CHAPTER 33 Lily's Pov. Itinuloy ko ang ginagawa ko pag trabaho sa bahay ng mga Alvarez. Alam ko sa sarili ko na pagod na pagod na ang katawan ko pero pinipilit ko pa rin para sa mga kapatid ko. Alam ko marami na akong kamalian hindi ko na alam gagawin ko sa ngayon. Mas lalo na iniisip ang kasunduan na sinasabi ni sir Liam sa akin. Kaya kong tiisin yun para sa kapatid kung na disgrasya. Habang naglalaba ako tumutulo ang aking mga luha. Ng natapos na akong maglaba ay lilipat na akong maglinis sa kwarto ni sir Sebastian habang wala siya at pumasok sa office. Kinuha ko ang gamit sa paglilinis sa stock room at nag tungo na ako doon sa taas. Binuksan ko ang pintuan niya at sa ka pumasok na ako sa loob para maglinis. Sinimulan ko ang paglilinis sa kanyang banyo. Kinuskos ko ng maigi

