makita niya na pumikit na ito at lumabas na rin siya. " Teka anong oras na ba? malapit na pala ang k-drama na pinapanood ko, sana matulog na siya at makababa ako" Hiling ni Grasya dahil malapit na ang oras ng panonood niya ng k-drama na inaabangan kaya sana makatulog na rin si Ninong Magno niya. Hindi magawang maka tulog ni Grasya ng mga sandaling iyon dahil inaabangan niya ang palabas na kanina niya pa hinihintay. Dahan-dahan na bumaba si Grasya sa lobby at binuksan niya agad ang television at sumakto ito sa k-drama na ina-abangan niya. lingid sa kaalaman ni Grasya na puno ng cctv ang mansion at konektado ito sa laptop ng kanyang Ninong Magno. Tahimik na pinapanood ni Ninong Magno si Grasya mula sa kanyang laptop at hindi siya makapaniwala na nagsinungaling ito sa kanya na hindi ito nakaka lakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD