Hinayaan na lamang muna ni Ninong Magno si Grasya dahil alam niyang masama pa ang loob nito sa kanya. Nauna na siyang umuwe Kay Grasya dahil may mga tinapos pa itong mga trabaho. Masama talaga ang loob ni Grasya sa kanyang Ninong Magno kaya naman sa bahay ni apple siya umuwe. Ginabi na nang uwe si Grasya mula sa kanyang trabaho at habang naglalakad siya patungo sa bahay ni Apple nararamdaman niya na tila may sumusunod sa kanya. Napatingin siya sa kanyang likuran ngunit wala naman tao kaya muli siyang naglakad. Kumatok na si Grasya sa pintuan ng bahay ni Apple at nang pag buksan siya nito bumungad sa kanya ang Ninong Magno niya na naka upo sa hapag kainan. " Kumain kana, nagluto ako" Bungad ni Ninong Magno at hindi inaasar ni Grasya nandoon pala ang Ninong niya dahil ang pagkaka alam

